Mr. Black Shirt/Tristan Angelo's
"Are you sure about this, son?" Nginitian ko si Mommy at hinawakan ang kamay nya."This is my calling, Mom" niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.
"Mag-iingat ka dito ha. Mahal na mahal ka namin" Tinapik tapik pa nya ang pisngi ko.
Kakagraduate ko lang kahapon ng high school at ngayon nga ay hinatid na nila ako dito sa seminaryo.
"Mamimiss kita, Kuya Gelo" umiiyak na sabi ng bunso kong kapatid na si Agatha. Niyakap ko rin sya ng mahigpit at ginulo ang buhok nya.
"Wag kang pasaway sa bahay ha. Makikinig ka lagi kina Mommy at Daddy. Pati na rin kay Ate Almira." Ngumuso naman sya at lalo lang nangunyapit sa bewang ko.
"Inispoiled mo kasi masyado. Yan tuloy, ayaw nang humiwalay sayo. Mag-iingat ka rito ha" nginitian ko si Ate Almira at yumakap din sya sakin.
Alam kong hindi na sila nagulat sa naging desisyon ko dahil simula't sapol naman ay ito na ang pangarap ko. I want to dedicate my life to Him because He called me and I know He needs me.
Bumaling ako kay Daddy at sya naman ang yumakap sakin ng mahigpit.
"I'm proud of you, son" pagbitaw ko kay Daddy ay sumulyap lang ako sa pamilya ko ng isa pang beses bago tumalikod na.
This is my calling ...
~
Maraming bagay ang natutunan ko sa loob ng seminaryo at sa bawat araw at taon na lumilipas, lalong umiigting ang paniniwala at ang pagmamahal ko sa Kanya. Nakahanap ako ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagsisilbi sa Kanya.
"Bro, masamang balita. Iniwan na tayo ni Father Eric" napatulala nalang ako nung narinig ang masamang balita. Isa si Father Eric sa mga dahilan kung bakit ginusto ko ang pagpapari. Sya yung nagmulat ng mga mata ko sa paniniwala sa Kanya.
"Anong nangyari? Dumalaw pa sya satin dito nung isang araw ah?" Pagkuwa'y tanong ko kay Bro. Jay dahil hindi pa rin talaga ako makapaniwala.
"Nahold-up daw si Father kahapon at ang masama pa sinaksak sya nung mga suspect. Hindi pa sila natuwa at binugbog pa nila ito. Dead on the spot na daw nung nakarating ng ospital" sa unang pagkakataon sa buhay ko ay nakaramdam ako ng labis na galit sa kapwa tao ko. Bakit may mga taong kayang gumawa ng ganun? Napakabait ni Father at hindi nya deserve yung nangyari sa kanya.
Para akong nawalan ng isang ama nung nawala si Father Eric. Dumating sa punto na kinwestyon ko Siya dahil hindi ko maintindihan kung bakit may mga ganung pangyayari. Sabi ni Father Eric noon, hiram lang daw ang buhay at ang Diyos lang daw ang pwedeng bumawi nun pero bakit ganito ang nangyari sa kanya?
~
Lumabas ako ng seminaryo pagkatapos mailibing si Father Eric nang hindi nagpapaalam sa kanila. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ito dahil gulong gulo ang isip ko. Gusto ko munang hanapin yung sarili ko..
Sumakay ako ng bus patungo sa probinsya nina Father Eric. Naisama na nya kami roon noong minsang nagbakasyon kami.
"Yung mga iihi dyan!" Nagising ako sa sigaw ng konduktor. Nagstop over pala muna at hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Kumalam ang sikmura ko kaya naisipan kong bumaba at kumain muna sa karinderya.
Nagbabayad na ako ng kinain ko at nakita ko ang isang babaeng putlang putla na bumaba ng isa pang bus. Sinundan ko sya ng tingin dahil nag-aalala ako para sa kanya. Pasuray suray sya at parang anytime ay babagsak sya.
Babalik na sana ako sa bus nung napansin ko ulit syang sumusuka sa may bandang likod ng karinderya. Parang hinang hina sya kaya naglakas loob na akong lumapit dahil baka may maitulong ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tagpuan
RomanceMinsan, may mga lugar talagang masarap balikan, hindi lang dahil sa taglay nitong ganda kundi dahil sa taong minsan na nating nakasama dito.