KABANATA 29: Dear Sister

555 43 30
                                    

This chap is UNEDITED

Chapter 29: Dear Sister

Jaynien's Point of View

"HEINA, SALAMAT TALAGA NG MARAMI HUH?. KUNG HINDI DAHIL SAYO, INIWAN NA TALAGA AKO NI JAYTON NGAYON SA LANSANGAN." Hinatid ako ngayon ni Jayton sa tinutuluyan ni Heina ngayon. Naka condo lang din pala siya, mas gusto ko pa nga ang magkaroon ng sariling condo kaysa may kasama ka sa bahay.

Matagal ng ibinigay ni Heina ang number niya saakin at buti nalang ay may kaunti pang awang natira para saakin si Jayton kaya pinahiram niya ako ng cellphone niya. Di ako makakapunta dito kung hindi dahil rin sakanya, kahit na sinaktan pa niya ako ay hinatid niya parin ako sa kaibigan ko.

"Bakit ba kasi pinalayas ka ng tiyahin mong yun?. Ano bang problema?." Tanong niya habang pinagtitimpla ako ng juice na kanina niya pang inaalok at tinatanggihan ko nalang, di naman sa may pagka ma-choosy pero masyado naman atang kumakapal ang mukha ko para mag suggest pa  sakanya.

Nakakahiya noh!.

"M-Mahaba kasing kwento Heina, basta sinabi ko lang naman na tinggal nako sa trabaho ni Mr. Montejo tapos pinalayas niya nalang ako." Pagpapaliwanag ko.

"Talaga?. Si M-Mr. Montejo?. Ang pinaka mayamang Bachelor sa buong mundo?." Di niya makapaniwalang tanong.

"Oo eh."

"Teka, bakit dun?."

"Huh?." Anong bakit dun?. May mali ba sa ama ni Jayton?.

"I-I mean ano... Paano ka nakapasok dun bilang magtatrabaho?." Nauutal niyang tanong. Ano bang mali sakanya?.

"Syempre, simple lang. Nag apply ako, ano ka ba." Easy lang ang sagot, magpapaka hard ka pa.

"Ay ungag!."

"Ano ba kasing ibig sabihin mo sa tanong mo?. Linawin mo kasi!." Napaka haler talaga ng babaitang 'to.

"Okay ganito huh. Paano ka nakapag apply dun and anong klaseng trabaho ang kinuha mo?."

Humigop muna ako ng juice bago nagsimula. "Hmm...i know na, ikaw kasi di mo pinapaliwanag ng ayos." Giit ko na nagpangiwi nalang sakanya.

Oo na, bobo na. Wala eh, isa na ata yun sa mga hobby ko. Ang pairalin ang pagiging bobo.

Sad but true.

"Una, nag apply ako dahil wala na talaga kaming pera ng tiyahin ko. Tapos ang trabaho ko ay maging isang P.A ng anak niyang si Jayton Nyk S. Montejo." Explain ko sakanya sabay kagat ng tinapay galing sa lamesa.

Bigla namang nanlaki ang kanyang mga mata. Napa OA talaga netong babaeng 'to.

"Oh bakit?." Titig ko sakanya. Paano ba naman kasi, naka steady lang.

"Si J-Jayton Nyk S. Montejo?."

"Oo. Bakit?."

"Yung pinaka sikat sa Montejo Academy School?."

"Oo nga. Bakit ba kasi?." Ano bang problema neto?.

"Yan, absent pa. Di mo tuloy alam kung sino palagi ang kasama ko sa School tuwing absent ka." Malungkot kong sabi.

"Marami lang kasi akong iniintidi. Hayst, bahala na nga kung anong mangyari. Basta nasa tabi mo lang ako sis----este friend." Sabay yakap niya saakin. Tingnan mo 'tong mokong nato, basta-basta nalang nag-iiba ang ekspresyon. Iba talaga kapag may saltik na.

Pero may narinig pa ko eh bago niya sabihin yung friend. Ano nga yun?.

"Bakit ba?. May problema ba Heina?."

Nagkibit balikat lang siya. May itinatago ba siya?.

"Ay oo nga pala. May ginawa b siya sayo?." Mabilis niyang tanong.

"Huh? Sino?."

"Si Jayton."

Napatigil ako bigla sa itinanong niya. Bakit parang alam niya ang nangyayari saakin. Nagtanong lang naman siya pero bakit ang lakas ng impact saakin ng pagkakatanong niya?. Yung tipong alam niya yung nangyayari.

Bigla kong naalala yung kaganapan kanina. Kung paano niya ako sinakal na halos para na niya akong patayin.

"W-Wala naman. B-Bakit mo nga pala na-itanong?."

"A-Ah ano kasi... I mean yung tiyahin mo pala, oo yung tiyahin mong sugalera hehehehe."

"A-Ayos lang. Wag na natin s-siyang pag-usapan." Bigla namang nag-iba ang ekspresyon ng aking mukha. Sa tingin ko, nagalit na nga ako ng husto sa tiyahin kong nagpalaki saakin simula't sapul.

Bigla namang tumayo si Heina na parang nang gitla pa.

"Tapos ka na ba kumain?. Let's go in my room. Tutulog na tayo, may pasok pa bukas." Sabay hila niya saakin na ikinagulat ko kaya nagpadala nalang din ako.

Pagkabukas niya palang ng kwarto niya ay di ko na naiwasang mapabuka ang sariling bibig. Maganda siya, as in maganda. Para bang kwarto ng magkapatid. Condo lang 'to pero para naman atang mansyon dahil sa laki ng kwarto niya.

Maliit tingnan kapag nasa sala at nasa kusina ka lang pero kapag nakatapak ka na sa kwarto, dinaig pa ang lawak ng sala niya at kusina.

Parang baliktad ang laki.

"Magpalit ka kaya muna?."

"E-Eh wala akong pamalit eh."

"Huh?. Akala ko ba, dala mo yung mga damit at gamit mo sa isang bag?." Tanong niya.

Oo nga noh?. Ay putcha!. Naiwan ko sa sasakyan ni Jayton!. Paano ba kasi, dali-dali akong pinababa sa kotse niya. May mahalaga pa daw siyang pupuntahan.

Tae niya nalang.

"Eh naiwan ko kasi sa sasakyan ni Jayton. Pinababa niya kasi ako kaagad." Ani ko.

"Ah... Edi humiram ka nalang saakin ng pantulog. Eto oh." Sabay abot niya saakin ng ternong damit at pajama.

Dali-dali naman akong nagtungong banyo atsaka mabilis na nagbihis.

Lumabas ako at naabutan ko na siyang nakahiga sa kama. Ang cute niya pala matulog.

Tumabi ako sakanya sabay nagkumot. No choice ako eh, walang sofa miski 'isa rito sa kwarto niya kaya tumabi nalang ako sakanya. Atsaka, parehas lang naman kaming babae.

Nakatagilid akong nakatalikod sakanya.

"Night Heina. Thanks nga pala sa pagpapatuloy mo saakin dito." Bulong ko at ipinikit narin ang aking talukap.

May narinig pa ako pero hindi na masyado malinaw dahil narin sa antok ko.

"You're always welcome Nien. It's okay, magkadugo naman tayo at karapatan kong tulungan at alagaan ka. I promise na hanggat nabubuhay ako ay ilalayo kita sa kapahamakan." Sabay halik niya saaking noo.

"Sleep well my dear sister."

___________________
__________

boto ka prend:) pweaseee!!!...

His Sweet Revenge || TEMPORARY CESSATION OF PROCESSING!Where stories live. Discover now