Kabanata 7

683 43 1
                                    

———————–
Emotions
—————–


Ligtas na nakabalik kaming lahat sa mansyon nina Eries at hindi na namin inisip ang nangyari kanina dahil paulit-ulit lang din sila sa pagpapaliwanag. Nagbibiro lang naman kami ni Elyse kanina pero seryoso talaga ako kapag nalaman kong nambabae sila lalo na si Art. Naku talaga!

Ngayon ay nasa pool area ako at umiinom ng orange shake. Almost 3 naman na pero mainit padin kaya masarap uminom ng malamig.

"'Couz."

"Hey 'couz." I smile at her and she sat beside me.

"Hindi tayo nakapag-usap ng tayo lang kanina ah." She said giggling.

"Na'kay Art buong atensyon mo eh. We can't help it, ganun talaga sya eh."

"Kilalang-kilala mo talaga ah? Ganyan mo ba talaga sya ka-gusto?"

"You bet?" We both giggled and I drank my cold shake.

"So, kamusta ka naman? It's been.... 7 years, I think? How did things went for you there huh?"

"Me? Well, wala namang masyadong nagbago. I just met my bestfriend, Madi. Went to school, party, be a rebelled kid and more. Ikaw na'ng bahalang mag-isip ng kung ano pa." I chuckled.

"Expected from you. How about, you and Art? Kamusta kayo?"

"Do I really need to answer that?"

"Yes, it's your favorite cousin's question right?" Diniinan nya pa talaga ang salitang favorite huh?

"Alright alright. Well, ayun, ayos naman. Pero kung tatanungin mo ang progress namin or kung may label na ba kami ay hindi ko pa masasagot yan."

"Why not?"

"Ask her, not me."

"Gusto mo pang magpaligaw??" Di makapaniwalang tanong nya.

"Oh come on Eries! Babae pa din ako noh. Gusto ko ding maranasan ang maligawan ng taong gusto ko. Hindi ba pwede yun?" Inikutan ko nalang sya ng mata dahil sa pagtawa nya. Baliw talaga.

"Okay, I get it. Wala naman akong problema sa kanya eh. Masarap talaga syang kasama. No wonder nahulog ka sa kanya noon pa lang." She gave me a wink that made me smile.

"Yeah...." Tanging tugon ko lang at ininom ulit ang shake ko.

"But enough of me Eries, ikaw naman. How are your love life going on huh? Sigurado akong maraming babaeng naghahabol sa'yo ngayon. Ibang-iba ka na sa dating dugyot na Eries eh."
Segway ko at napatawa nalang ng napa-ismid sya.

"Hindi ako dugyot Aria, mahilig ka lang talagang ipasok ako sa mga problema kaya ako ang napapahamak. Tsk!"

'Hahahahaha! Grabe, katotohanan yun.'

"Sorry na. So, ano na nga?"

Sana masabi nya rin sa'kin ang tungkol sa kanila ni Elyse. Kung hindi ako makakuha ng eksplenasyon mula sa kanya then maybe it can work to my cousin.

"Love life ko talaga ang kinamusta mo? Hindi mo ba tatanungin muna kung kamusta na yung mismong pinsan mo?" She asked with a crease in her forehead.

"Haha bakit pa? Eh alam ko naman na ayos ka lang at ang pag-aaral mo. Bookworm ka masyado eh."

"Tsk. Whatever Aria." Pagsuko nya at napa-iling nalang. "Hm, may kailangan bang ikamusta kung wala naman?"

"What do you mean wala? Wala kang buhay pag-ibig?"

Reaching The Night Sky (Lopéz Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon