Prologue

169 8 0
                                    

Maria Therese Angelique's

"Hi, Miss Sunflower" lumingon ako noong may nagsalita sa likod ko at ngumiti.

"Hi, Mister Black Shirt" balik na bati ko sa kanya. Ngumiti din sya at muli ay nabighani ako ng magandang ngiting iyon. Meron syang maamong mata na kulay abo, makapal na kilay at matangos na ilong. Matangkad sya at maganda ang pangangatawan. Moreno din sya at parang mas nagmature pa sya kumpara noong nakaraang bakasyon.

Kinuha nya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon. Sabay kaming tumingin sa harapan at pinagmasdan ang magandang tanawin.

Mataas ang lugar at tanaw namin ang mga puno sa ibaba. Malakas ang simoy ng hangin at maraming ibon at paru-paro ang nagliliparan sa paligid. Humilig ako sa kanya at mahabang katahimikan ang namayani pero ramdam ko ang kapayapaan sa puso ko.

"How are you, Missy?" Bumuntong hininga ako sa tanong nya.

"Walang bago" kinuha nya ang sunflower na nasa kamay ko at hinarap ako. Hinawi nya ang mga hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko dala ng malakas na hangin at sinipit ang sunflower na hawak sa kaliwang tenga ko.

"Dating gawi?" Nakangiting tanong nya kaya napangiti na rin ako.

"Dati gawi!" Muli nyang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming umalis sa lugar na yun.

"Waaahhh! Magiging proud din kayo sakin!" Sigaw ko habang nakataas pa ang dalawang kamay at nakaangkas sa motor nya habang mabilis nyang pinatatakbo ito. Walang ibang sasakyan sa paligid at puro puno lang ang dinadaanan namin. Malapit na ring kumagat ang dilim.

Ganitong panahon lang ako nagiging malaya. Malayo sa expectations ng mga tao sa paligid ko, malayo sa mundong nakakapagod.

"Ay Teacher yan, dapat alam nya lahat!"
"Ay bakit sumasagot ka sa mga nakatatanda sayo? Yan yung tinuturo mo sa mga bata?"
"Bakit hindi mo alam yung meaning ng ganito, ganyan? Teacher ka pa naman"
"Teacher ka pa naman"
"Teacher ka pa naman"
"Teacher ka pa naman"

"Nakakahiya ka! Nag-iisa kitang anak pero ilang beses mo na akong nilagay sa kahihiyan!"
"Academic Excellence awardee ka lang? Hindi mo kasi pinagbubutihan ang pag-aaral mo!"
"Ilang board exam pa ang ihuhulog mo?"
"Buti pa yung pinsan mo, top 3 noong board exam"
"Wala ka ng pag-asa, Therese!"

Parang sirang plaka na nagpapaulit- ulit ang mga iyon sa utak ko.

Masakit dahil ang iba doon ay sa mismong magulang ko pa naririnig.

Tao lang naman ako at hindi ako perpekto. Bawal ba akong magkamali?

Hininto nya ang motor sa isang tabi at inalalayang bumaba ako.

Nandito kami sa isang overlooking place at tanaw na tanaw mula rito ang city lights. Ang ganda noong pagmasdan dahil sa madilim na ang paligid ay nagmumukha iyong mga bituin. Gustong gusto ko talaga yung matataas na lugar dahil pakiramdam ko ay nakakaahon ako kahit sandali pag naroon ako. Gusto ko yung malakas ang hangin dahil pag sumasampal ito sa mukha ko ay nagiging manhid ako.

"Umiiyak ka na naman" nagkibit balikat lang ako at pinunasan ang luha ko.

"Masaya lang ako dahil bakasyon na ulit" sabi ko nalang sa kanya at ngumiti.

"Sulitin natin ang bakasyon?" Nakangiting yaya nya sakin. Tumango lang ako sa kanya at masuyo ring ngumiti.

~~

"Naging masaya ka ba?" Nandito ulit kami sa lugar kung saan kami unang nagkita.

"Yeah. Thank you" sincere na sabi ko sa kanya.

"No, Thank you" saka nya ginulo ang buhok ko at masuyong ngumiti sakin.

"Oh, paano? Till the next summer vacation?" Tumango lang ako sa kanya. Nakakalungkot dahil ang bilis ng oras. Gusto ko pang magstay pero alam kong hindi na pwede.

"Good bye, Miss Sunflower"

"Good bye, Mister Black Shirt"
hinalikan nya ang tuktok ng ulo ko at tuluyang binitawan ang kamay ko bago tumalikod at naglakad paalis.

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan muli ang payapang lugar. Ang lugar kung saan walang nanjajudge sakin, ang lugar kung saan walang expectations, walang made-disappoint at ang lugar kung saan malaya akong maging ako dahil walang nakakakilala sa totoong ako.

"Hanggang sa sunod na bakasyon!" Hinaplos ko muna ang punong nagbibigay lilim bago tuluyang lisanin ang lugar.

There's always a magic in every summer vacation.

Pero ngayon, babalik na ulit ako sa reyalidad.

Habang nasa byahe ay sinasariwa ko ang masasayang ala-alang pabaon sakin ni Mr. Black Shirt. Simula nung nakilala ko siya ay lagi akong excited pag bakasyon. Dahil sa piling nya, wala akong ibang iniintindi kundi ang maging masaya lang.

Hindi namin kilala ang isa't-isa at wala kaming alam sa personal na buhay ng bawat isa pero siya ang maituturing kong escape from reality.

Para syang prince charming na nagliligtas ng damsel in distress sa mga fairy tales at fantasy movies. Napakamagical ng lahat pag sya yung kasama dahil puro kaligayahan at kapayapaan lang yung nararamdaman ko.

Hanggang sa susunod na bakasyon, Mr Black Shirt! Sa dating tagpuan.

TagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon