CHAPTER 37: WHERE WILL I GO
****************
LUNA
Napatayo ang sekretarya ni Dylan nang makita ako. "Good morning, Misis Reyes."
"Where's Dylan?" Agad kong tanong.
"Uhm, wala po si Sir."
"Ang sabi niya sa akin nasa office siya. Nagsisinungaling ba siya o tinatago mo lang siya sa akin?"
"I'm sorry, Misis Reyes. Your husband ordered me not to tell you where he is." Sabi niti sa maliit na tinig at yumuko.
"Sino ang kasama niya?"
"I'm sorry, Ma'am. Matatanggal po ako sa trabaho kapag hindi ko sinunod si Sir."
Tumango ako. "Tell him, kapag nalaman ko na may iba siyang inaasikaso, hindi na niya ako makikita at ang anak niya."
"U-Understood, Madame."
Lumabas na kami sa opisina ni Dylan. Naramdaman ko ang paghawak ni Camille sa aking balikat.
"Mahal ka ni Dylan. Hindi niya magagawa sa iyo iyon." Mahinang sabi nito.
"Sana nga."
"Epekto ng pagbubuntis ang overthinking. Kalma ka lang, Luna."
"Paano kung.. nagsawa na nga si Dylan sa panunuyo sa akin, Camille."
Hindi ito nagsalita kaya nanahimik nalang ako. Kinimkim ko ang sakit na aking nararamdaman.
Mabigat ang aking pakiramdam nang magpunta ako sa aking obygyne. Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili. Pumasok kami sa puting pinto ng klinik at napangiti ang doktora nang makita ako. Nginitian ko siya pabalik.
Sinabi nito na maayos ang lagay ng baby ko. Healthy ito at wala siyang nakikitang abnormalities.
Lumabas kami sa klinik ni doc at sumakay na sa aking sasakyan. Nakatingin lang ako sa cellphone ko at hinihintay na magtext si Dylan habang si Camille naman ay kausap ang kanyang kaibigan sa phone.
"Magkita nalang tayo mamaya, Kenneth. Bye." Malambing nitong sabi sa kausap na nakapagpakunot ng aking noo.
"Kenneth who?!" Tanong ko nang maibaba nito ang phone.
"A friend."
"You're using your sweet voice and he's just a friend? Pati ba naman ikaw, may tinatago sa akin."
"Kenneth is just a friend. Well, I like him.. at hanggang doon lang iyon. You know me."
"You're playing a very dangerous game, sister."
"I won't fall for him. As a matter of fact, we're both playing. And we're enjoying it."
Nagkwekwento pa ito ng mga ginagawa nila ni Kenneth sa dates nila. Napapahawak nalang ako sa aking noo dahil sinasabi ni Camille na wala siyang feelings sa lalaki pero sa paraan ng pagkwento niya, parang hindi siya makatulog kakaisip sa lalaking iyon.
Napatingin ako sa aking phone nang umilaw iyon dahil sa nareceive kong text. Madali ko iyon binukdan nang makita ang pangalan ng aking asawa.
'Thank you for taking me home.' WTF!
"Luna, bakit? Gigil na gigil ka sa phone mo?"
Hindi ko pinansin ang tanong ni Camille at agad na tinawagan ang numero ni Dylan.
"Hello, Baby."
"Don't 'baby' me. Hudas ka. Para kanino itong sinend mo na 'thank you for taking me home', ha?" Gigil kong sabi.
BINABASA MO ANG
MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)
General FictionFILIPINO | Y2017 Veronica Luna fell inlove with Dylan Caden the first time she saw him. But she's not the the one he loves. Dylan Caden was in a relationship with her twin sister, Veronica Camille, who is loved by many. One day, Luna didn't make it...