Chapter 3
Training
"Class dismissed, you may now go" sambit ng aming guro sabay bitbit nito ng kanyang gamit palabas.
Sabay sabay namang tumayo ang aking mga kaklase. Ang iba naman ay nag aayos pa ng kanilang mga itsura dahil dismissal na.
Matapos ko ding mag ayos ay napagpasyahan kong lumabas na ng room.
Mag isa lamang akong naglalakad dahil nauna ng umuwi si Carter kanina. Nag mamadali ito, tumawag kasi ang Mommy nya, about business na ata.
Habang naglalakad ako ay nagtagpo ang mata namin ni Keylore, nakaupo kasi sya sa bleachers malapit sa room at may hawak itong bote ng tubig.
Kasama pa nito si Axton na nakatingin sa malayo. Nag iwas agad ako ng tingin at dire-diretsong naglakad.
Dumiretso ako sa CR dahil kailangan kong magpalit ng damit. Nag text kasi sa akin ang trainor ko kanina, may training daw kasi kami ngayon.
Dapat daw ay kumpleto kami ngayon dahil may bago na namang trainee.
Nagsuot lamang ako ng jogging pants at loose t-shirt na tinernuhan ko ng rubber shoes.
Alam ko naman kasing magpapalit na naman ako pagdating ko sa training room.
Paglabas ko ng cr ay napagpasyahan kong bumili muna ng tubig, panigurado kasing mauuhaw ako mamaya. Baka walang tubig ang dispenser sa TR.
"Ate tubig nga po isa" sambit ko sa tindera ngunit hindi ako pinansin nito at nanatiling naka tulala sa cellphone nya. Kaya napagpasyahan kong lakasan ang boses ko
"ATE TUBIG NGA PO ISA" medyo may kalakasang ani ko sa tindera.
"Ay pokwang! ANO BA KASI YON AH!?" pagalit nitong sabi sa akin habang nakataas pa ang kilay.
"Excuse me, dalawang bottle water nga po" wika ng boses sa likuran ko at biglang tumabi sa harapan.
Biglang naging alerto ang tindera at animong nagmamadaling kumuha ng tubig.
"EXCUSE ME DIN, AKO NAUNA DITO PWEDE BA MAGPILA KA DO'N" pagalit na wika ko sa lalaking nasa gilid ko. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil sa araw na tumatama sa mata ko.
"ATE ISANG TUBIG DIN PO AKO" malakas na wika ko sa tindera. Nakakita lang lalaki biglang naging alerto. Tss
Pagbigay nito sa akin ng tubig ay nilapag ko lamang ang pera at sabay sabing "Sana all may special treatment" habang inikot ang mata at mataray na tumalikod.
Nang makita ko sino ang lalaking nakipag unahan sa akin ay binunggo ko lamang ito sa aking balikat at nagmartsa paalis.
Naiirita ako, napaka simple lang naman ng gusto ko tapos ganon ang ginawa sa akin. Kainis!
Nang makalabas ako sa gate ay huminga ako ng malalim. Kinalma ko ang sarili ko, mamaya ko na lamang ilalabas ang irita ko sa training.
Pumara lamang ako ng taxi at pinadiretso ito kung saan ang tungo ko. Kailangan kong makapunta doon ng maaga kung hindi ay malalagot ako sa trainor ko. Strict kasi 'yon pag dating sa oras.
Habang nakasakay sa taxi ay biglang may nag overtake na single ducati sa taxi na sinasakyan ko. Napakabilis nito at dinig na dinig mo ang ingay na nagmula sa motor nito.
Hindi ko na lamang ito pinansin at nagtipa ako sa aking cellphone, kailangan kong ipaalam sa magulang ko kung saan ako pupunta. Tiyak na mag aalala ang mga 'yon dahil hindi ako dumating sa oras.
BINABASA MO ANG
Our Last Chapter
Acción#1 TEEN SERIES Xiahmara Winowa Gutierrez, the only child of Acosta. A normal teenage girl from Pampanga. She used to be with her friends and active in social life. She's good in taekwondo and acads. Kindness is one of her amazing personality. But...