CHAPTER 38: USAPANG..

196K 3.8K 734
                                    

CHAPTER 38: USAPANG..
**********
LUNA

Napaungil ako nang makarinig ng sunod-sunod na katok. Dahan-dahan kong iniangat ang braso ni Dylan na nasa aking bewang at tumayo. Hinaplos ko ang aking tiyan habang naglalakad patungo sa pintuan.

"Camille?"

Ngumiti ito sa akin. "Bumangon na kayo at nakahanda na ang hapunan."

"H-Hapunan na?"

"Oo. Six o'clock na kaya. Saka dito kakain sila Trey." Tumaas-baba  ang kanyang kilay bago tumalikod at umalis.

Humikab  ako at tumungo sa mahimbing na asawa ko. Nakabalot pa rin ang sarili nito sa kumot. Hinipo ko ang bimpo sa loob ng kanyang damit at inalis ko ito nang mapag-alamang basa iyon ng pawis.

"Dylan." Yugyog ko sa kanyang balikat.

"Hm?"

"Gising na, kakain na tayo." Hindi na mainit ang kanyang noo. "Bumaba na 'yung lagnat mo. Malapit ka ng gumaling."

Hinawakan nito ang kamay ko na nasa kanyang leeg. "Nandito ka kasi. Nandito kayo ni Baby."

Napangiti ako sa kanyang sagot. Tumayo na siya, tutulungan ko sana ngunit pinigilan niya ako at sinabing kaya na niya.

Tumungo kami sa hapag kung saan naroon sina Camille. Narinig ko kaagad ang malakas na boses ni trey na masayang nagkukwento tungkol sa kanyang practice kaninang umaga.

Tumikhim ako at nakuha namin ang kanilang atensyon. Hindi ko nakitaan ng pagkagulat ang mukha ni Papa. Bagkus ay bumaba ang kanyang mata sa magkahugpong na kamay namin ni Dylan. Gumuhit ang kaunting ngiti sa kanyang labi.

"Ano ba 'yan. Mamaya na ang flight namin tapos mukha pa ng gagong ito ang huling makikita ko." Masungit na saad ni Kris.

Napasimangot ako sa kanyang sinabi. Umupo muna kami ni Dylan, paharap sa aking mga pinsan.

"Cut it out, Kris. May sakit ang asawa ko kaya tigilan mo siya."

"Asawa. Tsk." He mocked.

"Nasaan si Sky?" Okay na sa amin ni Sky lahat kaya wala namang masama kung hahanapin ko siya, diba?

"Naunang umalis. Excited pumaloob sa palda ni Almira." Saad ni Trey habang hinihiwa ang porkchop sa kanyang plato.

"Who's Almira?" Tanong ni Dylan habang nakatingin ito sa kanin na inilalagay ko sa kanyang plato.

Ngumiti si Trey. "A Californian girl na bagong kinababaliwan ni Sky."

Dylan shrugged his shoulders. "Good for him. Masaya ako para sa kanya."

"Plastik." Sabi ni Kristian.

"Orocan." Masungit na saad ni Camille.

Trey 'tsk'ed. "Maliit ang bayag."

Padabog kong binaba ang serving spoon. "Oy, hindi na totoo 'yan ah!"

What?

What did I just say?

Fuck! Kainin na po sana ako ng lupa.

Lalo akong namula sa kahihiyan nang malakas silang tumawa. Napayuko ako.

Humaplos ang kamay ni Dylan sa aking likod. "It's okay, Baby. Don't cry."

"They're laughing." I said between my sobs.

"I'm not." I looked at him when he made the 'pfft' sound. Pulang pula rin ang pisnhi nito dahil sa pagpipigil.

"Pinipilit mo lang na 'wag tumawa."

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon