Maria Therese Angelique's
"Anak, gusto mo bang dyan na kami magpasko ng Tatay Toto mo?" Tanong sakin ni Nanay Rosing mula sa kabilang linya. Mag-isa lang ako sa apartment ngayon at Christmas eve na mamaya.
"Wag na po, Nay. Siguradong kailangan kayo nina Daddy dyan"
"Wala naman atang ganap dito dahil walang binibilin sakin ang mga magulang mo"
"Baka po dun sila magpapasko kina Lolo o kaya sa ibang mga Tita ko" narinig ko naman ang buntong hininga ni Nanay Rosing.
"Umuwi ka na lang kaya muna? Pasko naman. Sigurado akong matutuwa ang Mommy at Daddy mo pag nandito ka"
"Nay, hindi nalang po. Ayoko pong masira ang selebrasyon nila dahil lang sakin"
"Ikaw talagang bata ka. O sige na, mamaya nalang kita tatawagan ulit, nandito na ang Tita Vangie at Tito Almario mo" hindi na ako nakasagot dahil parang nagmamadali si Nanay Rosing. Napabuntong hininga nalang ulit ako at tumitig sa kisame.
Dati-rati, kahit hindi ko feel ang pasko dahil sa mga kamag-anak ko ay kahit papaano masaya parin ako dahil lagi akong may kiss at hug kay Mommy at Daddy pag sapit ng hatinggabi. Namimiss ko na sila pero ayoko nang makigulo pa. Ngayon, mag-isa lang ako sa tahimik na apartment na to.
Siguro nga, kagaya ng sabi ni Lolo ay malas ako. Dahil sakin, nawala ang dalawang babaeng mahalaga sa kanya.
Napagpasyahan kong lumabas nalang ngayong gabi para hindi naman ako nakamukmok lang dito. Gusto kong silipin kahit saglit lang sina Mommy. Hindi naman ako magpapakita, gusto ko lang makitang masaya sila.
Tumayo ako at nagbihis ng damit. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na kung saan ako dalhin ng aking mga paa. Pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko doon si JP na nasa aktong kakatok palang.
"Anong ginagawa mo dito, Johann Psalm?" Tiningnan nya ang ayos ko at saka kunot noong tumingin sa mga mata ko.
"Saan ka pupunta, aking giliw?" Inirapan ko sya dahil inatake na naman sya my kabaliwan nya.
"Maglalakad lakad lang ako dahil ayoko namang magmukmok lang dito ngayong pasko. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Tinaasan lang nya ako ng kilay.
"Sa tingin mo ba, hahayaan kitang mag-isa lang dito mamaya? Saka pinasusundo ka ng inay. Dun ka na daw magpasko at sabi nya kakalbuhin daw nya ako pag hindi kita naiuwi sa bahay" natawa ako sa kanya dahil kakamot kamot pa sya sa ulo nya.
"Magpakalbo ka nalang kaya kay Tita, maiba naman" sinamaan nya ako ng tingin at pinitik ang noo ko.
"Tara na. Dadaan tayo kina Arianne dahil pinapapunta tayo ni Joseph. Mamumulungan na ata"
"Siraulo ka talaga. Si Arianne ang kakalbo sayo pag narinig ka nya" iiling-iling kong sabi at saka ni-lock ang pinto. Hinawakan naman nya ang kamay ko at sabay kaming naglakad papuntang kotse nya.
"Ineng, hindi ka ba dyan sa bahay mo magpapasko? Iimbitahin sana kita dito samin" nakangiting sabi sakin ni Aling Cora. Kapitbahay ko sya dito sa apartment at mabait ang pamilya nila. Minsan ay binibigyan nila ako ng ulam.
"Naku, Aling Cora next time nalang po. Inimbitahan din po kasi ako ng inay ni JP sa kanila. Salamat po sa imbitasyon" magiliw kong sabi sa kanya. Ngumiti naman sya at saka pumasok na ng bahay nila.
"Dami mo na agad friends" biro sakin ni JP dahil halos lahat ata ng makasalubong namin ay ngumingiti sa akin at bumabati.
"Syempre, kailangan makisama. Saka mababait naman sila" nakarating kami sa sasakyan nya at pinagbuksan nya ako ng pinto. Inalalayan pa nya akong makapasok kaya napailing nalang ako. Hindi pa rin sya nagbabago, kung ituring pa rin nya ako ay parang bata.
BINABASA MO ANG
Tagpuan
RomanceMinsan, may mga lugar talagang masarap balikan, hindi lang dahil sa taglay nitong ganda kundi dahil sa taong minsan na nating nakasama dito.