Chapter 18

983 22 0
                                    

6:30 naka ayos na kami ni marcus dahil ihahatid nya daw ako sinabi ko na ding hindi muna ko papasok at mabibigay muna ako ng oras sa kapatid ko at pumayag naman sya ,
Sumakay na kami ng sasakyan nya at ipagmamaneho nya ako ngayon .
Bakit ang tahimik mo .?
Tanong ko sa kanya .
Mamimiss kita e
At ngumuso pa sya hang sinasabi yun
Para kang bata .
At ngumiti sya .
Sandali lang naging byahe namin at pagkadating ko sa kanto ay nagpapababa na ako kay marcus
Dito nalang ako ..
No .. sa bahay na baka kung mapano kapa Tsaka baka may makita kapang iba ipagpalit mo pa ko ..
Hinawakan ko ang kamay nya.
Bat ko naman ipagpapalit ang pinaka poging kong boyfriend
Ngumiti namanito at hinalikan ang kamay ko

Humito ito sa harap ng pinto namin at hinalikan ako bago ako tuluyang bumaba at pumasok na sa loob ng bahay namin
Inilapag ko ang mga gamit na ipinamili namin ni marcus at tsaka na ko naligo para pumunta sa karinderia at tumulong muna doon dahil hindi naman ako papasok ngayon.

Naligo muna ako at nag ayos na nag short ako na maong at simpleng puting naglagay lang akong ng konting lipstick para di ako maputlang tignan at kinuha ko na ang small sling bag ko at ang mga pasalubong ko sa kanila tsaka na  umalis .

Jeeeeny ....!
Masayang tawag ko sa kanya at lumapit naman agad to at yumakap sa akin
Ateeee...!!!
Sigaw naman ni patrick kaya niyakap ko ito
Namiss kitaaaa..!!
Ikaw den ate ..
Jeny o may mga pasalubong ako sa inyo at ito nalang sayo ..
Sabi ko sa kanila habang iniaabot ang pasalubong ko .
Aba aba ..sandali nga no.. may iba sayo ah.!
Sabi nito habang tinitignan ako ng maigi at pumipitik pitik pa ang kamay nya .
Ano ba yun ?
Takang tanong ko sa kanya
Bakit parang may iba talaga e .
Ano nga .
Blooming ka ngayon .! San ka ba galing .?
Ahm.. eh haha biglaan meeting ng boss ko e syempre personal assistant nya kaya kaylangan kasama ko .
Mabang paliwanag ko sa kanya .
Ahh e san ka naman natulog .?
Tanong nito sa akin at sobrang di ko alam ang sasagot ko dahil kapag sinabi kong kina marcus ako natulog ay lalong magtatanong ito.

Ohh ashley andiyan ka na pala
Sabi ni nanay lumeng at nakapagpaluwag ng aking hininga
Hehehe opo nay .
At lumapit ako dito at nagbless
Nay ako na po magpapasok ng kaldero
Osige isunod muna saakin
Sagot ni nanay at nakaligtas na nga ako ng tuluyan .

Habang nag hihiwa ako ng sibuyas at bawang ay tumunog ang phone ko .Tinignan ko naman si marcus ang nag txt

M-where are you?
A-karinderia bakit?

Ilang minuto ako nag antay ng reply pero di na sya nagtxt kaya nag patuloy na kong maghiwa
Nakaluto na si nanay ng ibang putahe kaya kami naman ni jeny ay nag labas na ng ulam .
Pumunta ako sa loob at hinugasan na ang ibang pinalutuan para makabawas
Ate tulungan na kita .
Sabi ni julia at sya na nga ang nagbanlaw pagkatapos namin maghugas ay lumabas na din ako at pumunta sa counter dahil may iilang tao na si jeny at si julia ay nagumpisa na din mag serve ng mga order .

11:30 na at nagsimula nakita ko ng parating ang mga construction worker at kanya kanya na silang upo pinag dikit dikit nalang nila ang 4 na lamesa "uyy dito nalang sila boss" sabi ng isa hindi ko naman pinansin dahil may nagbabayad .
Nagsiorder na nga sila si jeny at si julia ang nag sesrve .
Isa ngang adobong manok na kasing sarap mo . Sabi nito ng pabulong.Pamilyar ang boses kaya napaangat ang ulo ko . Hindi ako mapakali ng makita ko sya dito pero pinilit kong maging pormal na tila hindi kami magkakilala.

Sinabi ko kay jeny ang order nya .
Baaaaby....? Long time no see ah .!
Tumingin ako kay marcus at nakita kong nakisamangot ito sa narinig nya .
Bakit ngayon ka lang napadpad dito .?
Pagtatanong ni tupe .
Ahmm ... busy kasi ako e
Namiss kita ..
Sabi nito at nagsimula nanaman mang asar ang mga katrabaho nya
Ahaaaam...!
Rinig kong sabi ni marcus ..
Hindi ko alam ang isasagot ko dahil pag nagkamali ako ay alam ko magrereact nanaman si marcus at baka mahalata na kami.
Extra rice pa nga ..
Sabi nung isa kaya naman ako na ang kumuha at mag dadala sana kaya lang natalisod ako at nasapo ako ni tupe .
Nakita kong napatayo si marcus at masama ang tingin sa kamay ni tupe na nasa aking balakang.
Agad naman akong humiwalay dito .
Okay ka lang?
Oo .. haha sory
Sabi  ko ng nakangiti.
AHAAAAYUSIN Mo!!!!! Ahum ahum..
Rinig kong sabi nito at nag ubo ubuhan .
Okay kalang boss ?
Yah .. nasamid lang ako .
Binigay ko na ang kanin sa lalaki na kasama nila ng marinig ko ang boses ni nanay lumeng
Oh..ashley andito pala ang boss mo e..!
Lumaki ang mata ko ng sabihin ni nanay lumeng yun.
Po?? Nay?
Oh diba si marcus ang bago mong boss
Sabat nito na ikinagulat ng lahat lalo na ni tupe .
Ah .. hahaha
Boss mo din sya baby??
Ahahaha .. aammm..!
Yes she is my personal assistant.!
Pagsagot ni marcus dahil hindi ako makasagot.
Talaga ash bat di ko alam.?
Tanong naman ni jeny.
Tinignan ko si marcus at nakangiti lang ito saakin .
Explain ko nalang sayo mamaya ah ..
Sabi ko kay jeny
Ikaw talaga baby .. bat di mo agad sinabi na boss mo din pala ang boss namin .
Sabi nito na saakin  at ako naman ay di na makapagsalita sa mga nangyayari ngayon .
Oh boss ah kukuhanin kitang made of honor sa kasal namin ng baby ko at ninong ka na din ng magiging anak namin
Sabi nito at umakbay pa saakin nakita ko naman nanliit ang mga mata ni marcus at tumayo .
gina ikaw nang bahala dito excuse me.!!
Sabi nya at agad na umalis .
Maaaaarcuuuuuss.!!
Sigaw ko pero hindi ako nito nilingon ..
Pagtingin ko naman sa kanila ay nakatingin at mukhang nagtataka sa pagtawag ko dito kaya tinawag ko ulit .

Boooooooooossss..?????

Nagantay muna ko ng ilang minuto bago tumingin sa kanila at nakita ko na nawala na sa mukha nila ang pagtataka maliban na lang kay nanay at jeny .

Umalis na ang lahat ng kumakain kaya nagliligpit muna kami ni jeny.

Anong meron sa inyo nung marcus ??
Wala .!
Yung totoo .?
Wala nga .. boss ko sya ..
Sinungaling iba ang sinasabi ng puso mata mo .?
Wala nga ..
Sagot ko at pilit na umiiwas sa pangungulit ni jeny..
Ganyan ka ha ...nagsesecret ka na .
Okay aamin na ko ..kami na ..
Aaaaaaaahhhhh
Sigaw ni jeny at agad ko naman tinakpanang bunganga nito
Wag kang maingay secret lang muna okay..
Bakit ayaw mong malaman nila .
Wala ang bilis kasi ..
Baka naman ayaw ipaalam ni marcus ?
Hindi ano kaba .. ako ang may choice nun ..
Plssss wag mong ipagsasabi ah .
Okay okay ...
Promise ??
Promise.!!
Sagot nito habang nakataas ang kamay.

Nagsarado na kami nila nanay ng karinderia at nasa bahay na kami ngayon nangaalala ako dahil hanggang ngayon ay di pa rin sinasagot ni marcus ang mg tawag at txt ko .







                  Enjoy reading 😊😊

My Short storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon