🦋FINAL EPISODE🦋

723 17 0
                                    

Matapos ang ilang minuto ay narating na din namin ang kalye uno kung saan may mga kabahayan.

"Dito, kailangan na nating bumaba dito para maghanap sa mga eski-eskinita dahil baka nandito lang si Astr— " natigilan ako nung may mamataan ako sa di kalayuan.

Isang babae na nakatalikod. Naglalakad ito na parang zombie, hindi alam ang dereksyon. Binubusinahan na din siya ng mga sasakyan at pinagtitinginan ng mga tao.

"J-jusko ko— a-ang asawa ko ba yun? Astrid?!" Agad kong bulalas sa sarili ko when I got to see her built and posture, I know the way how she walks. Nataranta ako at bumaba na ng sasakyan at dali-daling tumakbo papunta sa babae sa di kalayuan.

Ilang metro pa lang ang layo ko sa babae ngunit napagsino ko na ito. Tila nabuhusan ng malamig na yelo ang buo kung katawan. Nanginginig ako sa galit, hindi ako makalakad dahil sa awang pumapatay sa akin dahil sa itsura ng asawa ko right before my eyes.

Subrang gulo ng buhok niya, walang saplot sa paa, basang-basa mula ulo hanggang sa paa ng hindi tubig kundi langis. Naglalakad siya na parang zombie sa kalsada, tulala, at parang lantang gulay na walang buhay.

Mabibigat ang mga yabag na lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit at hindi ininda kahit na punong puno siya ng langis.

Hindi ako nagsalita, hindi ako makapagsalita that's the right term. Basta masaya ako that I am seeing her alive kahit na sa kabilang banda ay subrang awang-awa  ako sa kanya. I hugged her more tightly ngunit nagulat ako sa sumunod na nangyari at mas lalong nanlumo.

"H-huwag! Lu-lumayo ka sa akin, ma-maawa ka!"  nagpupumiglas niyang sigaw sa akin na pilit akong iwinawaksi. She's shaking her head with her eyes full of fear and great distress.

"H-hey Honn...a-ako to, ako na to- I-- I'm so sorry! Honn I am sorry!!!" bagsak ang mga mata kong bulalas sa kanya habang hawak hawak siya sa magkabilang balikat at nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. "Sorry Hon...sorry, I didn't know you went through such misery, I am sorry!" I said again in between sobs staring at her. Hindi ko kinakaya ang nakikita ko ngayon, subrang sakit.

Tumigil siya sa pagpupumiglas at tumingin sa akin. Her eyes were full of fear, naghalo-halo na ang mga luha niya at yung langis sa mukha niya with her sauced hair all over her face. She looked at me in the eyes trying to recognize me.

"I-ikaw— a-asawa ko?" She asked in a fearful voice ngunit agad siyang tumigil at bumalik na naman ang takot sa mukha niya. " N-no! No—hindi, hindi! Hindi!"  Bulalas niya ng paulit-ulit sa natatakot na tinig at iniyuko niya ang kanyang ulo with her hands covering her ears habang umiiling iling at paulit paulit niyang sinasabi ang katagang hindi.

Mas lumala pa ang daloy ng luha sa aking mga mata dahil dun. Pinilit ko siyang yakapin muli kahit na nagpupumiglas siya para manlang sana maiparamdam ko sa kanya yung comfort and assurance na kasama na niya ako pero patuloy parin siya sa ginagawa niya. Nakayuko siya at hinahampas hampas ang kanyang ulo saying nothing but the word "hindi".

"H-hon..please! I-it's me. Ako na to—sorry Hon...Im sorry, I was late..." muli kong bulalas sa kanya in between  sobs trying to stop her hands na paulit-ulit niyang inihahampas sa ulo niya at paulit ulit paring nag-sasabi ng hindi.

Dahil sa panlulumo at sa awang nararamdaman ko para sa kanya ay napatalikod na lamang ako mula sa kanya at sumigaw ng sumigaw habang sinusuntok ng paulit-ulit ang posteng naroon.

"Anong ginawa niyo sa asawa ko mga hayop kayo!!! MGA HAYOP!!!" Galit ko pang sigaw bago ako bumalik kay Astrid na noo'y inaalalayan naman ni Fred na noo'y subra ding nahahabag.

..... few days passed....

I was sitting in the living room this time waiting for Doc. Ellen who's the attending private physician of my wife. I can't stay in our room for long kasi because my wife is not comfortable with me around. I can't touch her nor hug her kasi she's becoming violent. She keeps on hallucinating seeing nothing but those bastards around her whenever I try to give her a hold or a touch. O kaya kapag nakakagawa ako o ng kahit na sinong tao dito sa bahay ng mga bagay na makakapagpaalala sa kanya dun sa bangungot na nangyari sa kanya ay bumabalik ang trauma niya at nagiging bayolente, not to us but to herself.

Enslaved By The Possessive MafiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon