Chapter 7
Grape
"Miss Morgan, why are you shouting? Do you have problem?" Mataray na tanong ng Professor namin.
"Uhm-m sorry Miss, may l-langgam lang pong kumagat sa a-akin. Sorry po" paghingi ng pasensya ni Karsyn sa mataray naming professor.
Tinapik ko naman ang kamay nya ng makaupo sya. Para syang tangang biglang sumigaw. Tapos di pa kapani paniwala dahilan nya. Baliw na ata ito.
"Hoy, anong nangyari sayo ah? Ba't ka nasigaw?" mahinang bulong ko, ngunit sapat na para maintindihan nya.
"Mamaya na lang, baka ma double kill ako shh kana" pabalik na bulong nito sa akin.
Nagpatuloy ang klase na parang lutang ang aking katabi. Hindi na lamang namin pinapansin ni Cartero at taimtim kaming nakikinig.
Si Karsyn ay parang tanga na naka upo at parang malalim ang iniisip. Hindi sya dumadaldal tulad ng nakasanayan. Para syang piping nakatangang nakatingin sa Professor.
"By, nangyari dyan kay Karkar?" tanong sa akin ni Carter nang matapos ang klase.
Maagang nag dismiss dahil may meeting ata sa Faculty. So meaning wala na kaming pasok, pero pinapa attend kami ng Coach sa training, may nagsabi na naman siguro na walang pasok. Tch.
Ngunit sa kabilang banda hanggang ngayon ay hindi nagsasalita si Karsyn. Nakayuko lamang sya sa desk at bumubulong bulong ng sobrang hina. Adik ata eh.
"Anong by, sira ba ulo mo? Ba't ako tinatanong mo, di naman ako nag aadik tulad nyan" wika ko sabay turo kay Karsyn na ginulo ang buhok matapos tumayo.
"Hoy abnormal, para kang tanga. Tigilan mo yan kundi sasabunutan kita ng bongga" wika ko sabay kuha ng bag ko.
"Uuwi na ako, may training ngayon. Nag text si Coach. Baka may nagsumbong na naman." wika ko sabay lakad sana paalis.
"Zaa, wait pasama naman ako. Wala akong gagawin sa bahay" habol sa akin ni Carter.
"Beeeeee, makiki join ako sa training, makikiusap ako kay Coachhh pasaamamaaa akooo" malakas na sigaw din ni Karsyn habang hinahabol ako.
Mga may sapak din sa ulo mga ito eh. Manlalait lang naman sila nyan pag nandun na.
"Uuwi muna ako sa bahay, papalit ako tas diretso na tayo sa training room" wika ko habang naglalakad sa corridor.
"May baon naman akong damit sa kotse, sabay sabay na tayo kina Za, hingi din tayo miryenda kina tita" wika ni Cartero habang pangisi ngisi pa.
"Gaga, ikaw ah. Pag nandun kana manahimik ka. Yang bibig mo nakuuu, sungalngalin kita ng kutsara pag may binulgar ka" gigil na wika ko kay Carter habang nilalakihan sya ng mata.
Tawa lamang ang isinukli nito sa akin. Pag nasa bahay kasi si Carter kung ano ano sinasabi sa magulang ko. Pinagdarasal ko nga na sana wala sa bahay si Mama.
Sumakay na lamang kami sa kotse ni Carter. Habang nasa biyahe ay pinagmamasdan ko si Karsyn na nakasandal habang nakapikit ang mata habang bumubuntong hininga paminsan minsan.
Gusto ko siyang tanungin pero para namang ayaw nyang pag usapan kaya hindi na lang ako nagsalita at kinuha ko na lamang ang cellphone ko upang malibang.
"Hala, nakulam ba kayo? Ba't di kayo nagsasalita?" basag ni Cartero sa katahimikan. Nakapansin na din siguro nitong kumag na 'to.
"Dami mong keme, mag focus ka nalang dyan" wika ko dito at nagpatuloy sa pag scroll sa IG.

BINABASA MO ANG
Our Last Chapter
Action#1 TEEN SERIES Xiahmara Winowa Gutierrez, the only child of Acosta. A normal teenage girl from Pampanga. She used to be with her friends and active in social life. She's good in taekwondo and acads. Kindness is one of her amazing personality. But...