KABANATA 30: Justice for her

494 43 2
                                    

This chap is UNEDITED

Chapter 30: Justice for her

Jaynien's Point of View

"ANG TAGAL MO NAMAN HEINA!." Sigaw ko mula sa labas ng kwarto ni Heina. Ang tagal kasi magbihis eh papasok lang naman kami, kung ano ano pa ata ang ginagawa.

"Oo wait lang heto na!." Sagot niya naman. Wala nakong nagawa kundi ang hintayin siya kaya pumunta muna ako ng salas at naupo ng pansamantala sa isang malambot na sofa.

I let out a heavy breath. Bigla ko lang naisip, ano na kayang mangyayari saakin?. Ngayong wala nakong matitirhan, paano nako makakaraos neto sa buhay?. Hindi ko pa naman tinatanong si Heina kung pwede muna ako ditong makitira hanggang sa sumapit ang araw na makahanap na ako ng magandang matitirhan.

Ni hindi ko nga alam kung papayag siya but i hope so. Kilala ko naman si Heina, isa siyang taong may mabuting puso at kalooban. Pero di ko naman siya masisisi kung hindi man siya pumayag, kaibigan niya lang ako at hindi kadugo kaya di nako magtataka sa maaaring maging desisyon niya.

"Tapos nako. Tara na." Nauna siyang lumabas at dali dali ko naman siyang sinundan. Iniwanan ba naman ako.

Nailock na niya lahat ng kailangang ilock sa condo niya kaya agad narin kaming umalis.

Nakarating naman kami ng ligtas sa Montejo Academy School pero kakapasok palang namin, di ko na nagustuhan ang tumabad saamin. Lahat ng estudyante sa buong school ay nakatingin saamin ng masama na may kasamang mga bulungan.

"Anong meron Nien?." Kalabit saakin ni Heina.

"Aba'y ewan ko. Pati nga ako, di ko alam kung anong meron?."

Hindi na namin sila pinansin ni Heina at panigurado kaming kapag pinatulan pa namin ay pihong gulo na naman ang kalalabasan neto.

Nakarating kaming dalawa sa kaniya kaniyang classroom. Naupo ako at hinihintay ang pagsisimula ng klase.

Habang nakadungaw lang ako sa tapat ng bintana ay di ko maiwasang mangamba. What if magkita na naman kaming dalawa ni Jayton?. What if galit parin siya saakin?. What if saktan niya na naman ako?. Sinong magtatanggol saakin pag nagkataon?.

Ang daming 'What if?' na tanong ang nabubuo sa utak ko. Nagugulumihanan kasi ako sa mga sinasabi niya. Tungkol daw sa ate niya na long bestfriend ko na si ate Jane, pinatay ko daw?. Eh hindi ko nga manlang nasundan si ate Jane nung mga panahon na nadukot siya at---pinatay.

Nakokonsensya ako. Nakokonsensya ako hindi dahil sa isinisisi saakin ni Jayton, nakokonsensya ako dahil ni hindi ko manlang siya naipagtanggol nung mga panahong nasa masamang kalagayan siya. Pati rin naman ako eh, nasasaktan sa sinapit ni ate Jane kasi kaibigan niya ko pero nung mga panahong yun, nawalan nako ng koneksyon sakanya na dahilan ng tuluyan niyang pagkamatay.

Mahal ko si ate Jane at hindi ko lang siya itinuring bilang kaibigan, kundi pati parang nakatatandang kapatid ko narin. Ni hindi nga manlang ako nakapunta sa sariling burol niya, ni hindi ko nga manlang nakita at nasilayan ang kaniyang nakakaakit na mukha. Patawad ate Jane, patawad kasi...kasi hindi kita napagtanggol. Hindi kita natulungan na kung sana'y nagawa ko yun ay magkasama pa tayo at masayang nabubuhay pero hindi na maaaring mangyari ang lahat ng mga yun dahil alam kong nasa kabilang buhay ka na.

Sana'y palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita bilang kaibigan at bilang ate Jane ko. Salamat sa lahat ng mga masasayang ala-ala na ipinaranas mo nung mga araw na nabubuhay ka pa. Hindi ko naman ginusto ang lahat ng yun pero siguro, yun ang desisyon ni Lord. Masakit mang tanggapin pero lalaban ako para sayo ate Jane.

Para sa hustisyang karapatan mong makamit, sa hustisyang matagal mo ng hinahanap. Gagawin ko ang lahat para maging mapayapa ka na.

Ngunit sino nga ba ang tunay na salarin sa lahat ng pangyayaring ito?. Sino ang walang pusong pumaslang sayo ate Jane?.

Wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para mabigyan ng hustisya ang iyong pagkamatay. Mahirapan man ako o hindi ay hindi ako titigil sa paghahanap. Basta, para lang sa kaibigan kong tunay na nagmahal at ang nagparamdam saakin kung paano ba mahalin ng isang mahal mo sa buhay. Gagawin ko ang lahat ng minimithi mo ate Jane alang alang sa pagkamatay mo.

At sa ngayon, maaari ka ng mamahinga. Minamahal kong kaibigan at ate. Ate Jane Santiago Montejo.

---💜---

02/18/21

His Sweet Revenge || TEMPORARY CESSATION OF PROCESSING!Where stories live. Discover now