Chapter 17

41 5 0
                                    

Maria Therese Angelique's

"Hi baby!" Nakangiting bati sakin ni JP nung naabutan ko syang nakaupo sa table ko sa faculty room.

"Nagresign ka pa, lagi ka rin namang nandito" natatawang sabi ko sa kanya. Lagi syang nandito pag tapos ng klase nila dahil hanggang 2 pm lang sya sa school nila. Uso daw kasi ang shifting sa public schools.

"Malaki kasi ang sapak sa utak niyang si Sevilla" natatawang komento naman ni Arianne na ngayon ay medyo malaki na rin ang tiyan.

"Hindi lang talaga ako sanay na umuwi ng maaga sa bahay. Saka namimiss ko na kayo!" Depensa naman nya.

"Oo nalang" sagot pa ni Arianne.

Umupo ako sa tabi nya at sumandal sa balikat nya. Kanina pa kasi masama ang pakiramdam ko.

"Hala, bat mainit ka baby? Nilalagnat ka?" Nag-aalalang tanong ni JP habang sinasalat ang leeg ko.

"Hindi ako pwedeng lagnatin. Sa Sunday na yung exam ko" nakangusong sabi ko at umub-ob nalang sa table. Ang sakit talaga ng ulo ko.

"Ha? Ay sya tara na umuwi. Ipagpapaalam kita kay Ninang Anciana para makapagpahinga ka na. Tapos na naman ang klase mo e" sabi pa nya kaya natawa ako. Kinarir  na talaga nya ang pagtawag ng Ninang kay Mam Anciana.

"O, inaanak painumin mo muna ng gamot si Tere. May paracetamol pa ko dito sa bag" narinig kong alok ni Sir Tolits kay JP.

"Salamat Ninong! The best ka talaga!" Sabi pa nya bago dahan-dahang inangat ang mukha ko.

"Baby, inom ka muna nitong gamot. Pwede naman to kahit hindi ka pa kumakain" malambing na sabi nya kaya ngumuso nalang ako. Hindi talaga ako umiinom ng gamot pag nagkakasakit ako at alam nya yun.

"Sige na po, inumin mo na to dahil kailangan mong gumaling para makaexam ka sa Sunday" umiling lang ako at yumukyok ulit. Ayoko nun dahil ang pait. Gumagaling naman ako kahit patubig tubig lang saka yung mga herbal na pinapainom sakin ni Nanay Rosing.

"Dali na baby, sige ka pag hindi ka gumaling bukas hindi kita papayagang mag exam sa Sunday. Sa September ka na lang ulit mag exam" tumunghay ako at sinamaan sya ng tingin. Marahas kong hinablot sa kanya yung gamot na nabuksan na at saka dali-daling ininom yun. Nakangising inabot nya sakin ang tumbler ko at saka ko inubos ang tubig dun. Ang pait talaga. Mas gusto ko pa rin ang lasa nung mga luyang dilaw, sambong, lagundi at kung ano-ano pang herbal ni Nanay Rosing. Wala pang  chemicals yun.

"Good girl" ginulo pa nya ang buhok ko. Sinamaan ko lang sya ng tingin at yumukyok na ulit sa table.


Nung uwian na ay hinatid ako ni JP sa bahay. Dito na ulit ako nakatira sa bahay nina Daddy para mas mabantayan ko na rin sya. Medyo okay na si Daddy basta wag lang syang mapapagod at masstress.

"Good Afternoon po, Tito" nakangiting bati nya kay Daddy nung naabutan namin syang nagbabasa sa living room. Lumapit kami sa kanya at nagmano.

"Tito, may lagnat po itong prinsesa nyo" sumbong nya pa kaya siniko ko sya.

"Okay ka lang ba, anak? Uminom ka na ba ng gamot?" Nag-aalalang tanong nya kaya nginitian ko nalang sya para hindi sya mag-alala.

"Opo Daddy. Pinainom na po ako ni JP kanina" tumango tango naman sya at binalingan na si JP. Nagkwentuhan pa sila dun kaya napagpasyahan kong umakyat muna sa taas para makapagbihis.

Habang naghahanap ako ng damit na isusuot ay nakita ko yung box na pinaglalagyan ng koleksyon kong mga tuyong sunflowers na bigay ni Mr. Black Shirt. Binuksan ko yun at napangiti ako nung muling nakita yun. Malapit na ulit ang bakasyon. Magkikita pa kaya kaming dalawa?

TagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon