KABANATA 37: Her words

356 30 3
                                    

This chap is UNEDITED

Chapter 37: Her words

Jaynien's Point of View

"TA, DIYAN PO MUNA KAYO. MAY MADALI LANG AKONG KUKUNIN SA BAHAY, PAG MAY KAILANGAN PO KAYO AY TAWAGIN NIYO LANG YUNG NURSE AT IBIBIGAY NA NILA YUN." Pagpapaalam ko kay tita Jo.

Tatalikod na sana ako upang umalis at magtungong pintuan ng hawakan at higitin bigla ni tita Jo ang kaliwang braso ko dahilan para maudlot ang paglalakad ko.

"Oh, bakit po tita?. May kailangan pa po ba kayo?."

"M-May kailangan ka lang kasi anak malaman." Saad niya na nagpangunot ng dalawang kilay ko.

Mabilis akong lumapit at umupo muli sa tabi niya.

"Ano po yun?, makikinig po ako."

Bakas man ang pag-aalinlangan kung sasabihin niya ba talaga pero mabilis rin naman siyang tumugon.

"Ano k-kasi Nien, may sasabihin ako sayong i-importante." Nauutal niya saad.

"Sabihin niyo na kasi ta. Uuwi pa ko dahil may mga gamit pa kayong natitira sa bahay natin." Iritado kong sabi. Ano ba kasi ang sasabihin niya?.

"Ah ano... yung, yung--"

"Yung ano po?."

"Kasi Nien a-ano... aish sige na nga, tumuloy ka na at baka tanghaliin ka pa ng dating." Sabay tulak niya saakin at sapilitang pinababa mula sa pagkakaupo ko sa may kama.

Nagtaka naman ako bigla. Akala ko ba may sasabihin siya?.

"Ta, sabihin niyo na kasi para walang problema. Sige, ano po ba yun? ba't nauutal pa kayo?." Pakikipagsapilitan ko sakanya.

"Hindi, wala 'to. Sige na, yaon na at baka wala ka pang masakyan pauwi." Sabi niya atsaka agad na nagtalukbong ng kumot sa buong katawan.

Napailing nalang ako. Hay nako talaga si tita, palagi nalang nauudlot ang nais sabihin.

Ng makalabas ako ay agad akong pumara ng tricycle. Mahaba haba ring byahe ang natahak namin ni manong driver at ligtas naman kaming nakarating sa lugar na pupuntahan ko.

Pero papasok palang ako sa eskinita ay may sumalubong na agad saaking nagtutumpukan na mga tao. Teka? anong nangyayari dito?.

Mabilis akong lumapit kung saan maraming nagkakagulo. May nagkakaiyakan, nagagalit at nag hi-hysterical na mga kapitbahay namin dito sa lugar namin.

"Ate, anong nangyayari dito?. M-May problema ba?." Tanong ko sa isang kapitbahay namin.

"Ito kasing mga lalaking nakaitim, bigla nalang kaming lahat binulabog sa loob ng aming mga bahay tapos binabantaan pa ang lahat ng nakatira dito na kapag di nakapagbayad ng sapat na pera mula sa lupain na ito ay lahat tayo ay mawawalan ng bahay at lupa." Sabi niya habang umiiyak.

"Ni 'hindi nga namin kilala ang mga iyan, sa pagkakaalam namin ay bayad ang lupain na ito sa gobyerno pero pinipilit nila kaminf magsi alis dito." Saad naman nung isa.

Mabilis kong nilapitan ang mga lalaking nanugod nalang basta sa lugar namin.

"Hoy kayo!, bakit niyo kami pinapaalis dito eh bayad ang lupang ito sa gobyerno?!. Pwede ba, magsilayas na kayo kung hindi tatawag ako ng mga pulis?!." Galit kong sigaw sakanila.

"Miss ayaw namin ng gulo, sinusunod lang namin ang utos saamin at obligasyon naming gawin iyon kaya kung maaari, hanggat walang patunay na bayad itong lupang ito sa gobyerno niyo ay kukunin at kukunin namin ito sa ayaw at sa gusto niyo." Sabi ng isa sakanila.

His Sweet Revenge || TEMPORARY CESSATION OF PROCESSING!Where stories live. Discover now