KABANATA 31: Sweet Revenge

487 39 3
                                    

Sorry for wrong grammars. This is Unedited but hope you like it<3.

Chapter 31: Sweet Revenge

Jaynien's Point of View

"BAKIT BA KASI NAGPAPAAPEKTO KA DUN SA WALANG MODONG BABAENG YUN?." Nandito kami ngayon sa may hardin ng paaralan. Dito kami madalas mag lunch ni Heina.

Hindi ko nga alam kung bakit gustong gusto niya pa dito kaysa sa Cafeteria. Pero siguro din, iwas narin kami sa gulo.

"Eh ano k-kasi...ano uhmm."

"Kasi naniwala din ang lalaking hamog nayun?." Diretso niyang tanong saakin na ikinatigil ko. Lalaking hamog?.

the heck!.

"Anong sinabi mo?."

"I said lalaking hamog." Sabi niya sabay subo habang nakangisi.

"Alam mo?. Ang weird mo talaga."

"Si Jayton ang ibig sabihin ko." Sabi niya na ikinatigil ko sa pag nguya.

"A-Ano namang meron s-sakanya?." Nauutal ko saad. Bakit ba kapag tungkol talaga sakanya, palagi nalang akong nauutal na parang ewan?.

"Naaapektuhan ka kasi naniniwala yung lalaking hamog nayun sa impaktang nobya niya. Right?." Napatigil nalang ako sa kawalan. Bakit nga ba?.

Dahil nga ba may nararamdaman ako sa lalaking kahit kailan ay hindi naman tumbasan ang gaya ng pagmamahal ko sakanya?. Hindi ko maunawaan kasi napakahirap umunawa ng taong mahirap makaunawa.

"Wag mo ng itago Nien. I know that since highschool ay matagal ka ng may gusto sa lalaking yun na hindi ko naman maintindihan kung bakit sakanya pa." Kibit balikat niyang saad.

"A-Alam mo?. Pero paano?."

"May mga bagay na hindi ko pa maaaring sabihin sayo Nien pero asahan mo na kapag nasa tamang panahon na ang lahat ay tsaka mo malalaman ang mga ito." Ano bang dapat kong malaman?. Marami pa ba?.

"Naguguluhan ako Heina. Ano pa ba ang dapat kong malaman?."

Tumitig lang siya saakin ng malalim tsaka walang emosyon na sumubo ulit ng kanyang kinakain.

Nawalan nako ng gana kaya itiniklop ko na ang pinagkainan ko. Napatingin naman siya kaagad saakin.

"Oh. Where are you going?. Hindi pa ubos ang pagkain mo Nien."

"A-Ah ano... Busog nako atsaka tara na?, ubos na yang pagkain mo oh." Sabay turo ko sa kinakain niya. Ubos na naman talaga at sobrang simot pa.

"Okay." Maikili niyang saad at itiniklop ang kanyang pinagkainan at umalis kami ng magkasama doon.

"Bye Heina. Uwian nalang ulit!. Ingat." Sigaw ko sakanya at nagpaalam na.

Patungo ako ngayong classroom ng biglang may nakasalubong akong maraming kababaihan at mas ikinagulat ko ay marami silang dala dalang mga itlog, kanin, plastic, juice na hinaluan ng mga tira tirang ulam at marami pang ibang tirang pagkain.

Nagulat ako ng ibinato ng isa saakin ang itlog na tumama sa aking ulo kaya't napaaray nalanag ako. Hanggang sa tuloy tuloy na nilang inihagis ang lahat ng dala nila saakin.

Nakasangga ang dalawa kong braso sa aking mukha at ulo. Naiiyak nako. Ano na naman bang meron?.

"You slut!. Bagay lang yan sayo malanding linta ka!." Sigaw saakin ng isang babae atsaka ibinato ulit saakin ng hawak niya.

"Ang kapal din naman ng mukha mong lapitan ng ganon ganon lang ang papa Jayton namin!. Dapat sayo, pianpakain ng tae!." Sabi din nung isang babae na dinaig pa ang coloring book sa sobrang kapal ng make up.

His Sweet Revenge || TEMPORARY CESSATION OF PROCESSING!Where stories live. Discover now