🦋EPISODE NINETEEN🦋

641 16 0
                                    


*Garth's POV*

"Tsk' tsk'tsk..." These sounds are from my gun as I load it bago ako bumaba sa speed boat pagkarating namin sa dalampasigan sa Isla.

"Maiwan kana dito and wait for me. Ako na ang tutuloy roon." Sabi ko kay Fred na noon ay nakasakay parin sa bangka.

"Hindi. I'll go with you!" He protested.

"I said stay here! This is my fight. Mga delikadong tao ang naghihintay sa akin sa islang to. Hindi ka dapat madamay." I said firmly.

"That's exactly the reason why I should go with you. " says he again.

I just throw a meaningful look at him causing him to nod his head and take a deep sigh.

"P-pero paano ka. Kailangan mo ng back-up Garth!" Bulalas niyang muli sa akin na bumaba narin mula sa boat.

"Kung mamamatay ako, mamamatay ako' ngunit hindi ibig sabihin nun na kailangan mo ring mamatay." I said at nagsimula ng maglakad papasok sa kagubatan.

"Boss! Tek--" sigaw pa ni Fred ngunit hindi ko na siya nilingon. I just raised my one hand up to say bye to him.

Pag-akyat ko sa bundok ay may mga naririnig na akong putukan. Naalarma ako dahil dun. Baka nandun ang asawa ko at madamay siya. Kaya naman agad akong naglakad ng matulin para hanapin kong nasaan ang putukan na iyun.

.......

*Astrid's POV*

Ilang minuto pa pagkatapos lumabas sa silid si Stanley ay may naririnig na akong putok ng mga baril. It sounds traumatizing that I can't move. A thought of my near death occupied my mind. Wala na akong ibang nagawa kundi ang isiksik ang sarili ko sa pagitan ng kama at yung side table. Yumuko ako at niyakap ang aking mga tuhod. Dito ko na lamang hihintayin ang aking kamatayan. That's what I was thinking.

Mas tumindi ng tumindi ang putukan. Mas lumakas ng lumakas at pakiwari ko'y nasa loob na ito ng mismong bahay. Napahikbi ako at nanginginig na itinapal ang dalawa Kong mga palad sa magkabilaan kong tenga. Mas diniinan ko pa ang pagkakatapal sa mga iyun dahil natatakot ako sa mga naririnig kong putok.

Crrrrkkkk.....krrrkkk.....

Ito ang tunog na muli kong narinig at tiyak kong sa harap ko lang ito galing. Bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko.

Mas lalo ko pang isiniksik ang sarili ko at iniyuko ang aking ulo. Hindi ko nilingon ang pinto. Hanggang sa isang kamay ang humawak sa aking ulo. Napahagulgol ako dahil dun pero diko parin nilingon ang nagmamay-ari ng kamay na iyun.

"Astrid..." Maya-may pa'y banggit niya sa pangalan ko kaya natigilan ako sa pag-iyak.

"D-Drake?!" utal kong wika  kasabay ng pag-angat ko ng aking mukha.

"Get up! We need to get out of here now! Nauubos na ang mga tauhan ko." He exclaimed at binitbit ako sa braso para tulungan tumayo.

Natatakot ako ngunit kahit papaano ay nakakita ako ng kahit kunting pag-asa.

Nanginginig akong sumama sa kanya. Mula pa lamang sa hagdanan ay nakikipagbarilan na siya. Yuko dito at yuko doon. Ilag dito ilag doon. That's what happened. I was so traumatized.

As we get out of the house wala na akong ibang nakita kundi dugo. Mga wala ng buhay na nakabulagta. Wala rin akong ibang narinig kundi ang mga naglalakasang putok ng baril. You will only know what I am feeling right now if you've already been through some war once in your life. The feeling of being in a warzone trying to cover yourself from bullet rain.

"Hey Astrid! Focus!"

Narinig ko pang sigaw ni Drake sa akin dahil nagkakandapa-dapa na ako at tila ayaw ng gumalaw ng aking katawan. My mind has started hallucinating dahilan para tumayo na lamang ako at hindi na gumalaw. I stood still while watching the traumatizing scenery before my eyes. Pakiramdam ko umiikot ang buo kong palligid at wala akong ibang nakikita kundi mga dugo, baril, at ang tunog nito.

Enslaved By The Possessive MafiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon