Chapter 8
Kita
"Did you see the painting kanina? Bagay ata ilagay yon sa kwarto ko. What do you think Win?" ani Karsyn
"Hello, Earth on Winowa please" wika nito habang winawagayway pa ang kamay nya sa mukha ko. Parang tanga
"Tch, baliw nakikinig ako" irap ko dito
"So ano sa tingin mo, maganda ba yung painting?" ulit pa nito.
"Hanap pa tayo ng iba, 'di ko gaanong bet" sambit ko sabay higop sa milk tea na binili ko.
It's weekend kaya nasa mall kami ngayon. Inaya ako ni Karsyn, nagpapatulong s'yang mamili ng pang design sa kanyang kwarto. Hindi na nya inaya si Carter dahil mukhang busy sa buhay ang isang 'yon.
In the past days hindi na ulit kami nag-usap or nagchat ni Axton. When we see each other, nag iiwasan agad kami ng tingin. Or ako lang umiiwas? Whatever.
On that day, we continue our training, together with Carter and Karsyn. I also told coach about Axton absence, ako lang naman ata sinabihan n'ya about doon.
Napagpasyahan namin ni Karsyn na didiretso na lang kami sa furniture & design. We're talking while sipping our own milktea ng biglang mahagip ng mata ko si Axton, papasok ng fast-food chain. May kasama itong babae. Wow chix nux.
Isinawalang bahala ko na lamang ang akong nakita at pinagpatuloy ang paglakad. Gusto ko ma relax ang utak ko hindi ma stress sa nararamdaman ko. Tch
We arrived on the shop, Karsyn is choosing a furnitures, habang ako nagtititingin lang tinatantsa ang sarili kung bibili ba o hindi. I decide not to, baka masayang lang.
Karsyn bought a little wooden cabinet, para syang lalagyan ng cosmetics. She also carrying a cute little figurines. Binili nya din ang napili kong painting. It's a simple painting with a lot of meaning.
"Thank you for today mahalll, I owe you a lot" maligayang wika ni Karsyn habang nakanguso. Nasa parking na kami, sa gilid ng kotse nya.
"Sure ka na 'di ka sasabay sa kin? Sayang pamasahe bhie" pangungulit nito sa akin.
"I told you, may pupuntahan pa ako. You can go first, I'll text you when I got home. Don't worry" paninugurado ko pa dito.
"Text mo 'ko ah. I'll go now" sambit nito habang papasok sa kotse.
Bumusina muna ito bago tuluyang umalis.
Pinagmasdan ko lamang ito hanggang sa hindi ko na ito matanaw.
Actually, nagpaiwan ako dahil may bibilhin pa akong regalo. Malapit na din kasi ang kaarawan ni Karsyn. So i decided na ngayon na bumili, tutal nandito na din naman ako.
BINABASA MO ANG
Our Last Chapter
Action#1 TEEN SERIES Xiahmara Winowa Gutierrez, the only child of Acosta. A normal teenage girl from Pampanga. She used to be with her friends and active in social life. She's good in taekwondo and acads. Kindness is one of her amazing personality. But...