KABANATA 35: Forgiveness

337 23 0
                                    

This chap is UNEDITED

Chapter 35: Forgiveness

Jaynien's Point of View

"TA?. BAKIT DI NIYO MANLANG SINABI SAAKIN?. PARA NAMAN NABANTAYAN KO KAYO." Halos uhugin na ako kakaiyak habang hawak hawak ang kamay ni tita Jojina.

Nakaratay siya ngayon sa isang puting kama dito sa hospital. Ng malaman ko ang nangyari kay tita Jo mula sa mommy ni Jayton ay mabilis ko itong pinuntahan. Sobra akong nag-alala sakanya ng husto.

"Hindi na naman kailangan na alagaan mo ako anak." Nagulat ako sa sinabi niya. Ako? tatawagin niyang anak?. Magpapaalam na ba siya?.

"Ta naman, may obligsyon parin ako sa inyo dahil kayo na ang tumayong magulang at ang nagpalaki saakin." Sabi ko sakanya at halos mangiyak ngiyak na.

"Marami akong naging kasalanan sa iyo anak, nararapat lamang saakin na hindi na makabangon sa higaang ito ka--" Dun palang ay pinutol ko na kaagad siya.

"Ta naman eh!. Wag na kayong magsalita ng ganiyan, sino na ang makakasama ko kapag pati kayo ay kukuhanin na saakin?!." Humahagulgol kong sagot. Ayoko siyang mawala, huwag ngayon please!.

"Nien sobrang lupit ko sayo at ni 'minsan, hindi mo naranasan mahalin ng buo kaya huwag mo akong iyakan anak. Tumigil ka na sa pag-iyak, ayokong pati sa pagpanaw ko ay makita kitang malungkot." Naiiyak na talaga ako ng sobra sa mga sinasabi ni tita. Bakit naman kasi siya pa?! bakit kasi kailangan pa magkaganito ang buhay ko?.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay at inilagay ito sa pisngi ko na pinuno na ng luha.

"Ta, gagawa ako ng paraan para mapa-operahan kayo. Ayoko tita! ayokong pati kayo ay mawala saakin. Pangako ko diba, makikita niyo pa akong aakyat sa entablado at hahawak ng isang diploma. Makikita niyo pa akong nakasuot ng mahabang uniporme at isang sumbrelo na itim kaya tita Jo? lumaban kayo para saakin." Umiiyak ako ngayon sa harapan niya habang sinasabi sakanya ang lahat ng iyon.

"Naku naman." Sabay tawa niya ng pagak at hinapit ako ng yakap. "Tigilan na nga ang drama, tigil na ang iyak anak. Salamat ng marami dahil sa kabila ng pagpapahirap ko sayo ay tinanggap mo parin ako bilang isang tunay mong magulang. Patawarin mo ako Nien, patawad sa lahat ng ginawa ko sayo anak." Sabi niya habang nakayakap saakin at umiiyak.

"Matagal ko na naman kayong napatawad ta eh. Atsaka ang nakalipas ay lipas na kaya wag na nating balikan pa iyon. Pangako ko po, hahanap ako ng paraan para maoperahan kayo ng ligtas. Mahal ko po kayo tita." Sabi ko.

"Mahal din kita anak. Maraming salamat talaga."

Pagkatapos namin magdrama ni tita ay pinakain ko na siya ng binili kong lugaw sa tindahan pa ni aling marcie.

"Tita saglit lang po, lalabas lang ako saglit. Bibili lang po ng prutas sa labas." Pagpapaalam ko sakanya at nginitian naman ako nito.

"Sige, ingat anak ah." Sabi niya ng nakangiti.

Lumabas ako at nagdiretsong labas ng hospital. Habang bumibili ako ng prutas sa isang tindahan ay pakiramdam ko, parang may isang matang nakamasid sa bawat galaw ko. Lumingon ako kaliwa't kanan pero wala akong mahalagilap na kakaiba.

"Salamat ho." Pagpapasalamat ko kay manong na nagbenta saakin ng mga prutas.

Pabalik nako ng hospital at kada hakbang ko ay pakiramdam ko talaga, may nasunod at nakamasid saakin. Tumigil ako ng saglit at ng malapit nako sa pinto ng hospital ay lumingon ako patalikod.

May nahagilap akong isang nakaitim na bulto ng tao na nakatitig saakin at maya maya lang tumakbo na ito papalayo hanggang sa hindi ko na ito makita.

"Ma'am?. Papasok po ba kayo o hindi?." Medyo iritang tanong saakin ng guard dito sa may pinto.

"Ay s-sorry po. Papasok pa ho ako." Pumasok nako at habang naglalakad, pabulong bulong nalang ako.

Ang init ng ulo ng gwardiya nayun ah. Akala mo naman kaniya itong buong gusali nato.

Nakarating ako sa silid ni tita Jo at napatigil ako ng nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa may sofa, sa gilid ng sofa.

"A-Anong ginagawa mo dito?." Pagtataka kong tanong sakanya.

---💜---

04/02/21

His Sweet Revenge || TEMPORARY CESSATION OF PROCESSING!Where stories live. Discover now