CHAPTER 6: Kahit Sandali Lang

280K 5.8K 1.7K
                                    

CHAPTER 6: Kahit Sandali Lang

************

"When can I wreck the walls you build around you?"

************

VERONICA LUNA GARCIA-REYES

Umupo ako sa ibabaw ng king-sized bed habang hinihintay na lumabas si Dylan sa banyo. Huminga ako ng malalim at tiningnan yung pinto ng banyo na pinasukan nito. Mukhang wala pa itong balak na lumabas kaya nagbihis na muna ako. Pagkatapos kong magbihis ay umupo ulit ako sa ibabaw ng kama.

Nag-angat ako ng tingin nang bumukas na ang pinto ng banyo. Napalunok ako. Ang tanging suot lang nito ay kulay itim na boxer. Pinupunasan nito ng tuwalya ang basang buhok. Bumaba ang mata ko sa hubad na dibdib nito, tumutulo ang ilang butil ng tubig doon. Nag-iwas ako ng tingin nang maglakad ito palapit sa akin.

"Ahm, Dylan." Ano ba ang sasabihin ko? Shit!

Kinuha nito ang damit na inihanda ko para sa kanya. Inihanda ko na iyon habang naliligo ito. "Magpahinga ka na, Luna."

Yumakap ako ng isang unan at tumayo mula sa kama. Tumaas ang isang kilay niya. "Saan ka pupunta?"

"Sa sala. Doon ako matutulog." Mahina kong sabi.

Hinila niya ako palapit sa kanya hanggang sa maging isang ruler nalang ang layo namin sa isa't-isa. Bilang bumilis ang tibok ng puso ko nang salubungin ko ang titig nito. "Bakit? Dito ka na matulog."

Binitiwan niya ako at nilagpasan. Nilingon ko ito.

"Ikaw. Saan ka?" Huminto ito nang magsalita ako.

"I can handle myself." Sabi nito habang nanatiling nakatalikod sa akin.

Umaarte ba siya? Wala naman dito ang Tita ko at mga pinsan, a. Paasa ka, Dylan. Paasa.

Binaba ko yung hawak kong unan at kumot sa kama saka muling tumayo ng maayos.

"Dylan," Tawag kong muli rito. This time, humarap na siya sa akin. Nananatili pa rin ang seryosong mukha nito. Pinatatag ko ang boses ko. "Wala naman dito sila Tita Vivian. Tigilan mo na ang pag-arte na may pakielam ka sakin."

Umangat ang isang labi nito. Pinakita na naman niya sa akin ang mala-demonyong ngiti nito. "Luna, I cared for you because I need you and not the other way around. You remember my father's will, right?"

"Dylan, you're not like this when we first met."

Hindi ito umimik.

"When can I wreck the walls you build around you?" Hindi ko na napigilang manginig ang boses ko.

"You can't. I won't let you." Malamig nitong sabi. Napayuko ako.

Ang tanging nagawa ko nalang ay tingnan itong maglakad palabas ng pinto. Napapitlag ako nang isara nito ng malakas iyon. Napahiga ako sa kama at saka tinakpan ang mga mata ko. Dala siguro ng pagod ay agad akong dinalaw ng antok.

--

Pagdilat ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang dilim ng palagid. Ngunit may kaunti naman akong naaninag dahil may liwanag sa labas. Nag-inat ako bago tumayo. Pumunta ako sa salamin ng kwarto, namangha ako sa ganda ng paligid. Bilog na bilog ang buwan at nagsabong ang mga bituin sa kalangitan. Kumikislap ang karagatan sa ilalim ng buwan. Gumaan ang pakiramdam ko nang makita ang kagandahan niyon. Dumako ang mata ko ibaba, sa may pampang ng dagat ay may mga taong nagsasaya.

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon