🦋EPISODE FOUR🦋

1.1K 30 1
                                    

.........Isang haplos sa aking hita ang gumising sa akin. Naalimpungatan ako dahil dun kaya naman iminulat ko kaagad ang aking mga mata at namataan ang isang lalaki. Agad akong napabalikwas at paaupong napaaatras pasandal sa headboard ng kamang kinarorooonan ko trembling in fear.

"A-anung ginagawa mo sa akin? Si-sino ka?" nauutal kong singhal sa lalaking namataan ko sa aking paanan. Hindi ito pamilyar sa akin. He's not one of the three whom I am familiar with.

"Ssshhh!" Sabi niya lamang sa akin at akmang hahawakan na naman sana ako sa binti nung may pumasok na isang lalaki.

"Bro-' bakit ang taga-'" natigilan ang lalaki sa sasabihin sana nung makita nito ang ginagawa ng lalaking ngayun ay nasa paanan ko.

"Bro anung ginagawa mo, lagot ka pag-nalaman to ni bos." Wika nito na tila nambabanta nung may pumasok muling lalaki.

"Malaman ko ang ano?" wika nito.

"Ah-B-Bos... a-anu kas-" hindi na naituloy pa nung lalaki ang saabihin sana nung biglang sumigaw yung lalaki upang tawagin ang kanyang mga tauhan tsaka sinuntok sa tyan ang lalaking humawak sa akin dahilan para bumulagta ito sa sahig hawak hawak ang tiyan. Nagulat ako dahil dun at mas lalong natakot.

"Kunin niyo yang tarantadong yan at bitayin!" Galit na utos nito.

"O-opo Boss." wika naman ng mga nasa limang kalalakihan na pumasok sa kwarto na tila natatakot din at agad dinampot sa sahig yung lalaki na nagmamakaawa.

"B-Boss Magnus, ma-maawa po kayo sa akin mali po ang iniisip niyo." Wika pa nito ngunit galit parin si Magnus.

"Hindi sinasadya?! Lalamangan mo pa akong hayop ka, katulad ka lang ng Boss niyong aroganteng yun!" Wika nito sa lalaki na tila may tinutukoy sa sinasabi niya.

Ilang segundo lamang ang nakalipas nung bumalik siyang muli sa silid na kinaroroonan ko at inilocked yung pinto dahilan para maalarma ako at isiniksik ang sarili ko sa headboard ng kama tsaka ko niyakap ng mahigpit ang tuhod ko.

"Bakit hindi ka pa kumakain hah?" wika niya na nakatingin sa pagkaing nasa bedside table. Hindi ako umimik at tiningnan siya ng masama.

"Kumain kana jan!" Wika niya pa na nagsisimula nang lumakas ang tinig. Hindi parin ako sumagot at masama parin ang tingin ko sa kanya.

Maya-maya pa ay umupo siya sa kama sa paanan ko at bumait ang rehistro ng kanyang mukha.

"Alam mo kasi Astrid, hindi naman sana tayo aabot ng ganito kung ako lang sana ang pinili mo at hindi ang hayop na Garth na yun." Malumanay niyang wika ngunit hindi parin ako umimik.

"Mahal na mahal kita Astrid. Ako ang naunang nakakilala sayo, kaya dapat sa akin ka hindi sa mang-aagaw na yun, inagaw ka lang niya sa akin. Binabawi lang kita." Wika niyang muli touching my face. Iniwas ko ang ulo ko dahil dun and then I glared at him kaya huminga siya ng malalim at ngumisi.

"Alam mo, walang mangyayaring maganada sayo kung mag-mamatigas ka pa. Wala kang kawala dito, bantay sarado ka kaya kong ako sayo kakain na ako dahil mamaya mapapalaban kang muli." Bulong niya sa aking tenga at hinalikan ito. Nagpumiglas lamang ako ngunit hindi parin ako nag-salita.

"Kumain ka na mahal ko..." Sambit niyang muli sa malambing na tinig pagkatapos halikan ang aking tenga ngunit maya maya pa ay nag-iba na ang timpla niya.

"Kumain ka na! Ayaw mong kumain hah? Sige!" Bigla niyang bulyaw sa akin bago ako hinawakan sa aking magkabilang panga at diniinan iyun dahilan para masaktan ako ng subra. Nag-iba ang rehistro ng kanyang mukha. Napaluha na lamang ako sa ginawa niyang iyun ngunit hindi parin ako nag-salita.

"Ayaw mong kumain? Ayaw mong kumain hah?! Kumain ka na!" Gigil niyang sigaw sa akin tsaka dinampot ang plato ng pagkain sa bedside table at isinubsob ang mukha doon with his hand tightly holding my hair.

"Ta--tama na! N-nasasaktan ako... ayukong kumain, mas mabuti pang mamatay nalang ako!" Hindi ko na napigilang naibulalas pagbitaw niya sa aking buhok at tumayo patalikod sa akin ngunit humarap din siya sa akin pagkatapos kong magsalita.

"Mamatay?! Sinong nag-sabi sa iyong pwede kang mamatay hah? Akin ka at ako ang magdedesisyon nun!" Singhal niya sa akin with his glaring eyes.

"Baliw ka nga talaga!" singhal ko naman pabalik sa kanya with my face all messy full of rice grains and dishes."

"Tama-- baliw ako, baliw na baliw sayo mahal ko." Madiin ngunit malambing niyang wika at hahawakan pa sana akong muli sa aking mukha ngunit pumalag ako agad.

"Baliw! Ngayun nagtataka ka pa kong bakit ko pinili ang asawa ko over you? Eh kasi baliw ka, baliw na nga masama pang tao. Yung asawa ko? He's all perfect and I love hi-'" hindi ko na naituloy ang pagsigaw ko nung dumapo sa aking pisngi ang napakalakas niyang sampal dahilan para tumilapon ako pabagsak sa kama na hilong hilo. Hindi ako halos makakilos dahil sa lakas nun.

Nakatitig lamang siya nun sa akin na nanginginig parin sa galit ngunit wala pang limang segundo ay nag-iba siyang muli ng timpla. Lumapit siya sa akin na tila naaawa sa akin.

"Sinabi ko naman kasi sayo Mahal ko... sumunod ka nalang dahil ayaw kong nasasaktan ka." Malumanay niyang wika at akmang hahawan sana ang pumutok at nagdurugo kong labi nung may tumunog na mga susi sa labas at mamaya pa ay iniluwa ng pinto ang isang lalaki.

"Demmm Magnus! What the hell are you doing with my woman?!" Sigaw iyun ni Stanley na nakita agad ang itsura ko.

"Anu?! Your woman? She's mine!" Bulyaw naman ni Magnus paharap kay Stanley na na nag-iba na naman ang rehistro ng mukha.

"What did you say?!" Stanley exclaimed before he smirked and laughed evilishly*.

"Hey' Magnus, must I remind you, kapropromote mo pa lamang bilang isa sa aming mga Head of MGC (Mafia Guild Commanders), huwag kang maangas. Know your place, bata!" Stanley said arrogantly to Magnus' face sa nang-uuyam na tinig na binangga pa ang katawan ni Magnus gamit ang kanyang sariling katawan dahilan para mapaatras ito.

"Now leave!" Madiing utos pa ni Stanley na itinuro pa ang pinto.

Kuyom ang kamao at nanginginig sa galit ay padabog na umalis si Magnus sa silid na iyun na tila walang magawa. Ito naman ang pagkawala ng aking malay.

...Stanley's POV....

"Hey Astrid, it's been long time since I last see you in person simula nung araw ng kasal mo, sa magazine nalang kita nakikita." I mumbled holding Astrid's face while she's unconscious.

"Hindi ako makapaniwala na sa wakas nasa kamay na rin kita. Ang tagal kitang sinubaybayan. Simula pa noong high school ay naging stalker mo na ako ngunit kahit tapon manlang na tingin hindi mo manlang ako pinagbigyan. Pero okay lang sana yun eh kasu may atraso ang pamilya mo sa amin. " I said still touching Astrid's face when something came into my mind.

"THANKS FOR READING. PLEASE BE REMINDED OF YOUR REACTIONS AND COMMENTS. I WANNA KNOW YOUR THOUGHTS ABOUT THE STORY DIN..GRACIAS!🧡

Enslaved By The Possessive MafiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon