CHAPTER 11: Isn't it Obvious?
******
LUNA
"Tapos nung lumuhod na ako at nag-propose, hinimatay ang Mama mo. Grabe ang panic ko noon. Akala ko kasi, hindi ko na siya mapapakasalan." Kwento ni Papa. Simula nung magkabati kami, wala ng tigil ang kwento niya. Dito na kasi ako nagpalipas ng gabi dahil binantayan ko si Papa. Hinintay kong magpunta si Dylan pero wala e, umasa lang ako na pupunta siya. "'Yun pala, buntis na siya sa inyo noon. Wala na siyang karapatang tumanggi syempre."
"Pinikot mo pala si Mama, 'Pa." Sabi ko at inakma sa kanya ang kutsarang may lamang sabaw.
Sinubo niya iyon bago pa magsalita. "Hindi ah. Siya nga nag-i-insist na mag-ano kami, e."
"'Pa naman." I laughed.
"Kamukhang-kamukha mong tumawa si Avery. Nawawala din ang mata n'un kapag tumatawa, e. Sobrang singkit kasi." Hinaplos nito ang pisngi ko. "Sayang. Ang aga kasi Niyang kinuha ang Mama mo sa atin."
I held his hand. "'Pa, 'wag ka ng malungkot. Bawal sayo ang ma-stress."
"Sino ang malungkot? Ikaw nga jan. Kanina mo pa tinitingnan ang phone mo. Sino ba ang iniintay mong tumawag?"
Asa pa kong magtetext o tatawag 'yun. Ugh!
Speaking of tumawag.
Binaba ko ang mangkok na hawak ko. Tunikhim ako bago magsalita. "Tumawag nga pala si Camille sa akin kahapon, 'Pa. Nabalitaan niya ang nangyari sa inyo."
Muntik ng mapatalon si Papa sa tuwa. Kung wala lang siguro itong IV malamang tumakbo na siya sa labas at isinigaw sa buong mundo na babalik na ang paborito niyang anak. "Kailan daw siya babalik?"
"Hindi niya sinabi pero malapit na daw po. Sinubukan kong tawagan yung numerong ginamit niya kaso cannot be reach na siya."
"Babalik din ang kapatid mo, anak. Nga pala, si Dylan, bakit hindi mo siya kasama? Galit pa ba siya sa akin?" Di na ako nagsalita pa. Tiningnan ko nalang ang phone ko at napa-buntong hininga. Naramdaman ko ang kamay ni Papa na humahaplos sa buhok ko. "Anak, alam kong ako ang dahilan kaya naging ganito ang buhay mo. Alam kong si Camille ang totoong mahal ni Dylan, pero dahil sa hindi inaasahan, ikaw ang tumayong asawa niya para maiwasan ang intriga. Patawarin mo ako, anak. Ito nalang ang naiisip kong paraan para hindi bumagsak ang kompanya natin."
"Matatapos din ang lahat ng ito kapag dumating na si Camille." Malungkot akong napangiti. "Marami ng magbabago kapag dumating na siya."
"Mahal mo si Dylan?"
Tumango ako. Mabuti na rin na alam niya. "Sinabi ko na rin sa kanya na tumawag sa akin si Camille kahapon. He said nothing. Mahal pa siguro niya si Camille. Well, we can't help it, can we?"
Hinalikan ni papa ang noo ko, a sign of comfort. "Ang dami ko palang kasalanan sayo."
Pasalita na sana ako ngunit naputol iyon dahil sa katok na nagmula sa pinto. Sinundan pa iyon ng isang baritonong boses. "I'm coming in."
My heart started to pound. Nandito na siya. What to do? Ignore him? Be cold to him? Threat him like he's nobody? Nagsimula ng magpanic ang sistema ko. Nanigas ang likod ko nang marinigna nagbukas ang pinto.
"Dylan! Akala ko galit ka pa din sa akin." Maligayang saad ni Papa.
"Dinalhan kita ng pritong manok, Chicharong bulaklak, at crispy pata." What the heck!
"Galit ka pa nga sa akin." Papa chuckled. "Are you trying to kill me, son?"
"Kailan ka ba lalabas dito? Inaagaw mo ang oras sa akin ng asawa ko, Papa." Kunot-noong sabi ni Dylan. Umupo ito sa upuan na nasa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Ano ba ang gagawin ko? Kung aalisin no iyon siguradong mahahalata ni Papa na may hindi kami pinagkakaunawaan ni Dylan.
BINABASA MO ANG
MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)
General FictionFILIPINO | Y2017 Veronica Luna fell inlove with Dylan Caden the first time she saw him. But she's not the the one he loves. Dylan Caden was in a relationship with her twin sister, Veronica Camille, who is loved by many. One day, Luna didn't make it...