Maria Therese Angelique's
"Baby! Congratulations satin!" Sigaw ni JP nung makita ako saka nya ako niyakap ng mahigpit. Cum laude ang loko samantalang ako ay Academic Excellence awardee. Kinulang kasi ako sa point.
"Congratulations, JP!" Bati naman ni Daddy sa kanya at tinapik ang balikat nya.
"Thank you, Tito" kakamot kamot pa sya sa ulo nya at parang nahihiya pa.
"Punta kayo sa bahay. Sama mo ang pamilya mo" pangungumbida ni Mommy sa kanya.
"Naku Tita, meron din pong kaunting salo-salo samin. Next time nalang po Tita" tumango lang si Daddy at tipid na ngumiti.
Nagpicture lang kami ni JP na magkasama bago umuwi sa kanya-kanyang bahay.
"Congratulations, Angelique!" Nakangiting bati sakin ng mga bisita sa graduation party ko pagkarating na pagkarating namin ng bahay.
"Thank you po" kiming ngumiti lang ako sa kanila. Sa totoo lang, hindi ko magawang maging masaya dahil kahit may award akong natanggap ay hindi pa rin naging proud sakin ang parents ko.
"Oh, everyone next week sa bahay naman tayo ha. Gagraduate na din kasi yung bunso kong si Patricia and guess what, she's a magna cum laude" sabi ni Tita Pinky sabay ngumiti ng malapad kaya napunta ang atensyon ka kanya ng lahat.
"Wow! Ang swerte mo talaga sa mga anak, Ate Pinky. Kung sana hindi nagpabaya itong si Angelique baka grumaduate din sya with latin honors" sabi ni Mommy kaya napatungo nalang ako.
"Angelique asikasuhin mo na ang mga bisita and please ngumiti ka naman" tinanguan ko lang si mommy at nilapitan ang mga pinsan at tiyahin ko para kamustahin sila.
"Hi Angelique, kailangan mo ba ng mga reviewers para sa board?" Tanong sakin ni Kuya Paolo kaya agad ko syang nginitian at tumango.
"Thank you, Kuya. Malaking tulong po yun. Saka magrereview center din po kasi ako" tumango-tango naman sya. Mabait sakin si Kuya kahit noong mga bata palang kami.
"Sige. Maganda yun" ginulo nya ang buhok ko. Bigla namang sumabat sa usapan namin si Ate Vianne.
"Magrereview ka pa?" Tanong nya sakin na nakataas ang kilay.
"Hayaan mo nga sya Vianne. Mas maganda yun para alam na nya ang gagawin nya sa oras ng exam" pagtatanggol naman sakin ni Kuya.
"Whatever" umirap lang sya samin at saka tumalikod na para umalis. Napabuntong hininga nalang ako.
Malaki ang pamilya namin pero kaunti lang sa kanila ang nakakasundo ko. Pakiramdam ko lagi akong outcast tuwing may pagtitipon. Siguro isa na ring dahilan yung masyadong strikto sakin ng parents ko kaya hindi rin ako nagkaroon ng pagkakataon na makipag-bonding sa mga pinsan ko.
Pagtapos ng party ay nag-uwian rin ang mga bisita kaya umakyat na ako sa kwarto para magpalit ng damit. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay pumunta ako sa kwarto ng mga magulang ko para sabihin sa kanila na gusto ko ng bumukod.
"Mom, pwede ko po ba kayong makausap?" Nag-angat ng tingin sakin si mommy at binaba ang librong hawak kanina nung pumasok ako.
"Ano yun? Di ba pwedeng ipagpabukas yan?" Lumabas naman si Daddy sa bathroom at tumabi ng upo kay mommy sa kama.
BINABASA MO ANG
Tagpuan
RomanceMinsan, may mga lugar talagang masarap balikan, hindi lang dahil sa taglay nitong ganda kundi dahil sa taong minsan na nating nakasama dito.