Kabanata 1

1.7K 59 8
                                    

———————
Snatcher
————–




Nakangiting sinalubong ko ang umaga ng manaig sa pandinig ko ang tinig ng mga ibon na tila nagkakantahan sa pagbuka ng araw na liwayway. Umupo ako sa kama ko at inunat ang mga kalamnan.

Nang maramdaman kong ayos na ang pakiramdam ko ay umalis ako sa kama at nagtungo sa balkonahe ng kwarto ko.

Kahapon pagkagising ko ay naglibot-libot lang ako sa mga malls dito. Nakalimutan ko na kasi ang mga pasikot-sikot sa lugar na ito hindi tulad nung nandito pa kami ng pamilya ko.

Nang makatung-tung ako ng balkonahe ay sumalubong sakin ang liwanag ng bagong gising na araw. Kulay kahel pa ito na napakasarap tignan at damhin ang init. Hindi din mawawala ang mga ibon na malayang nagsisiliparan sa kalangitan. Ang saya nilang tignan, malaya at nagpapakasaya.

Kitang-kita ko ang mga bagay na ito dahil ang bahay na ito ang pinakamataas at pinakamalaki sa buong village. Kaya naman malaya kong nakikita ang lahat ng nakaka-ayang tignan sa kalangitan.

Humugot ako ng isang malalim na hininga at nang tumama ang preskong hangin sa mukha ko ay pinakawalan ko ito. Bahagya pang nadadala ng hangin ang suot kong nighties dahil sa hangin.

Pagkatapos kong magmuni-muni sa balkonahe ay pumasok nako sa loob ng kwarto para makapaglinis ng katawan at paghandaan ang buong araw. Marami akong naisip na gawin kaya kailangan kong maghanda.

Nang matapos akong maglinis nang katawan ay pumanhik ako sa walk-in-closet ko kung saan pina-arrange ko lang sa mga maid dito. Pumili ako nang isang above the knee white floral dress nalang at low cut white vans para maging komportable sa paglilibot ko pa ngayong araw.

Pagkatapos ko naman sa suot ko ay naglagay ako ng light make up para mas lumitaw ang natural kong kagandahan. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko pero yun ang sinasabi ng karamihan ng taong nakakasalamuha ko.

"Nay." Tawag ko kay nanay ng makababa ako.

Tumingin sya sa direksyon ko at pumunta sa'kin galing sa paghahanda ng agahan sa hapag.

"Aria anak. Magandang umaga sayo. Ang aga mo yata ngayon?" Saad nya pagkatapos akong halikan sa pisnge which I returned the gesture too.

"Yes nay, naisip ko po kasi na ituloy ang pagikot-ikot ko sa lugar ngayon. Marami po akong gustong puntahan at gawin." Sagot ko.

"Ganun ba. O sya sige kung yan ang gusto mo. Halika nalang muna at nang makakain ka bago lumakad." Aya nya. Sinundan ko sya papunta sa dining room at umupo sa kanang bahagi ng kabiserang upuan. Hindi pa naman ako ang nagmamay-ari ng mansyon na ito kaya ayoko pang umupo sa upuan na 'yan.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam ako kay nanay na pupunta muna sa kwarto ko dahil tatawagan ko pa si mom at Madi. Nakalimutan ko kasing gawin kahapon eh baka nag-aalala na sila o di kaya miss na nila ako, haha.

Pagka-upong pagka-upo ko sa kama ko ay agad kong binuksan ang laptop ko pero bago ko pa man mapindot ang call button sa skype ay lumitaw na ang pangalan ni Madi na tumatawag.

"Bes!!!" Sigaw nya pagpindot ko nang answer button.

"Ano ba Madison! Pwede bang hinaan mo yang boses mo?! Nakakarindi kasi eh!" Reklamo ko. I sat in an Indian seat position and faced her.

"Sorry naman, miss lang talaga kita bes kahit kahapon ka lang umalis haha!" Sabi nya.

"Gaga!" Lintana ko.

"Haha! Bes kamusta ka naman dyan? Ayos ba ang bumalik sa lupang sinilangan? Marami bang gwapo dyan? Sabihan mo'ko kung may apple of the eye kana ha? Hihiihi!" Sunod sunod nyang saad. Iba talaga 'tong babaeng 'to. Kakarating ko lang dito gwapo agad sinasabi nya tapos may apple of the eye pa.

Reaching The Night Sky (Lopéz Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon