Karinderia
9:15am
Nagmamadali na kong maglakad dahil 9:00 ang pasok ko tiyak na tambak na ang gawain ko ..Magandaaaaang araw nanay lumeng !!
Bati ko sa kanya ..
Haaaay nako ashley late ka nanaman andami mo ng gagawin ...
Panenermon nito sa akin
Sorry po nanay lumeng ..bibilisan ko na po ang kilos.
Sagot ko habang inaayos ang mga hugasan
Nakuu bata ka kung hindi lang ako na aawa sayo at kung hindi ko alam ang kalagayan mo ...
MATAGAL NA KITANG TINANGGAL
Pag sabay ko sakanya..
Kaya nga po nagpapasalamat po ako sa kabutihan nyo dahil kayo na ang tumayo kung magulang ..
Sabi ko sakanya
O.. sya bilisan mo na maya maya lang ay marami ng tao sa labas ..
Ngiti na lang ang tugon ko sa kanyaSimula ng iwan kami ni nanay ay si nanay lumeng na ang tumayo naming magulang ..buti nalang mabait at malalahanin ito ..wala din kasi itong makatulong sa kanyang carinderia dahil nasa probinsya ang kanyang pamilya tanging ang apo nya lng na si gerald ang kanyang kasama .. kasing edad lang ni patrick si gerald kaya't pagumuuwi si patrick ay may nakakasama sya .
Aaaash tapos kana ??
Tanong ni nanay lumeng habang nagluluto
Opo naaay!!
Sagot ko naman
Ilabas mo na tong ibang lutong ulam ..
Paguutos nya .
Sge po!!
Tugon ko .11:30am
Habang nilalabas ko at inaayos ang mga ulam ay may grupo ng contruction workers ang dumating, suki na sila ni nanay lumeng kaya't kilala ko din sila.
Agad na umorder ng kanin at ulam ang mga ito ..Sakin aash isang kanin at paksiw na bangus, samahan mo na din ng pagmamahal mo ..
Nakangiting pangaasar nito..Ayieeeeeeeeeeeee!!!!!!
Pangaasar ng mga kasama nyaHoooy ikaw tupe tigilan mo nga ako hah wala akong panahon sa pagibig ..
Sabi ko dito....Araaaay !! Ansakit !! Nadurog ang puso ko
Binasted mo kagad ako !!
Sagot nito .
Habang nagtatawanan ang mga kasama nya!!
Tsee.. hindi bagay sayo!!
Sagot ko namanHooooooy ..niloloko nyo nanaman yang si ashley ..
Sagot ni nanay lumeng
Ikaw tupe ako na ang nagsasabi sayo walang oras yan sa pagibig.. malaki ang obligasyon nyan sa pamilya nya ,at mas gugustuhin nya pang magtrabaho kesa umibig..
Panenermon ni nanay lumengHaaaays...bat kasi ayaw mo pa kong sagutin para naman may katuwang ka sa buhay??
Pagtatanong nitoOo nga naman ashley ..bakit ayaw mo pang mag asawa para may katuwang ka sa buhay ? Gusto mo bang tumndang dalaga ??
Pagtatanong ni nanay lumeng sa akin .Marami pa po kasi akong prayoridad sa buhay nay .. hindi muna po ako iibig hangat hindi pa maayos ang buhay namin ng kapatid ko...
Sagot ko sakanila .Ohh ayuun naman pala tupe .. intayin mo nalang ito .....
Nanaaaaaay yung bulalo po kumukulo na
Pag puputol ko sa sinasabi nya..
Ayyy... oo nga pala di pa pala ako tapos .
At agad na pumunta sa kusinaKristopher ang totoong pangalan ni tupe ,
Tupe lang ang kanyang palayaw na nakasanayan ko na ding itawag sa kanya .
Hindi ko maikakailang gwapo talaga si tupe di katangkadan , kayumangi ang balat dahil na din siguro sa nakababad sya sa araw , matangos ang ilong at higit sa lahat mabait..
Kaya marami ang nagkakagusto sa kanya..Ateeeeeee !!
Sigaw ni patrick
Oh anjan ka na pala ..hali ka dito at pupunasan ko ang likod mo ..mag palit kana at mag pahinga ng makakain kana ..Pumasok ito sa kusina at nag mano kay nanay lumeng ..
——————-
7:30 na at nagaayos na kami para mag sara ng karinderia
O ashley iuwi nyo natong mga natirang ulam kesa naman masayang ..
Habang inaabot ang nakaplastic na mga ulam
Salamat po nay ..
Sagot ko ..
O pera mo .. wag mo nang bibigyan ang tatay mo at pinang iinom lng ipunin mo para sa inyong magkapatid..
Pagpapaalala ni nanay lumeng .
Haay nay kung ganun lang kadaling tanggihan si itay .. ganun pa man nay may ipon pa din po ako para pag may kaylangan lalo na sa pagaaral ni patrick..
Sagot ko habang itinatatago ang 250 binigay nya.
Napakaswerte ng tatay mo dahil isa kang mabait na bata..
Sabi nito habang nakangiti..
Salamat po naaay..
Ngiting sagot ko.————————-
Pagkauwi sa bahay ay inihain ko na ang dala naming natirang pagkain ..buti na nga lang at hindi kami gumagastos ng pagkain dahil pinapakain na kami nanay lumeng kaya't nakakaipon din ako ng pera .. si tatay naman ay minsan nakakasideline sa pagpipintura pero walang napupuntahan ang kanyang pera kundi alak at kung minsan ay sa sabong..Taaaaay .. paaaaatrick !! Kain na nakahanda na ang pagkain ..
Pagtawag ko sa kanila .
Agad naman silang pumunta para kumain .Pagtapos kumain nagligpit na ako at naghugas nang pinagkainan ,dahil sa kagustuhan ko na ding magpahinga .
agad akong pumunta sa kwarto at nakita ko dun si patrick na natutulog na..
isang mahaba at nakakapagod na araw nanaman ang natapos ..
Nagdasal na ako para matulog at paglingon ko , mukha ni patrick ang nakita ko ..Lahat ng pagod at hirap ni ate ay ayos lng basta wag ka lang mahihirapan ..
Sabay halik sa noo at yakap ko sa kanya ..
Kasabay noon ay ang mabilis kong pagtulog..Enjoy reading 😊😊
BINABASA MO ANG
My Short story
Romance16 taon palang si ashley ng iwan sila ng kanyang nanay ,at ang kanyang kapatid ay 1 taon palang, Simula noon ang kanyang ama ay sobrang na depressed kaya't walang ginawa kundi uminom ng uminom .. Kesa umasa ,umiyak ,manisi at magtanim ng sama ng lo...