Maria Therese Angelique's
"Kinakabahan ako, baby" natatawa ako sa hitsura ni JP dahil para syang pusang hindi mapaanak.
"Tagal tagal mo nang nakakausap ang Daddy ko, ngayon ka pa kakabahan" natatawang sabi ko sa kanya. Gusto ko na kasing ipakilala sya sa pamilya ko bilang boyfriend. Jusmiyo!
"Iba naman yun. Paano pala pag ayaw ako ni Tito tapos paghiwalayin nya tayo tapos syempre ipaglalaban kita tapos oofferan nya ako ng 1 million para layuan kita pero syempre hindi ko tatanggapin yun kasi mahal kita tapos magagalit lalo sya tapos dadalhin ka niya sa America tapos susundan kita papuntang airport tapos maaaksidente ako tapos malalaman mo tapos iiyak ka ng iiyak tapos may magcocomfort sayong iba tapos makakalimutan mo na ko tapos syempre masasaktan ako kaya iinom nalang ako ng muriatic acid kaya mamamatay ako tapos pag nabalitaan mo yun, magsisisi ka kaya maglalaslas ka rin tapos magkikita tayo sa heaven" tawag lang ako nang tawa habang naglilitanya sya. Jusko po ang layo na ng narating ng imagination nya.
Alam kong maligalig ang pagkatao ni JP pero hindi ko akalaing ganito sya kabahan at mataranta.
"Ayaw mo nun, wala ng kontra bida satin pag nasa heaven na tayo" sakay ko pa sa mga sinasabi nya.
"Aba meron pa rin kasi nandun ang Mamay syempre magagalit yun sayo dahil nagpacomfort ka sa iba kaya lumaklak ako ng muriatic acid. Aba ako kaya ang paborito nyang apo. Tapos syempre hindi naman papayag ang mommy mo na away-awayin ka ng Mamay kaya paglalayuin din nila tayo" nakanguso pang sabi nya kaya lalo akong napahagalpak ng tawa.
"Seriously, Johann Psalm?! Anong tinira mo?" Sinamaan naman nya ako ng tingin.
"Kinakabahan nga ako. Nandyan lahat ng kamag-anak mo at lalong lalo na ang Lolo mo. Baka hindi na ako makalabas ng buhay dyan sa bahay nyo"
"Pag hindi pa tayo bumaba ng sasakyan, magbebreak tayo ngayon din" nanlaki naman ang mata nya at nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Napailing nalang ako nung pinagbuksan nya ako ng pinto.
"Joke lang baby. Tropa kaya kami ni Tito" tumawa pa sya ng pilit saka hinawakan ang kamay ko. Ang lamig ng kamay nya at nanginginig pa yun.
"Para kang tanga. Bakit nung ako ang pinakilala mo sa inyo bilang girlfriend mo, hindi man lang ako kinabahan"
"Iba yun. Mahal ka ng mga tao samin. Dito, hindi ako sure kung mahal din nila ako. Lalo na ng Lolo mo"
"Humaharap ka sa mga supervisors at superintendent tapos ang kapal pa ng mukha mong kuning Ninang si Mam Anciana tapos duwag ka sa Lolo ko"
"Iba yun. Ikaw ang nakasalalay dito" nakangusong sabi nya. Sinapo ko naman ang mukha nya.
"Mamahalin ka rin nila gaya ng pagmamahal ko sayo" kinindatan ko pa sya kaya napangisi sya.
"Hingin ko na rin kaya ang kamay mo ngayon" tatawa-tawang sabi nya at umakbay sakin saka humalik sa sintido ko.
"Tara na nga. Ang dami mo talagang arte kahit kailan" hinawakan ko ang kamay nya at hinila na sya papasok.
Para syang batang babago palang papasok sa school na ayaw magpaiwan sa Nanay. Ang higpit ng kapit nya sa kamay ko. Ewan ko kung bakit pa sya kinakabahan samantalang labas-pasok na nya sya dito sa bahay namin.
Nasa dinning room na ang pamilya ko kaya dun na kami tumuloy. Nagmano kami ni JP kina Daddy at Lolo pagkatapos ay bumeso sa mga Tito at Tita ko. Magkatabi kaming umupo katapat sina Daddy at Mommy at nasa pinaka head naman si Lolo.
Nagdasal muna kami bago kumain.
"Kain na, hijo may problema ba sa luto ng Tita Mariam mo?" Tanong ni Daddy kaya napalunok si JP. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang tawa ko. Hinawakan ko naman ang kamay nya kaya medyo narelax sya.
BINABASA MO ANG
Tagpuan
RomanceMinsan, may mga lugar talagang masarap balikan, hindi lang dahil sa taglay nitong ganda kundi dahil sa taong minsan na nating nakasama dito.