CHAPTER 19: I MISS YOU
******
LUNA
Kasalukuyan akong nagche-check ng sales report ng lahat ng branch ng aking salons nang may naamoy akong pamilyar na pabango. Hugo boss.
"Good afternoon, Cinderella. Your servant is here to take you home." Nakangiting bati ni Dylan.
Tumaas ang isang kilay ko at sumandal sa aking swivel chair. "Oh, really?"
"Sorry po, Ma'am Luna. Ang sabi po kasi niya asawa niyo daw po siya." Paliwanag ng sekretarya ko na nasa tabi ni Dylan.
"Asawa ko nga siya." Segunda ko habang nakangiti. Nabigla ang babae. "Leave us, please?"
Umalis ang sekretarya ko. Naglakad palapit sa akin si Dylan at naupo sa ibabaw ng aking lamesa.
Napamaang ako. "Don't you have any manners?"
Ngumiti ito ng nakakaloko. "Yup. I think my hair got too long. Will you cut it for me?"
Napansin ko nga. Malapit ng matakpan ng buhok nito ang kanyang mata. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nasa gitna ako ng hita niya at ipinalupot ko ang aking braso sa kanyang bewang.
"Sure. In exchange of a kiss."
Tumawa ito ng mahina. "Not a problem."
His dark eyes fell suddenly to my mouth. He bent without thinking and kissed me, hard. His mouth left mine seconds later, long before I had time to savor the warmth of it, and he was back to normal.
Lumabas kami at inupo ko siya sa upuan na nasa harap ng salamin. Alam kong nagtataka ang mga tauhan ko dahil sa nakikita. Kahit minsan kasi ay hindi ko nasabi sa kanila ang tungkol kay Dylan.
"Alagaan mo ang kagwapuhan ko, ha." He said playfully.
"Teka, nasaan?" Tumingin ako sa sahig. "Natapakan ko na ata 'yung kagwapuhan na sinasabi mo."
"Ouch. Straight right in to my ego, wife." Natatawang sabi niya.
Hinalikan ko ito ng mabilis sa pisngi bago kuhanin ang gunting sa lalagyanan na nasa tabi ko. Hinawakan ko ang malambot nitong buhok at ginupit iyon. Halos kalahating minuto ang itinagal ng session namin. Tinanggal ko ang tela na nakatali sa leeg nito at pinagpagan ang iilang buhok na napunta sa kanyang leeg.
Tumayo ito at humarap sa akin. "Thanks. Pwede na ulit akong mang-chick— Ow!"
Sinikmuraan ko ito kaya natigil ang sinasabi niya. Hawak nito ang kanyang sikmura. Sandali lang ay nakabawi na rin ito.
"Chicks chikin mo mukha mo. Gago." Naiinis kong sabi. Humarap ako sa mga tauhan ko na kanina pa pala nanunuod sa amin. "Kayo na ang bahala sa pagsasara ng Salon."
Mabilis akong lumabas. Naglalakad ako palapit sa kotse namin nang may mga braaong pumigil sa akin.
"Calm down, Baby. I was just kidding." Mahinahong sabi ni Dylan.
"Bad joke, Dylan Caden Reyes." Seryoso ko itong hinarap at matalim na tiningnan.
"I'm sorry. Alam mo namang hinding-hindi kita ipagpapalit sa ibang babae. Ang swerte ko na nga kasi sa'yo ako natali, e." Pumungay ang mga mata nito nang bumaba ang tingin nito sa aking labi. "Forgive this poor, poor man, Luna."
"Hindi ka mambababae, ha? Kapag ginawa mo 'yun, ipapalibing kita ng buhay."
Isinandal niya ako sa may pinto ng kotse. "Eh, kung patayin mo nalang kaya ako ng halik mo? Sigurado, paglalamayan ako na may ngiti sa labi."
Kinurot ko ang kanyang tadyang. "Ang korni mo."
His lean hand lifted to my face, and his thumb traced under my lower lip with expert deliberation.
“If this weren’t such a very public place, Misis Reyes.” he said, letting his dark eyes fall to my mouth. “I’d take your mouth under mine and kiss you until your knees gave way under you.”
I caught her breath. Those dark eyes were hypnotizing me, and I had to do something before I threw herself at his feet and begged him to do just that.
“Do haircuts often affect you like this?” I whispered, trying to salvage my pride.
He burst out laughing and dropped his hand.
“Damn you, woman!” He ground out.
I was proud of herself. I’d managed to regain my balance without denting his pride too much. I made him laugh. I wondered if it was as easy as it seemed.
“For shame, cursing a lady in public, Mister Reyes.” I said pertly. I smiled.
"Smart mouth." He said playfully.
Binuksan nito ang pinto ng passenger seat. Pumasok ako at naglagay ng seatbelt. Umikot ito sa kabila at pumuwesto sa driver's seat. Pinaandar nito ang kotse at tumungo na kami sa daan pauwi sa aming bahay.
Inilabas ko ang cellphone ko mula sa aking bag nang tumunog iyon. Kumunot ang ulo ko nang may ma-recieve akong text mula sa unknown number.
"Who is it?" Tanong ni Dylan.
"Hindi ko alam. Unknown number, e."
"Ano ba ang text niya?"
"I miss you so much. I wish you're here with me." Basa ko sa text.
Tumingin ako kay Dylan. Madilim ang ekspresyon nito. Gagalaw rin ang kanyang panga tanda na naiinis ito. "Magpalit ka na ng number."
"Hindi pwede. Halos lahat ng kliyente ko ay sa number na ito nagte-text." Dahilan ko. "Baka na-wrong send lang ito. Teka, re-reply-an ko."
"Don't you dare, Luna."
"Bakit?"
"Kung hindi mo kilala ang numero, huwag mong rereplyan. Kahit sa tawag, huwag mong sasagutin."
Kumunot ang aking noo. "Paano kung mahalagang tao pala siya?"
"Base sa text niya, hindi siya mahalagang tao. So, stop being curious, Luna."
Huminga ako ng malalim at inilagay muli sa loob ng bag ko ang phone. Hinawakan ko ang hita nito at pinisil. Naramdaman kong na-tense ito.
"Luna, I'm driving."
"But, you're mad at me." I pouted.
"I'm not mad at you."
"Not at all?" Pangungulit kong sabi.
Binasa nito ng dila ang kanyang ibabang labi. "You really want to know how mad I am?"
"Yeah?"
"I'll show you later. In our bedroom. On the bed. Naked." He said playfully.
"Hmm. Sneaky."
----
UNEDITED. Sulitin ang happy moments. Hahaha.
UPLOADED:12-30-14
SK<3
BINABASA MO ANG
MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)
General FictionFILIPINO | Y2017 Veronica Luna fell inlove with Dylan Caden the first time she saw him. But she's not the the one he loves. Dylan Caden was in a relationship with her twin sister, Veronica Camille, who is loved by many. One day, Luna didn't make it...