————————–—
The Real Truth
———————–
Nagising ako sa mahinang pagtawag ng pangalan sa'kin ng kung sino. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tumambad sa'kin ang nag-aalalang mukha ni mommy.
"Anak, you should've changed your clothes. Nakatulugan mo ng hindi naglinis ng katawan kagabi."
Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko bago luminaw ang paningin ko.
"Mom,"
"Anak, magpalit ka na okay? Para makakain ka na at makaalis na tayo." Huminga ako ng malalim at inayos ang pagkaka-upo ko sa kama.
"Maliligo na po ako."
Tumango lang sya at dahan-dahang tumayo para lumabas ng kwarto ko. Bago sya lumabas ay binigyan nya muna ako ng huling sulyap. Sulyap na puno ng pag-aalala at awa.
Napabuntong-hininga ulit ako at tinignan ang bagay na hawak ko.
Ang photo album.
Napahigpit ang hawak ko dito dahil biglang nagsibalikan ulit ang mga masasakit na ala-alang nangyari kagabi. Mali, hindi lang pala kagabi, kundi ang buong nangyari kahapon. Mula sa biglaang pagdating ng parents ko hanggang sa hindi inaasahang pagkikita nila kay Art, ang pakikipagsagutan ko kay dad, ang pagkawala ni Art, ang pag-amin ni dad at ang pagkatuklas ko sa masakit na katotohanan.
Nakakatawa lang isipin na talagang nangyari ang lahat ng yun sa loob lang ng isang araw. Minamadali talaga ng tadhana ang mga kaganapan sa buhay ko.
Pinahid ko ang luhang lumandas mula sa kaliwa kong mata at muling pumikit. Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko ngayon. Mahal ko si Art. Mahal na mahal. Hindi bilang kadugo kundi bilang sya. Bilang isang tao.
Handa naman sana akong ipaglaban sya kahit kanino, kahit anong mangyari kung meron mang magtatangka. Yun ang pangako ko sa kanya at pangako nya sa'kin. Handa kong gawin ang lahat makasama lang sya. Kahit saan basta sya ang hahawak ng kamay ko. Pero bakit naging ganito? Bakit nangyari 'to?
Hindi ko talaga alam kung ano nang gagawin ko. Hindi ko alam kung anong susunod na mga mangyayari sa'kin at sa'ming dalawa ni Art. Ito ba ang dahilan bakit ganun nalang sya kung umakto kahapon? Dahil sinabi na ni dad ang tungkol sa pagkaka-ugnay namin? Sinabi nya ba ang totoo?
'I can't accept this...'
This couldn't be happening. This is not true. This is so... unbelievably cruel.
Cruel. All of this, this is so cruel.
I hate the fact that the person whom I see my life with in the future suddenly became my cousin. From everything we've been through. All those happy memories we've made, I don't think all of that were just cousinly bond.
'This is ridiculous...'
Hindi ako susuko. Hindi ko susukuan si Art. Hindi ko susukuan ang relasyon namin. Hindi ako bibitaw sa pagmamahal ko sa kanyang alam kong totoo. Kailangan lumaban ako. At kailangan lumaban din sya. Ilalaban namin ang pagmamahalan namin.
'But how? How would I start? Where should I start?'
Probably with my self first.
Right. I have to get cleaned. I look like a mess with my stressed face and tangled hair. If I want change, I need to do it with my self firstly.
BINABASA MO ANG
Reaching The Night Sky (Lopéz Series #1)
JugendliteraturAnastasia Ariadne Sàlazar-Lopéz, a 19 year old delinquent, bitch and arrogant young lady who was forced by her business tycoon father alongside him was her pure-hearted mother to go back and live to the land where she was actually born, their homela...