Chapter 4

42 4 0
                                    

Maria Therese Angelique's

"Kumakain ka na pala, hindi mo man lang ako hinintay. Alam mo namang wala si Ailyn, wala akong ibang kasabay" binatukan ko si JP nung makita ko syang kumakain na sa canteen kasama si Cheska,TLE teacher sa junior high school.

"Pasensya naman, aking giliw. Vacant na kasi ako before lunch pag Thursday kaya nauna na ko. Gutom na gutom na ko kaya umuna na ko. Buti nga vacant din tong si Cheska kaya hindi ako loner" inirapan ko lang sya at padabog na umupo ako sa bakanteng upuan kaharap nila. Magkatabi kasi sila at magkasalo pa sa ulam. Di ko alam na close pala sila.

"Kailan ka pa nagka-vacant ng Thursday?" Taas kilay na tanong ko. Ang alam ko kase ay Friday ang vacant nya tapos after recess yun.

"Nagbago ang schedule namin sa high school e. Tapos ipinamana pa sakin ni Myka ang computer lab kaya binawasan pa ng isa ang load ko" paliwanag naman nya. Tumawa naman si Cheska.

"Sana all" sabi pa nito. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko habang nagbibiruan ang mga nasa harapan ko. Ang tagal nilang kumain dahil ang haharot nila. Tinik talaga nitong JP na to.

"Johann, libre mo ko ng dutch mill, yung strawberry ha" bahagyang tumaas naman ang kilay ko nung marinig ko si Cheska. At pakiramdam ko ay umabot naman sa bumbunan ko ang kilay ko nung tumayo si JP at bumili nga ng dutch mill. Anong nakain ng walanghiyang to? Ang tamad tamad tapos isang utos lang sa kanya ay sunod na sya.

"Johann Psalm, buksan mo nga to!" Padabog na inabot ko sa kanya yung tumbler ko at pinabuksan yun.

"Laki na e" nakangising biro nya pero binuksan pa rin nya iyon. Inagaw ko naman yun at inirapan sya. Binilisan kong kumain at biglang tayo nung natapos na ko. Hindi ko na sila nilingon at nilagay na sa may sink ang pinagkainan ko tapos deretsong labas na. Mukha kasing busy sila masyado.

Nung natapos ang klase ay nagtungo ako ng faculty room. Karamihan sa amin ay narito na pero wala pa rin si JP.  Nakakapagtaka naman. Ang alam ko ay 4:30 ang tapos ng klase nya pero 4:45 na ay wala pa sya. Pinalipas ko na lang ang oras sa pagreretouch.

"Ang taray, may taga bitbit!" Napatingin ako sa pinto ng faculty room nung nagsalita si Danica. Nakita ko na sina Cheska at JP pala ang pumasok. May dala pa si JP na mga illustration board.

"Buti nga nadaanan ako ni Johann sa room ng grade 8. Di ko alam kung paano dadalhin ang mga yan. Ang bigat e" sabi nya lang bago dumeretso ng table nya. Sumunod naman si JP at pinatong dun ang mga dala-dala nya. Mukhang si Cheska ang bagong prospect ng lokong to ah. Mabuti narin yun para hindi na nya ako asar-asarin.

"Aking giliw, tara na umuwi?" Sasagot palang ako pero naunahan na ako ni Cheska.

"Johann, pwede pahiram ng susi ng computer lab? Magtitingin lang ako kung may mga wire na di ginagamit dun. Kailangan ko kasi, para hindi na ako bumili" lumingon sa kanya si JP at hinubad ang ID nya. Nandun kasi ang mga susi na hawak nya.

"Madilim dun kumare, baka may kumalabit sayo" biro pa ni Danica.

"Anla, wag kang manakot. Samahan mo nalang ako"

"Kailangan kong umuwi ng maaga e. Pasama ka nalang kay JP. Kailangan din naman nyang maglista ng mga kukunin mo dun e" tumingin naman si Cheska kay JP at tumingin naman si JP sakin.

"Lakad na. Papasundo nalang ako kay Tatay Toto" nginitian ko lang sya para mapanatag sya.

"Sure ka baby?" Paninigurado pa nya pero tinanguan ko lang sya. Hinalikan lang nya ang tuktok ng ulo ko bago lumabas para sumunod kay Cheska.

Tinext ko naman si Tatay Toto para magpasundo. Habang naghihintay ay tahimik lang akong nakaupo sa table ko. Wala akong makadaldalan dahil wala si Myka tapos si Ailyn hindi pa rin pwedeng pumasok dahil sa saksak nya sa tagiliran. Hindi naman kasi ako palasalita kaya kaunti lang din ang kaibigan ko. Lahat naman kami ay magkakasundo ng mga kasamahan ko pero syempre may kanya-kanya parin kaming grupo.

TagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon