Kabanata 5

831 42 0
                                    

————————
First Love
——————–

Masaya akong naglalakad habang yakap-yakap ang human sized teddy bear ko. Back in the stall ay nagawa ding makuha ni Art ang bagay na pinapakahuha ko kaya sobrang saya ko.

At nakakagigil din dahil ang cute cute nya at napakasarap talagang yakapin!

"Masaya ka na?"

"Hm! Sino ba namang hindi eh nakuha mo nga si Aries para sa'kin eh." Masaya kong sagot.

"Mabuti kung ganun. Pero Aries?"

"Yes, I named her Aries. Hindi ba pwede?"

"Hindi naman sa ganun, ayos lang naman. Pero pano mo nga pala nalamang babae yan?"

"Wala lang hahaha. Gusto ko lang babae sya."

"Hm.." Yun nalang ang sabi nya at natahimik na kami.

Mas lalo naman akong napangiti ng masulyapan ko sya at nakita kong umangat ang gilid ng labi nya na senyales na ngumiti sya ng bahagya.

Sobrang saya ko. Sa kadahilanang masaya din sya. Mas lalo kong siniksik ang mukha ko kay Aries at inamoy ito.

Hindi lang niya alam pero sya ang pinaka-dahilan bakit ko pinangalanang Aries ang bear na binigay nya. Hindi ko man buong nakuha ang pangalan nya dahil medyo nahirapan ako ay sapat na sa'kin ang isiping sya mismo ang nagbigay nito sa'kin para pasayahin ako. Hinding hindi ko'to makakalimutan.

"Bumalik na muna tayo sa jeep."

"Hm? W-Why?" I asked bewildered.

"Huh? Gusto mo bang mamasyal tayo sa buong lugar habang bitbit yang si Aries mo? Ang laki-laki nyan para dalhin mo sa buong oras."

"A-Ah, o-oo nga... Sige balik tayo dun."
Sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"May problema ba?"

"Wala naman..." I answered.

"Sigurado ka?"

"O-Oo! Oo naman hehe..."

Binigyan ko sya ng isang malaking ngiti at sumabay sa kanya sa paglalakad. Sya naman ay hindi na nagsalita kahit na pakiramdam ko ay may mga gusto pa syang itanong. Mabuti narin sigurong ganito dahil kahit ako ay mahihiyang sabihin kung bakit nga ba ako nagkakaganito.

'Bakit nga ba?'

Ewan ko ba. Nung sinabi nyang gusto nyang bumalik muna kami sa jeep nila ay biglang napawi ang saya ko at pumasok ang mga ideya na baka boring akong kasama, naiinis sya sa pagpapakuha sa'kin kay Aries kahit na ayaw nya at baka nakakasawa ako dahil wala akong alam sa mga ganito. Hindi ko lang masabi dahil natatakot talaga ako na baka ganun nga.

Pero tinanong ko din ang sarili ko, bakit nga ba'ko may pakialam kung boring akong kasama kay Art? Kung ibang tao ang magsabi nun ay balewala lang sa'kin dahil wala naman akong pakialam. Iba lang talaga kapag si Art na dahil baka hindi ko kayanin at mas malala pa ay baka masaktan ako.

Ewan ko ba, basta ang alam ko gusto ko masaya si Art palagi kapag ako ang kasama nya. Ayokong maramdaman nya na magkaiba kami sa kabila ng antas namin sa buhay. Gusto ko masaya kami. Gusto ko sya at ako lang.

"Tash?"

"Uh, w-what?"

"Akin na si Aries."

Agad ko namang binigay sa kanya si Aries at nilagay nya ito sa backseat kung saan kami umupo kanina. Hindi ko man lang napansin na nakarating na pala kami sa pinagparadahan nila ng jeep kanina kaka-isip ko ng mga bagay.

Reaching The Night Sky (Lopéz Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon