Chapter 10
Sundo
"Buti dumating kana, kanina pa ako naghihintay dito duh" maarteng wika ni Karsyn habang nakatayo ito sa gilid ng pintuan.
"Sorry ah, 'di kasi traffic ngayon kaya natagalan ako. Pasensya na ah, hindi kasi eroplano sinakyan ko" sarkastikong ani ko sabay ikot ko ng mata
Nilagpasan ko ito at tuloy tuloy pumasok sa loob, sinalpak ko ang sarili ko sa sofa.
Wala ang parents ni Karsyn kaya feel at home ako, nag out of the country. Business matter, susunod din sina Mama, bond na din daw nila. Yun lang alam ko.
"O anong mukha yan" turo nito sa itsura ko habang nakapanaywang pa. Wow
"Mukhang maganda" kindat ko naman dito
"Raulo, bad trip ka beh? Nyare?" usisa nito
"Ikaw mag hintay ng isang oras sa loob ng kotse dahil sa tangnang traffic, tignan ko kung hindi ka ma badtrip"
"Edi wow" naiinis na wika nito sabay tayo
"Akyat kana, sunod ako. Papahanda ako ng miryenda" dagdag pa nito
"Kdot. Bilisan mo sana umakyat marami rami akong chismis"
While walking on the stairs, nag ring bigla ang phone ko. I've seen Cartero on the screen. Sinagot ko na lang, ilang ring na din kasi, nag aalinlangan ako kung off ko ba or sasagutin na lang.
"What now?" bungad ko rito habang papaakyat
"Wow ah, naging mabait na ako kanina ah, masama ka pa din?"
"So what do you want?"
"Want agad? Hindi pwedeng like?"
"Ang dami mong arte punyeta ka" inis na ani ko
"Chill, may papadala ako bukas sayo, text ko na lang kung ano 'yon" tumatawang wika nya sa kabilang linya
Pinatay ko na lang ang tawag at nag message ako sa kanya. Ang daming arte ang putek.
To: Carter
I'm with Karsyn, don't disturb me. Just text what you want. I'll turn off my phone, ang daming nag m-message. Tch"
Sent.
Binulsa ko agad ang cellphone ko matapos itong i turn off.

BINABASA MO ANG
Our Last Chapter
Action#1 TEEN SERIES Xiahmara Winowa Gutierrez, the only child of Acosta. A normal teenage girl from Pampanga. She used to be with her friends and active in social life. She's good in taekwondo and acads. Kindness is one of her amazing personality. But...