Cheer Leading Audition Part 2
Third Person's POV
--->Fast Forward<----
Nakahinga ng maluwag si Zavanya ng matanggap sya sa audition kahit na sobra syang napahiya sa ginawa ng isa nyang kaklase.
--->Flashback<---
Huminga sya ng malalim bago lumakad papunta sa harap. Kahit pa'y nanginginig parin ang katawan ay nagpatuloy parin sya.
May ilang katanungan sa kanya ang mga hurado at kahit pa sya'y kinakabahan, naisagot nya ito ng tama.
"Very good. I like your answer, Ms. Madrigal."-ngiting sabi ng hurado. Lihim naman na napangiti si Zavanya.
Then after a few more questions, naisagot nya ito lahat ng tama. Pinabalik na sya sa pila after hingin ang surname nya na nakasama na sa listahan ng mga nakapasa.
Pabalik na sya sa dating pwesto ng may tumalisod na naman sa paa nya na tuluyan nyang pagkadapa sa harap ng lahat. Sobra-sobrang kahihiyan ang naramdaman nya. Para bang gusto na nyang umiyak pero pilit nyang pinipigilan dahil alam nyang iisipin ng lahat na mahina at talunan sya.
Agad syang tinulungan ng kanilang prof.
"Ms. Madrigal are you okay?"-tanong nito sa kanya kaya agad syang tumango. Tumayo na sya tsaka nya pinagpag ang uniporme.
Tsk! Buti nga sa kanya! a girl thought.
--->End of flashback<---
Zavie's POV
Ansakit parin yung ginawa nya sakin. I know it was her. Di lang ako umimik. Nagtamo ako ng konting gasgas sa tuhod at siko pero di naman masakit kaya ayos lang. Di ko rin naman kase ugali ang gumanti kahit pa alam ko sa sarili ko na gusto ko rin iyon gawin sa kanya. But I know kakarmahin din yan soon. Di lang ngayon.
Matapos ang audition, marami sa amin ang nakapasa ngunit ang ilan ay hindi pinalad. Nagulat pa nga ang lahat ng makapasa rin sya sa audition. Pero alam kong pandadaya lang ang ginawa nya. Marahil alam na nya ang mga katanungan sa kanya ng mga hurado kaya mabilisan nya itong naisagot. Di tulad ko at nang iba na iniisip pa kung ano ang isasagot at kung tatama ba o hindi.
Nakita ko rin kase sa kamay nya ang isang maliit na piraso ng papel na tinitingnan nya ng palihim. Yung iba hindi nakahalata pero ako, oo. Matapos nya kase akong pahiyain, di umalis ang paningin ko sa kanya. Inobserba ko sya. Eto lang ang naisip kong pag ganti. Mas mabuti na yung ganito kesa gawin ko rin kung ano ang ginawa nya sakin.
BINABASA MO ANG
MY HIGH SCHOOL LIFE WITH A MAFIA BOSS (MAFIA SERIES #1 COMPLETED)
FanfictionPrologue: "Meet Zavanya Kristine Madrigal, the simple girl na ang gusto lamang ay ang masaya at mapayapang buhay. She is the only daughter of her dad after her mom's early death. Maganda, sexy at palaban na babae. But until she met the famous heartt...