CHAPTER 36: CAN'T BE WITH YOU

196K 3.7K 177
                                    

Dedicated to MsJennyDo. Hi, miss! :)

Thank you for supporting my story! ♥♥♥

**********

CHAPTER 36: CAN'T BE WITH YOU

**********

LUNA

"Isang araw, inutusan ng nanay ni Juan si Juan na iuwi ang mga alimango. Pero sadyang tamad si Juan kaya pagkaalis ng nanay niya ay ibinaba niya ang mga alimango at pinaglakad saka sinabing, 'Sige, mga alimango. Umuwi kayo sa bahay namin. Huwag kayong tamad'.."

Napapangiti nalang ako habang pinapanood siyang binabasa ang hawak na librong pambata habang nakahiga sa aking tabi at nakasandal ang likod sa headboard.

Ilang linggo na ang nakakaraan nang makauwi na ako sa bahay ni Papa. Binilin sa akin ng doctor na hindi na ako pwedeng magpuyat, ma-stress at sumigaw pa para na rin sa ikabubuti ng baby.

Halos araw-araw rin ay bumibisita sa akin si Dylan para alagaan ako. Aalis lang ito kapag alam niyang mahimbing na akong natutulog. Hinayaan na rin siya ni Papa na maglabas-pasok sa pamamahay niya dahil nakikita nito ang pagbabago ng aking asawa.

"Ah!"

"Bakit? A-Ano ang masakit, Luna?"

"S-Sumisipa siya."

Hinimas ni Dylan ang umbok sa aking tiyan. "Baby, dahan-dahan lang. Nasasaktan na si Mommy."

Napabuntong-hininga ako nang naramdaman ang mainit nitong palad.

"She likes it."

"Likes what?" He said innocently.

"You touching her."

"I like it, too." He smiled gently.

Sinuklay ko ang magulo niyang buhok. "Hindi ka pa ba uuwi? Gagabihin ka na sa daan."

Pumungay ang kanyang mga mata at ngumiti. "Kapag nakatulog ka na, saka ako aalis."

Alam kong pinipilit lang niyang hindi ipahalata sa akin na pagod na siya. Kapag natapos na kasi ang office hours ay agad itong bumibiyahe dito sa bahay para lang bisitahin ako.

"Umuwi ka na. Alam kong pagod ka mula sa opisina."

"Hindi na ako pagod simula n'ung makasama kita."

Namula ako sa kanyang sinabi.

"Oh, you're blushing."

"S-Shut up."

He laughed.

"Quit laughing!" Inis kong saad.

Kumunot ang noo nito at pinagsalikop ang aming palad. "Easy there, Baby. Don't shout."

Napayuko ako. "I'm sorry."

Napahikab ako at namungay ang aking mga mata.

"Matulog ka na para makaalis na ako." Inakyat nito ang kumot sa aking balikat at pinaglaruan ang aking buhok.

Sumiksik ako sa kanya bago pumikit. "Good night, Dylan."

"I love you, wife."

"I.. wab.. hmm.." I murmured sleepily.

Nagising ako na wala na akong katabi. Nag-inat ako at kinusot ang aking mga mata. Hinaplos ko ang aking sinapupunan at ngumiti. "Good morning, baby girl."

Napatingin ako sa aking phone na nasa bedside table nang tumunog iyon. Agad ko siyang sinagot nang makita ang Caller ID ang pangalan ng aking asawa.

"Good morning." I said huskily.

"Hmm, it's so nice to hear your bedroom voice, Baby Luna." Wait. Bakit parang iba ang boses niya?

"Ang aga mo namang magising? It's saturday. Pwede namang mamayang hapon nalang ang check up ko." Dapat magpahinga naman siya. Alam kong pagod siya, pero heto't gumising pa siya ng maaga para tawagan ako.

Kinikilig ako, but nag-aalala ako para sa kalusugan ng asawa ko.

"Yeah. And I'm sorry I can't be with you now."

What?! "Bakit?"

"I just can't, Baby. I'm sorry."

"Pero, schedule ng check-up ko ngayon. Hindi mo ba ako masasamahan kahit mamayang hapon?"

"I asked Camille na samahan ka muna. Sorry, Baby. M-Medyo busy lang ako ngayon sa office."

Napasimangot ako. Office? Mas mahalaga pa iyon kaysa sa akin? "Sino ba ang pinagkakaabalahan mo at hindi mo ako pwede kitain ngayon?"

"Baby, don't be mad. I said, I'm sorry. And I'm not seeing anyone. You're just my only one. Please, I'm sorry." He said. Sound hurt.

"Fine. Who needs you anyway." Mahina ngunit madiin kong sabi.

"Baby—" Hindi ko na ito binigyan pa ng karapatan para magsalita. Pinutol ko na kaagad ang linya at naiinis na binalik sa bedside table ang phone.

"Baby, mukhang tayo dalawa nalang ulit." Kausap ko sa aking anak. "Hindi natin siya bati."

Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Camille bago pumasok. Nakita ko pa rin ito na nakahiga habang nakatalukbong ng kumot. Lumapit ako dokn at inuga ang kanyang balikat.

"Cammy.."

"Hmm?"

"Samahan mo ako sa oby. Binilin ako sa'yo ng asawa ko 'diba?" Hindi pa rin mawala sa aking dila ang inis sa nangyari kanina.

"Five minutes. No, ten. I mean, thirty. Ugh!" Sabi nito bago magtalukbong ng kumot.

"Gumising ka na. Sandali lang naman tayo dun. Please, Camille? For your niece's sake?"

"Ugh! Fine."

"Thanks. And don't mention that stupid, jerk, asshole husband of mine. He's pissing me off. So, as for you, lazy pants, move. Now. Ayokong ma-late sa check-up ko." Sabi ko bago naglakad papunta sa pinto.

"I still want to sleep, damn it. Kasalanan 'to ng kumag na iyon. Hay!"

"Right. Kumag siya. I cannot agree more." I said before closing the door.

Nagbihis ako at tumingin sa salamin para makita ang reflection ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili. Bawal ang stress. Makakasama sa baby.

Smile, Luna.

Everything's gonna be alright.

No stress allowed.

Hindi naman ako dapat nagalit kay Dylan ng ganoon. Hindi ko dapat siya pinagsalitaan ng masasakit na salita. I hurt him. Shit. Kailangan ko rin naman siyang bigyan ng benefit of the doubt. Paano nga kung busy nga talaga siya? Hay. Damn hormones.

Sumungaw sa aking pinto si Camille. Nakabihis na rin ito. "Ano? Tara na?"

"Pumunta muna tayo sa office ni Dylan."

Kumunot ang kanyang noo. "Bakit?"

"I just want to see hi— I mean, I want to check on him kung busy nga ba talaga siya or may iba lang siyang pinagkakaabalahan."

"Walang masama kung aaminin mong namimiss mo siya."

"Wala akong dapat aminin."

"You're craving for him. Bakit ba kasi ayaw mo pang umuwi sa inyo?"

"None of your business, Sis." Sabi ko habang naglalakad pababa sa hagdanan.

"Nagpapamiss ka lang. Kapag iyon nakahanap ng iba, magsisisi ka."

Natigilan ako nang sabihin iyon ni Camille.

Those words I fear the most.

**********

UNEDITED.

UPLOADED: MARCH 1, 2015

IG: @iamsweetkitkat

GROUP: Sweetkitkat's Sweeties

FB PAGE: Sweetkitkat WP stories

SK<3

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon