Johann Psalm's
"Psalm! Anong hitsura mo na naman yang bata ka?! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo anak!" Napakamot nalang ako sa ulo ko nung sinalubong ako ng Inay sa may pintuan. Nakita ring may hawak syang walis tambo kaya inunahan ko na sya ng yakap at pinaghahalikan ang pisngi nya.
"Hindi mo na ako madadaan sa ganyan! Magtino ka naman anak. Ilang beses ka nang muntik mahulog nung elementary! wag mo namang hayaang ganun din ang mangyari sayo ngayong high school. Hiyang-hiya na ako sa mga titser mo pag nanghihingi ng special project para makapasa ka lang a" napaatras ako nung higitin pa nya ang patilya ko.
"Inay Naman! Bitaw po" reklamo ko pero hinataw nya lang ako ng tambong hawak nya kaya panay ang ilag ko. Hindi naman masakit yun dahil hindi rin naman tinotodo ng inay ang palo nya.
"Kanino ka na naman nakipag-away?! Jusko namang bata ka, July palang may kasalanan ka na agad sa school?!"
"Inay wala ho! Mamatay man ang kalabaw ng Mamay Gimo!"
"Aba't dinamay mo pa talaga ang kalabaw ng Mamay mo! Ang mabuti pa wag ka nang pumasok sa school. Magtanim ka na laang ng balinghoy nang may maipakain ka sa magiging asawa at anak mo" napaisip naman ako. Parang hindi bagay kumain ng balinghoy ang magandang babaeng yun.
"Hoy! Natulala ka dyan?! Bukas na bukas kakausapin ko ang teacher mo. Akala ko ay titino ka dahil sa private school kita ipinasok pero parang mas lumala ka pa" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng inay. Tumayo ako ay yumakap sa kanya. Mabait ang Inay at alam kong hindi nya ako matitiis dahil bukod sa nag-iisa akong lalaki sa magkakapatid, ako rin ang bunso nya.
"Inay, ayaw ko pong huminto" sabi ko sa kanya habang kinikiskis ko ang pisngi ko sa balikat nya.
"Ilang beses mo nang sinabi yan nung elementary ka pa lang. Wala ka bang pangarap na bata ka?" Tanong nya sa mahinahon nang boses ngayon kaya lihim na napangiti ako.
"Meron naman po Inay. Gusto ko pong maging Engineer"
"Yun naman pala. Bakit ganyan ka? Kailan ka ba titino, anak?" Hinahaplos haplos na ng inay ang buhok ko.
"Magtitino na po ako Inay. Tingnan nyo pag grumaduate ako ng highschool, isa ako sa mga nakaupo sa stage" nakangising sabi ko kaya napailing sya.
"Kahit makapasa ka lang anak. Kahit wala ng mga medalya basta makatapos ka lang ng pag-aaral" hindi nalang ako nagsalita ako muling yumakap sa kanya.
Tamad lang naman talaga akong mag-aral at talagang mahilig sa barkada pero naiintindihan ko naman yung mga tinuturo ng teacher ko pag naiisipan kong makinig.
~
Kinabukasan, maaga akong pumasok ng paaralan. Intramurals parin at chess ang sports na sinalihan ko. Basic lang naman yun dahil bonding namin yun ng Itay.
Habang hindi pa ako tinatawag ni coach ay nakahalumbabang nakamasid lang ako sa mga taong naglalakad sa ibaba. Narito ako sa third floor dahil dito ginaganap ang chess tournament. Naiinip na ko dahil hinihintay ko nalang yung makakalaban ko para sa championship. Napatuwid ako ng tayo nung nakita ko ang pamilyar na mukha. Nakasuot sya ng uniform ng mga volleyball players at pansin kong bigat na bigay sya sa dala nyang bag.
"Sevilla, championship na. Galingan mo ha!" Napabaling ang tingin ko kay coach nung tinawag nya ako.
"Coach, anong oras po kaya magsstart ang volleyball?" Tanong ko sa kanya.
"Baka nagsisimula na rin sila. Wag mo munang intindihin yun. Magfocus ka muna sa laro" nakangusong tumango lang ako.
Ang boring ng laro dahil hindi man lang ako nahirapan. Ang bagal pang tumira ng kalaban ko kaya yamot na yamot ako. Gusto kong makapanood ng volleyball game.
BINABASA MO ANG
Tagpuan
RomanceMinsan, may mga lugar talagang masarap balikan, hindi lang dahil sa taglay nitong ganda kundi dahil sa taong minsan na nating nakasama dito.