Haaaaay... today is sunday .!! Pahinga day today!!
Masayang sabi ko habang nagiinat .
Ahhh...ang bango !!ano kaya yun?
Agad akong lumabas para hanapin ang mabangong naaamoy ko .Ate gising kana pala .. !?
masayang bungad ng kapatid ko.
Ano yang niluluto mo?
Pagtatanong ko .
At bakit ang aga mong gumising..
Ano pa edi ang paborito mong
tinapang galunggong, pritong talong at nilagang okra na tinernuhan ng bagoong at singag ..!
Sagot nito .
Wow naman .. tulungan na kita..
Pagaalok ko sa kanya.
Oooooooops ...! Sit ,stay and chill
Ang gusto ko ate magpahinga ka ngayon okay ako na munang bahala sa lahat.!
Ngiting sabi nya sakin ..
Ahhh ang sweet naman ng baby boy ko..
Paglalambing ko sa kanya .
Ateeee...naman anlaki ko na eh nakakahiya sa makakarinig ..
sabi nito na tila hiyanghiya.
Ayieeeee ang baby ko binata na ..
Palalambing ko habang kinikiliti ko sya ..Anong pagkain jan ??
Boses ng lalaki ang bumasag sa pagkukulitan namin ng kapatid ko..
Uhh.. tay !!
Sabi ko at nagkatinginan kami ng kapatid ko.
Timpla mo nga ako ng kape ..!!
Pag uutos nito .
Ginawa ko agad sya ng kape at binigay ito sa kanya,habang ang kapatid ko naman ay naghahain na dahil natapos na nya ang kanyang niluluto...Tahimik kaming kumakain ngayon hindi ko alam bakit kapag kasama namin ang tatay namin parang ang bigatbigat sa pakiramdam .
Siguro dahil sobrang laki ng pinabago nya simula ng iwan kami ni nanay .
Lagi syang lasing at kung minsan ang nananakit,kung hindi naman sya iinom lagi nalang mainit ang kanyang ulo.Pagkatapos kumain ay nagkulong kaming magkapatid sa kwarto at ng marinig naming umalis si itay ay dahan dahan kaming sumilip sa pinto.
Wala na sya .
Sabi ni patrick
Yeeeeeesssss!!!
Sabay naming sabi at nagharytan na nga kami ng nagharutan .
Haaaays.. time freeze, hinihingal na ko hahaha
Hingal na hingal kong sabi habang nakataas ang kamay.
Lumabas ako at kumuha muna ng tubig para uminom.Sana lagi nalang kaming ganto , lagi nalang kaming masaya ..
—————————
3:40pmNaglalakad kami ni patrick paluntang simbahan ..
Patrick bilisan mo naman maglakad ..!!
Pagmamadali ko sa kanya at baka mahuli kami sa misa .Pagdating naming ay kakaumpisa palang ng misa at puno na agad ang simbahan kaya't nakatayo na lang kami sa gilid.
At mataimtim akong nag dadasal at nagpapasalamat sa panginoon .Pagkatapos ng misa ay pumunta kami ng kaptid ko sa paborito naming kainan ang stall ng tuhog tuhog na nasa gilid ng parking ng simbahan.. paborito naming ng kapatid ko ito kaya pagnagsisimba kami ay ito ang hindi namin pinalalampas..
Tapos na kami kumain kaya naglalakad na kami ngayon sa parking palabas ng simbahan
At paglingon ko sa bintana ng itim na sasakyan ay may natuyong sauce pala sa gilid ng labi ko at ang gulo na nag aking buhok.Patrick wait lng ang dungis ko pala ..
At agad kong pinunasan ang fumi sa aking pisngi at nag suklay ng buhok nag pulbos din ako .. at kinuha ang red lipstick ko para hindi ako magmukhang maputla , dahan dahan ko itong pinapahid sa aking labi ng biglang.Beeeeeeeeeeeeep beeeeeeeeeeeeeep!!!
Sa gulat ko ay lumagpas ang lipstick sa aking pisngi .
Hoooooy... bastus ka ahh.
Sabay hampas ng sasakyan !!
Bumaba ka diyang bastus ka ..!
Gigil na gigil kong sabi.Pero wala paring bumababa .
Hooooy !! Ano ?? Duwag ka pala e !!
kinakatok ko ang pinto , at bigla nalang bumukas ang pinto at muntik na akong tamaan
Aba talaga naman ..hinahamon mo talaga ako ah ..!
Si patrick naman ay sobra na ang pagawat pero hindi ko ito pinapansin sa sobrang inis ko ..!Isang lalaki ang bumaba ng sasakyan..
Matangkad, naka brush up ang buhok , mapungay ang mata ,makapal na kilay at may napakatangos na ilong .hindi ito kayumangi ang kulay ng balat habang nakasuot ng puting simpleng tshirt at hapit na hapit sa kanyang katawan kaya't bumabakat ang muscle nito. umaalingasaw din ang bango ng kanyang pabango at hindi ito pangordinaryo.Heey miss..! May pupuntahan pa kasi ako at nag mamadali ako ,ok lng ba na sa restroom mo na tapusin yang pagpapaganda mo?
Sabi nito,pero naiwan ako nakatulala sa kanyang malaanghel na mukha at nakanganga.Click...click...click
Tatlong pitik ng daliri ang gumising sa nakatulog kong kaluluwa..
Ateee..
Habang inuuga ako ng aking kapatid..
Uhmmm.. aaam..
Habang binabasa ang aking natuyong laway..
Hmm..hmm..
ngisi ng binata habang nakataas ang makapal na kilay ..
Inabutan nya ako ng panyo na ipinagtaka ko.
Uhmm ? Para san to?
Nagtatakang tanong ko sakanya .
Just try to look at your face .!
Sabi nya habang pinipigilan ang kanyang tawa .
Agad ko naman tinignan ang aking mukha sa bintana ng kanyang sasakyan ..
At pag kakita ko ay naramdaman ko na lahat ng dugo ko ay umakyat sa aking mukha sa sobrang pula nito dahil sa kakahiyan.Ahhhmmm excuse me i have to go.!
Natatawang sabi nya ..At agad umalis
Nakita kong tumatawa si patrick kaya agad akong pumunta sa banyo para ayusin ang lipstick na lumagpas sa aking mukha .————————
Nakarating na kami sa bahay kakatapos lng din namin maghapunan pero di parin mawala sa isip ko ang gwapong lalaki kanina ..Pumasok ako sa kwarto at sumigaw.
Aaaaaaaahhhhhhhh..
Sabay buntong hininga at kinuskos ko ng dalawa kong kamay ang aking mukha ..
Kapag naaalala ko na mukha akong tanaga sa harap ng gwapong lalaking yun kanina ay di ko mapigilang maiinis ..
Bakit ate ? Naalala mo nanaman na mukha kang tanga kanina noh? Hahahahaha
Natatawang tanong nya .
Haaaaaysssss.sana di ko na sya makita ulit!!
Sabi ko .
Nakatulala ka dun sa lalaki kanina at muntik pang tumulonang laway mo hahahaha
Pang aasar nya .
Tseeeeee manahik ka nga. Matulog na tayo.!
At binato ko sya ng unan
Pinatay ko ang ilaw at humiga..Magkikita pa kaya kami nung lalaking yun.. hindi ko maikakaila sa sarili ko na sobrang gwapo nya . Ano kayang pangalan nun?,
Bakit iba ang naramdaan ko nang makita ko sya .?
Mga tanong na gumugulo sa isip ko bago ako tuluyang nakatulog .Enjoy reading😊😊
BINABASA MO ANG
My Short story
Romance16 taon palang si ashley ng iwan sila ng kanyang nanay ,at ang kanyang kapatid ay 1 taon palang, Simula noon ang kanyang ama ay sobrang na depressed kaya't walang ginawa kundi uminom ng uminom .. Kesa umasa ,umiyak ,manisi at magtanim ng sama ng lo...