CHAPTER 31: TIME TO GO
**********
DYLAN CADEN
"The more I thought, the more I felt like crying." I mumbled to myself. I couldn't feel anything but pain and longing. I'm aching for her. God, I love her so much.
Nagbuntong-hininga ako at sumandal sa upuan habang nakatingin sa kawalan. Nilulunod ko ang aking sarili sa mga alaala na magkasama pa kami ng asawa ko.
I miss her warmth.
I miss her smile.
I miss her. So much.
Napapitlag ako nang tumunog ang aking cellphone na nasa bulsa ng aking pantalon. Agad kong sinagot iyon nang makita ang numero nf aking sekretarya.
"Sir. Mabuti naman po at sinagot niyo na." Natatarantang sabi nito.
Kumunot ang aking noo. "Problem, Miss?"
"May naghahanap po sa inyo. Kanina pa po niya kayo hinihintay." Paliwanag nito.
"Who?"
"Kristian and Trey Cervantes daw po."
Luna's cousins. Tumaas ang isang sulok ng aking labi. "I'll be there. Offer them some coffee while I'm on my way."
"Right away, Sir."
Pinutol ko na ang tawag. Matagal akong nakatitig sa aking cellphone. Pinagmamasdan ang litrato ni Luna na naka-wallpaper roon.
Ngumiti ako ng malungkot. "They're going to kill me, aren't they? No doubt."
Tumayo ako sa aking kinauupuan at naglakad palabas ng mall. Pinuntahan ko ang kinaroroonan ng aking kotse at pinatunog iyon. Pumasok ako sa driver's seat at pinandar na ang sasakyan.
Agad akong sinalubong ng aking sekretarya pagkapasok ko sa aking opisina. Samantalang ang magkapatid naman ay nakaupo lang sa mahabang sofa at pinapatay ako gamit ng matatalas na tingin.
"Leave us." Sabi ko sa aking sekretarya na agad naman nitong sinunod.
"Akala namin hindi ka na makakarating, Reyes." Nang-uuyam na saad ni Trey.
"Hindi bahag ang buntot ko, Cervantes." I shot back.
"Really?" Trey said while devilishly smiling.
Sumunod ang aking mata sa tasang ibinaba ni Kristian sa may mababang lamesa. Tumayo ito at matalim akong tiningnan.
"Time to go to hell, Dylan Caden Reyes." Mariing saad ni Kristian. Nakaramdam ako ng kaunting takot habang nakikita ang galit sa kanyang mukha ngunit agad ko ring inalis iyon.
It's true, huh? When the nice guy gets mad, even the devils will shiver.
"I'm already living there, Cervantes."
Nangangalit ang kanyang mga panga. "Then, you should just stay there and leave our angel alone."
"I won't. She's mine already. She's carrying my child. I love her and I will not let go of her just because you said so." Determinado kong sabi.
I'm not going to give up on her.
"Actually, makikipag-usap kami sa'yo kaya nagpunta kami dito. But, everything's change when Luna's father offered us a hundred million if we bring you to him. Want to know the most challenging part, Reyes?" Sabi ni Trey habang nakaupo pa rin at nakakrus ang mga paa.
A hundred million? Oh, please.
"Ulo mo lang ang dadalin namin. That means, your body will stay here. " Paliwanag ni Trey habang nang-uuyam na nakangiti sa akin.
BINABASA MO ANG
MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)
General FictionFILIPINO | Y2017 Veronica Luna fell inlove with Dylan Caden the first time she saw him. But she's not the the one he loves. Dylan Caden was in a relationship with her twin sister, Veronica Camille, who is loved by many. One day, Luna didn't make it...