CHAPTER 1: HIS BITCHES

320K 6.6K 2.2K
                                    

Chapter 1: HIS BITCHES

VERONICA LUNA GARCIA-REYES

Halos madaling-araw na ay hindi pa rin umuuwi si Dylan. Hindi ganoon kalaki ang bahay na tinitirhan namin ngunit malimit kaming magkita. Maaga itong aalis ng bahay at umaga na rin uuwi. Talagang pinaparamdam niya sa akin na hindi ako ang nais niyang uwian sa bahay na ito.

Narinig ko ang pagkalabog ng pinto namin kahit nasa loob ako ng aking kwarto. Tumayo ako sa aking kama at bahagyang binuksan ang pinto. Nanigas ang aking katawan nang hindi lang siya ang nag-iisang dumating.

Nakayakap ang isang babae sa bewang nito at halos pambatang damit na ang kanyang suot dahil sa ikli niyon. This is his way of torturing me.

"Ikaw lang ang nakatira dito?" Malanding saad ng babae.

"Nope. May katulong ako dito." Walang ganang saad ni Dylan.

"Baka marinig niya tayo kapag.."

HInalikan ni Dylan ang leeg nito. "I don't care. Hindi naman siya mahalaga."

Nanikip ang dibdib ko sa sakit ng sinabi ni Dylan. It wasn't my fault that Camille chose to leave him. Why can't they believe me?

Lumabas ako ng aking kuwarto dahil rinig na rinig ko mula roon ang halinghing ng babae. Pumunta ako sa kusina at doon nagpalipas ng oras.

Camille, you're so damn selfish. Akala ko si Papa lang ang nag-iisang tao na hindi tatanggap sa akin, ngunit heto at dinagdagan mo pa ng isa.

Pagbalik ko sa sala ay nakita kong pababa si Dylan at ang isang balingkinitang babae sa hagdanan. Hawak nito ang bewang ng babae.

"Dylan, next time ulit ha?" Malanding sabi ng babae.

Ngumiti si Dylan. "Of course."

Para lang akong hangin sa kanila. Hindi ito tumingin sa akin hanggang sa maihatid niya ang babae palabas ng bahay. Narinig ko ang pag-alis ng kotse ng babae.

"Ahm, Dylan.."

Malamig niya akong tiningnan. "What do you want?"

"C-Could you stop bringing all your bitches in this house?" Natatakot kong sabi. Tao lang ako, may karapatan rin naman akong magalit. "Para kasing—"

Hinaklit nito ang akong braso. Bumabaon ang mga daliri niya kaya napangiwi ako. "My bitches? The only bitch in this house is you, Luna."

Nag-init ang sulok ng aking mata. "I'm not a bitch."

"Yeah, you're right. You're a pest that needs to be vanished." Mariin nitong sabi. "Pasalamat ka at kailangan pa kita. Kapag nakuha ko ang mana ko, masahol sa basura ang itatrato ko sayo."

Basura?

"Hindi ko naman kasalanan ang pagkawala niya. Hindi ko nilason ang isip ni Camille. Wala akong ginawa." Dahilan ko.

"Sino ang ginagago mo sa ating dalawa? Alam mo, Luna, 'wag ka ng magmalinis dahil matagal ka ng marumi."

Hindi ko napigilan ang pagsampal rito. Minsan kailangan ding lumaban. Agad namula ang kanyang pisngi. Napasigaw ako ng malakas niya akong itinulak. Napaupo ako sa sahig.

"How dare you, a piece of trash, slap me?" Lumuhod ito. Napaungol ako sa sakit nang hawakan nito ang aking panga. "You don't deserve this angelic face. You don't deserve anything in this world. So, Luna, go to hell!"

Marahas niya akong binitawan. Nanginig ako sa sobrang sakit na nadarama. Hindi ako makatayo, tumakas na ang lakas sa aking binti.

"Sa makalawa ay kaarawan ng isang board of director natin." Malamig nitong sabi. "Imbitado lang tayong dalawa pero ako lang ang pupunta. Sasabihin ko nalang na may sakit ka. Ayaw kong makita ka nila. Nakakahiya ka."

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon