Kabanata 13

400 29 0
                                    

—————————
Surprise Visit
———————–


Sumapit ang ika-apat na araw na pananatili namin sa probinsya ni Art ay naging masaya ako. Sobrang saya. Nagawa kong kalimutan ang lahat ng pwede kong pansamantalang makalimutan. Naging presko ang pag-iisip at diwa ko. Sana maulit pa'to.

Hindi nga naman talaga madali ang buhay probinsya dahil maski ako sa sarili ko ay naranasan ko na din. Yung tipong gigising ka ng maaga para gawin ang mga dapat mong gawin at kumayod buong araw para sa pagdating ng dapit-hapon ay pagod na pagod ka.

Hindi madali, pero hindi ko sinabing hindi masaya. Nagawa kong maranasan ang buhay na mahirap pero simple. Ang pang araw-araw na buhay ng taong mahal ko at ng mga taong mahal nya.

Sa mga nagdaang-araw din na iyon ay maraming nangyari. Katulad nalang ng pagtuturo sa'kin ni tita She magluto ng maraming masasarap na putahe. Halos araw-araw ako ang kasama nya sa kusina para maghanda ng mga pagkain namin dahil tinutulungan ko sya habang tinuturuan nya'ko. Excited na'kong ipakita ang mga natutunan ko kay nanay sa pagbabalik syudad ko.

Ganun din kay tita Grace. Mas naging malapit kami sa isa't-isa kahit na sandaling panahon lang kaming nagkakilala. Weird nga dahil pakiramdam ko sobrang gaan ng loob ko sa kanya at sa sobrang gaan ay nasasabi ko ang mga personal na problema ko na noon nasasabi ko lang kay mommy. Meron kasing nagsasabi sa'kin na mapagkakatiwalaan ko sya tulad ng pagtitiwala ko kay mom kaya ginawa ko. Wala naman akong pagsisisi dahil tulad ni mom ay pinapakinggan din nya'ko at pinapayuhan sa mga bagay-bagay.

Nakakatuwang isipin na sa pagsama ko kay Art ay makakakilala ako ng mga taong di ko inaasahang magkakaroon ng malaking parte sa puso ko. Sa maiksing panahon lang kaming nagkasama pero hindi yun naging hadlang sa'kin para masabing importante sila hindi nalang para kay Art kundi pati narin sa'kin.

Na talagang pinagpapasalamat ko sa kataas-taasan. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para paligiran nya'ko ng ganitong mga tao. Mga pamilyang nagmamahal sa'kin, si nanay, mga kaibigan ko, si na tita She at tita Grace, at syempre, si Art.

Hindi naman ako naging masyadong mabait na anak para kina mom at dad pero bakit mas pakiramdam ko binibiyayaan ako ng Dyos? Parang kabaliktaran ang nangyayari.

Pero kahit na, hindi naman na importante yun para sa'kin. Ang importante ang kung anong meron ako ngayon at ang mga taong kasama ko. Lalong lalo na si Art. Na syang pinaka-dahilan bakit ko nararanasan lahat ng magagandang bagay na ito ngayon.

"Hey, are you okay? Sigurado ka bang ayos lang sa'yo ang umalis ng ganito kaaga? Pwede namang mamaya nalang kapag sumikat na ang araw eh."

"It's okay Art, I'm okay. Diba sabi mo kailangan mo na ding bumalik dahil may trabaho ka pa? Wag mo na akong alalahanin. Ayos lang ako. Just drive."

Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko mula sa kanya matapos akong magsalita. Hindi narin ako umimik pa at sinandal nalang ang ulo ko sa headboard ng jeep nya. Ang sarap talaga ng hangin sa probinsya lalo na kapag madilim pa.

"Hindi mo naman kailangang magmadali eh. Pwede namang mamaya na."

"But you said it's urgent right?"

"It is. Pero hindi ibig sabihin nun ay kailangan na nating umalis ng ganito kaaga. Na-istorbo pa tuloy ang pagtulog mo." Napangiti nalang ako dahil sa pagiging maaalalahanin nya.

"I already told you, I'm okay. At tsaka, pwede naman akong bumalik sa mansyon kung kailan ko gusto eh. Ikaw lang naman ang gusto kong makasama."

"Tss."

Reaching The Night Sky (Lopéz Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon