Prologue

162 17 0
                                    


"Babes, are you sure na you want to go there alone? Ayaw mo samahan na lang kita, I'm free naman. Baka kung ano mangyari sayo dun eh" wika ni Karsyn habang umiinom ng tea.


Nandito kasi kami ngayon sa coffee shop dito sa Pampanga. She texted me na gusto nya daw akong maka bonding dahil kadarating ko lang daw dito sa Pilipinas. So pinagbigyan ko na, tho i miss her a lot.


"Nah, I'm fine going there alone. Don't worry about me, kaya ko namang i handle sarili ko, hindi na tulad non" wika ko habang nagtitpa ng mensahe sa cellphone ko


I'm texting my driver, I need to visit someone.


"Ikaw ah, nagiging nega ka na naman. Kaya kinakabahan ako sayo eh. Baka bigla ka na lang mag collapse don" pabirong wika 



"joke lang" dagdag nya ng makita nyang masama ang tingin ko sa kanya



Matapos ang mahaba habang kwentuhan namin ay napagpasyahan ko ng umalis dahil may sasadyain pa ako. S'ya naman ay tinawag na ng kanyang boyfriend


"Babes, I need to go na, hinaantay na ako ni bebe loves" kinikilig na aniya


"Sure sure. You can go na, hintayin ko na lang dito driver namin. Ingat babes. Text me when you got home, okay" sambit ko habang papalabas kami ng shop.

Hinalikan nya muna ako sa aking pisngi 


"Ingat ka din, ikamusta mo ako sa kaniya ah" nakangiting wika nito habang papalakad papunta sa kanyang sasakyan.


Kinawayan ko na lamang ito noong nakita kong umandar na ng bahagya. Busina ang naging sagot bago pinaharurot paalis.

From: Manong
Manong, pick me here at the Starbucks in SF. Thanks

Send.


Dala ang aking pinamiling bulaklak ay napagpasyahan ko na lamang na maghintay sa harapan ng shop.


Ilang minuto lamang ang lumipas ay dumating na ang driver. Madali akong pumasok sa loob, medyo nangalay din kasi akong nakatayo roon.


"Manong, ibaba nyo po ako sa St. *****" wika ko sa driver. Nakita kong tumango lamang ito.


Habang nakasakay ay tinatanaw ko ang  daan na tinatahak namin. I miss the province, ngayon na lang ulit ako nakarating dito matapos ang mahabang panahon na pagtira ko sa ibang bansa.


I have a reason kung ba't ako namalagi doon ng matagal tagal na panahon.


Habang natanaw ko ng entrance kung saan talaga ang sadya ko ay unti unting nalulungkot ang puso ko habang kumikirot ito ng paunti-unti.


Hindi ko na lamang pinansin ang sakit na nararamdaman ko dahil  kong pinark ng driver ang sasakyan sa tabi.


"Thank you Manong, I'll text you na lang pag papa-pick up na ako " nakangiting wika ko sa aking driver habang papalabas ako ng kotse dala ang aking pinamili.


"Sige po Ma'am, Ingat" wika ng driver habang nasa loob ng sasakyan.


Sumalubong sa akin ang sariwang hangin ng makalabas ako, hindi na gaanong mainit dahil hapon na. Napaka gandang pagmasdan ng mga punong nagsasayawan at mga ibong nagliliparan.


"It's been 5 years" sambit ko sa isipan ko habang nakatanaw sa malawak na kalangitan.


Habang naglalakad ako ay medyo nakakaramdam na ako ng kalungkutan at pangungulila.


Hinihiling ko na sana masaya na lamang sa lahat ng oras. Pero alam kong hindi na iyon pwede, dahil sa bawat kasiyahan may darating na matinding kalungkutan.


Pinunasan ko ang aking luha dahil masyado na naman akong nagiging emotional. Bumabalik kasi lahat ng ala ala na nakakapang hinayang.


"Hooo, please self. Stop crying" maluha luhang pakiusap ko sa aking sarili habang pinupunasan ito.


Akala ko ay magiging matatag ako pero habang papalapit ako sa lugar kung saan talaga ang pakay ko. Para akong kandila na unti unting nalulusaw. Nanghihina ang aking mga tuhod habang patuloy na nagtutubig ang aking mga mata.


While walking on the grass, may nararamdaman akong nakasunod sa likuran ko, ngunit isinawalang bahala ko ito.


I'm carefully sitting on the chair while silently crying. The cold wind hugged my body, I feel scared but I also feel the presence of someone behind me.


"Hey, take this" bulong ng tao sa aking likuran. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa sinag ng araw na tumatama dito.


Bigla kong naramdaman ang pagtabi nito sa akin. Hindi ko ito maaninag dahil sa tubig na namumuo sa aking mga mata ngunit nabobosesan ko ito. Hindi nga lang ako sigurado.


Iniabot nito ang puting panyo sa akin at muling nagwika.


"Stop crying, you look ugly" pabiro nitong ani.


Nang mapunasan ko ang aking luha ay doon ko lamang nakita ng malinaw kung sino ang taong tumabi sa akin.


"Why are you here?" nagtataka kong ani


"Someone text me that you're going here. So I came" makahulugang wika nito.


Nagtatanong ang mga mata kong tumingin sa kanya. Hindi ko mailabas ang salita sa aking bibig


"and also I'm taking y--- " bulong nito.
Hindi ko narinig ang huling sinabi nito dahil may biglang sumabog sa kung saan.


Nagulat kami pareho, ginamit ko ang tiyansang iyon at napatitig ako sa kanyang mukha.


Maraming nagbago at sa bawat pagtitig ko sa mga mata nito ay muling nanumbalik ang ala-ala na nabuo taon na ang lumipas......


╭──────────────────────────✎

A/N: Nabago ng onti ang prologue. HAHA
Keep on reading. Thanks

Our Last ChapterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon