CHAPTER 30: LET'S GO HUNTING
***********
LUNA
"Luna, pupunta lang ako sa cr, okay? Magkita nalang tayo sa ice cream parlor pagkatapos mong magbayad." Paliwanag ni Camille sa akin.
Tumango ako. "Sige."
Sinamahan ako ni Camille dito sa mall para bumili ng mga bago kong damit na para sa mga buntis. Hindi na kasi nagkakakasya ang mga pants ko dahil lumalaki na ang aking balakang. Malapit na ako sa cashier nang may mga braso na pumalupot sa aking bewang.
"Akala ko ba—" Nalusaw ang maganda kong ngiti nang bumungad sa akin ang mukha ni Dylan.
"Hi." Simpleng bati nito sa akin habang matamis ang ngiti sa kanyang labi.
Napalayo ako sa kanya. "A-Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?"
"Oo. Masama bang sundan ang mahal ko?" He tilted his head on the other side.
Inismiran ko ito. "Umuwi ka na. Kasama ko si Camille kaya hindi kita kailangan."
"I'm your husband, Luna. Ako ang dapat na kasama mo kapag—"
"Kung makapagsalita ka parang hindi mo ako pinagtabuyan dati, ah. Bwisit!" I snapped. Pinagulong ko ang basket at inilagay na sa counter ang mga pinamili ko.
Ibibigay ko na sana ang credit card ko nang maunahan na ako ni Dylan. Tinaliman ko ito ng tingin. "Damit ko 'to, kaya dapat ako ang magbabayad."
"Luna, 'wag na tayong magtalo." He begged.
Sa inis ko ay tinalikuran ko na ito, iniwan ko sa kanya ang mga damit na pinamili ko. Naglakad ulit ako sa mga stall ng damit at kumuha ako ng mga damit na kapareho ng binayaran ni Dylan.
"What are you doing?" Tanong ni Dylan nang malagpasan ko ito. Bitbit na nito ang mga paper bags na pinaglagyan ng mga pinamili ko kanina.
Hindi ako nagsalita at nilagpasan na lamang ito. Napatigil ako nang haklitin nito ang aking kamay.
"Luna, let me make it all up to you. Come back to me." Malungkot na sabi nito. Naramdaman ko ang mainit nitong palad sa aking kamay.
"Want me to come back? You hurt me so bad, Dylan. Hindi ako tanga para tumakbo ulit papunta sa iyo pagkatapos mo akong sabihan ng masasakit sa salita." Mariin kong sabi at binawa ang kamay ko na hawak nito.
"Hindi mo naman kailangang tumakbo, dahil ako ang gagapang papalapit sa'yo." Shit.
"Dyan ka magaling. Sa mga banat mo na walang laman."
Inilagay ko ang mga damit na hindi ko binayaran sa isang tabi at lumabas na ng shop. Naglakad ako papunta sa tinutukoy ni Camille na ice cream parlor. Naabutan ko itong umiinom ng pineapple juice. Dahan-dahan akong umupo sa upuan na nasa kanyang harap.
Tumaas ang isang kilay niya. "Bakit nakabusangot ang mukha mo? Pinaglilihian mo ba ako?"
"Asa ka." Pang-aasar ko.
"Ah. Alam ko na. Nakakita ka ng taeng aso."
Kumunot ang noo ko. Ngumuso ito habang nakatingin sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Dylan na papalapit sa pwesto namin.
"Ugh!" I said.
"Hello, ladies." Nakangiting bati nito.
Umismid si Camille. "Hi, asshole. Hindi ko alam na nagpapapasok pala ng halimaw ang mall na ito."
Dumilim ang mukha ni Dylan ngunit hindi ito nagsalita. Madiin lang nitong pinagdikit ang mga labi. Umupo ito sa upuan na nasa tabi ko.
Napamaang si Camille. "At ang tapang ng apog mo na tabihan ang kapatid ko matapos mo siyang sakta—"
BINABASA MO ANG
MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)
General FictionFILIPINO | Y2017 Veronica Luna fell inlove with Dylan Caden the first time she saw him. But she's not the the one he loves. Dylan Caden was in a relationship with her twin sister, Veronica Camille, who is loved by many. One day, Luna didn't make it...