Maria Therese Angelique's
"Angelique, tumawag sakin si Vanessa. Hindi ka raw nagpapakita sa kanya. Paano ka matutulungan ng pinsan mo?" Mahinahon ngunit puno ng authority na tanong sakin ni Daddy. Nasa hapag-kainan kami ngayon at hindi ko malunok ang kinakain ko.
"Dad, busy lang po ako sa school" nakatungong sabi ko.
"Sabi ko naman sayo, magresign ka muna at magfocus ka sa pagrereview. Ang tigas tigas ng ulo mo" puno ng gigil nyang sambit pero hindi na ako sumagot. Hindi rin naman nila ako pakikinggan. Ayokong magresign sa trabaho dahil tuluyan akong mawawalan ng kalayaan.
"Sa susunod na linggo ay birthday ng Lolo mo. Wag ka na munang sumama dahil baka atakihin pa iyon sa puso pag nakita ka. Alam mo namang sobrang disappointed yun sayo" kahit nangingilid ang luha ay pinilit kong ngumiti at tumayo.
"Tapos na po akong kumain"
"Okay, bumalik ka sa kwarto mo at mag-aral" daig ko pang batang ayaw gumawa ng assignment.
"Dad, kasal po ngayon ng kaibigan ko, kailangan ko pong umattend dahil kabilang ako sa secondary sponsors" malumanay na paliwanag ko sa kanya.
"At pagkatapos ng kasal, iinom kayo ng mga kaibigan mo at gabing-gabi ka na uuwi? Di ka ba natatakot sa mga nasa balita ngayon? Ayusin mo ang buhay mo, Angelique!"
"Dad, wala pong ganun. Uuwi po ako ng maaga" hindi na sila nagsalita kaya umakyat na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Gustong-gusto ko ng umalis sa bahay na to.
Pagkagraduate ko ng college ay nagpaalam ako sa kanilang bubukod na pero hindi sila pumayag. Sa oras daw na umalis ako ng pamamahay nila ay wag ko na daw silang kilalaning magulang. Nalaman iyon ng Lolo ko kaya nagalit sya sakin. Wala daw akong utang na loob sa mga magulang ko. Nadagdagan pa ang disappointment nya sakin nung hindi ako makapasa-pasa sa board exam. Malaki ang pamilya namin at lahat kami ay nasa mundo ng pagtuturo yun nga lang, ako ang kulelat.
Tumunog ang cellphone ko at agad kong sinagot yun dahil si JP ang tumatawag.
"Baby, nandito na ako sa labas ng bahay nyo" umikot ang mata ko dahil umiral na naman ang kabaliwan ng isang ito.
"Pababa na ako" kilala nina Daddy si JP at alam nilang best friend ko lang ito. Kahit kasi nasa hustong edad na ako ay bawal pa rin daw akong magboyfriend sabi ni Daddy. Unahin ko raw munang maging matagumpay sa larangan ko bago intindihin ang bagay na iyon. Wala namang kaso sakin iyon dahil wala pa akong nagugustuhan. Gusto ko munang patunayan ang sarili ko sa pamilya ko bago ang lahat ng iyon.
"Daddy, aalis na po ako" paalam ko sa kanya noong nakita ko syang nakaupo sa sofa ng living room namin.
"Ihahatid ka ba ni JP mamaya o pasusundo kita kay Toto?" Tanong nya pero hindi tumitingin sakin.
"Opo Dad, nandyan po sya ngayon sa labas" tumango sya kaya nagmano ako sa kanya. Humalik naman ako sa pisngi ni Mommy.
"Wag kang iinom ng alak, Angelique at alas sais ay dapat narito ka na" pilit na ngumiti nalang ako kay mommy at tumango.
Naabutan ko si JP na nakasandal sa sasakyan nya habang nakapamulsa at pasipol-sipol pa. Tinaas nya ang shades nya nung makita ako.
"Hi baby!" Malapad na ngumiti pa sya at saka kinuha sakin ang mga dala kong gown at heels bago nya ako inalalayang pumasok ng sasakyan nya.
"Bakit parang nakasimangot na naman ang baby ko? Problema na naman kina Tito?" Tanong nya habang nagmamaneho.
"May bago ba?" Sagot ko sa kanya at pumikit.
BINABASA MO ANG
Tagpuan
RomanceMinsan, may mga lugar talagang masarap balikan, hindi lang dahil sa taglay nitong ganda kundi dahil sa taong minsan na nating nakasama dito.