Chapter 5
Weird
Matapos ng training ay nag pasya na akong umuwi. Si Carter ng driver ko dahil nga walang sasakyan sa bahay.
"Salamat babes, sa susunod ulit HAHA" masayang wika ko kay Carter.
Nasa harap na kasi kami ng bahay, pababa na sana ako ngunit naisipan ko munang mag pasalamat sa kanya. One call away naman ito pag sinabihan.
"Wait" sambit nito ng pagbukas ko ng pinto.
Napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa akin, kaya madali nya itong inalis at biglang nag iwas ng tingin.
"Hmm?" mahinang wika ko, sapat naman para marinig nya
"Ah wala wala, sige bumaba kana HAHAHA" wirdong wika nito habang nagkakamot ng ulo.
"Tigilan mo pag-aadik mo ah, ingat. Text mo na lang ako pag nasa bahay kana. " wika ko dito habang pababa ng kotse.
"Ewan ko sayo, sige na una na ako" sambit nito habang nakadungaw sa bintana. Nasa gate na kasi ako, inaantay na umalis ang sasakyan nya.
Bumusina muna ito bago pinaandar ang kanyang sasakyan. Kumaway lang ako hanggang sya'y makaalis.
Pagpasok ko sa bahay ay naamoy ko agad ang lutong ulam, paniguradong nagluluto na si Manang. Malapit na din kasing mag dinner.
"Whoohhh, sa wakasss! I'mmm hoommeee" malakas na wika ko habang sumalpak sa may sofa sa sala.
Nakakapagod ang araw nito, ang daming nangyari. Naramdaman kong sumakit ang paa ko, dala siguro ito ng pagte-training kanina.
"O iha, nandyan kana pala. Sakto at luto ng itong menudo" wika ni manang habang inihahapag ang ulam sa lamesa.
"Maya-maya manang, maliligo muna po ako. Kumain na po kayo" nakangiting wika ko habang nag hahandang umakyat papunta sa kwarto.
Kinakailangan ko munang maligo, nanlalagkit ako sa sarili ko. Amoy pawis na din ang damit ko kaya kailangan na talagang palitan.
Pagpasok ko sa kwarto ay inihagis ko ang bag ko sa may sofa sabay tapon ng sarili ko sa kama, tinatamad nanaman ako huhuhu. Ang nais ko na lang ay matulog.
Mabilis akong umupo dahil biglang nag pop ang cellphone ko, hudyat na may nag message.
From: Carter
Hey Z, I'm home, safe and handsome.
Basa ko sa mensahe nito. Ang hangin talaga nung kaibigan ko na yon, pero ang saya nya kasama.
Pero napapansin ko na nagiging wirdo ito ng nakaraan.
"Ay ewan, baka paranoid lang ako" wika ko sa sarili ko habang nasa harapan ng salamin.
"Tss" wika ko sabay kuha ng tuwalya at dumiretso sa banyo. Gusto ko ng malinis para makakain at makatulog na ako. Pagod na talaga ako.
Matapos kong makaligo ay nagbihis na ako. Habang nagpapatuyo ng buhok ay dumako ang tingin ko sa bag ko. Naisipan kong bumili ng bago bukas, ang dugyot na tignan.
Nagulat ako ng marinig kong nag pop ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Madali ko itong kinuha, tinignan ko kung sino ang nag message, si Karsyn pala.
From: Karsyn
Babes, pasend ng notes mo for today. Pasok na ako tom. Aralin ko para makasabay ako bukas. Thanks :*
Akala ko naman kung ano na kailangan nitong babaitang ito. Notes lang pala.
Pagbukas ko ng bag ko para kunin ang notes ko ay napansin ko ang bote ng juice na may sticky notes sa loob.

BINABASA MO ANG
Our Last Chapter
Action#1 TEEN SERIES Xiahmara Winowa Gutierrez, the only child of Acosta. A normal teenage girl from Pampanga. She used to be with her friends and active in social life. She's good in taekwondo and acads. Kindness is one of her amazing personality. But...