🦋EPISODE NINE 🦋

731 23 0
                                    

….Garth’s POV…

“Yes—‘ I am now here.” I told Fred while I'm still driving.

“Gaano na ako kalapit sa isla?” Dagdag ko pang tanong.

“Anong mga nakikita mo sa paligid mo jan?” Fred asked me back.

“Well I’m driving along the foot of the mountains seeing nothing but trees and a wide meadow.” I said looking out through my car's window.

“That’s it malapit kana. Beside that mountain, may dalampasigan at may mga bangka doon patungong isla sa di kalayuan.” Wika nito. Naiwan kasi siya sa Manila to trace the rest house gamit ang aerial satellite of our guild and sends me the coordinates.

“Okay anyway, I think I’ve got a lead. May sinusundan akong traces ng gulong sa damuhang dinadaanan ko.” saad ko pa while following wheel marks na naaaninag ko.

*Astrid’s POV*

A frog jumped onto my belly causing me to regain my consciousness with my face throwing grimace of pain from all over my body.

I feel paralyzed that I can barely move my body. Lumingon lingon muna ako sa paligid at tila nabunutan ng tinik kahit papaano dahil wala na yung bangkero. Marahil ay tumakbo na ito sa pag-aakalang napatay niya ako.

Ilang beses kung sinubukang bumangon ngunit hindi ko kaya. Tila paralisado parin ang aking katawan. Mabuti na lamang at mayroong isang depang sanga ng kahoy na nasa di kalayuan kaya gumapang ako ng dahan dahan para kunin iyun.

Malaking tulong iyun bilang tungkod sa akin kaya naman nagawa kong makatayo at unti-unting humilos papalayo sa kinaroroonan ko pababa ng bundok na iyun. One step at a time.

Isang kaparangan ang bumungad sa akin pagbaba ko ng bundok at natuwa ako dahil may traces of four wheeler car sa damuhan. Ibig sabihin maaaring may hacienda or mga bahay ng farmers somewhere. Kailangan ko lang hanapin kong saan. Ang mahalaga, alam kung may nagpupuntang tao sa lugar na ito dahil sa bakas ng gulong sa damuhan.

Hawak hawak ang aking tiyan ay nagpumilit akong maglakad hawak hawak yung kahoy bilang tungkod ko nung may marinig akong tunog ng sasakyan.

Naisip kong magtago at baka kung sinong hayop na naman ang lulan nun ngunit mas pinili kung tumayo doon at hintayin ang sasakyan kung saan man ito manggagaling dahil naisip kung nakaalis naman na ako sa isla ng mga hayop na yun. Baka hindi na sila nakarating pa dito.

Maya-maya pa ay sa wakas namataan ko narin kung saan galing yung tunog na naririnig ko. Malayo pa man ito ngunit sa harap palang nito ay masasabi kung kulay itim ito at nasa deriksyon ko.

“Dito! May tao dito tulong!” I shouted waiving my hands trying to smile even if I am in great pain.

Papalapit ng papalapit ito sa akin ngunit napalitan ng takot ang aking nararamdaman nung mabilis ang pagtakbo ng sasakyan na tila gusto akong banggain tsaka lamang ito pumrino nung gahibla na lamang ang layo nito sa akin dahilan para tumilapon ako sa damuhan.

Hindi ako nakabangon agad. Subrang sakit ng katawan ko sa nangyari. Ramdam ko ang nag-ngingit kong mga sugat na kagabi ko pa inininda at nagdurugo rin ang aking sugat sa likod . Halos mamilipit ako sa sakit na nararamdaman ko at halos isubsub ko na sa damuhan ang aking mukha
nang maramdaman kong may bumabang lalaki sa sasakyan ngunit hindi ko ito magawang tignan dahil nakasubsob parin ang mukha ko sa damuhan habang dinadama ang sakit.

“A-Astrid? Gawddd i-it’s you!” Bulalas nung lalaki na siyang nagmamay-ari nung kotse. Tila hindi ito makapaniwala sa senaryo in front of him. I know his voice, it’s familiar and it's giving me chills all over my body. Titingnan ko na sana siya nung maramdaman ko ang pagbitbit niya sa akin sa aking isang braso as if I am just a pathetic animal na nabangga niya.

Enslaved By The Possessive MafiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon