KABANATA 32: He makes me happy

514 35 4
                                    

This chap is UNEDITED.

Chapter 32: He makes me happy

Jaynien's Point of View

ILANG ARAW na simula ng tuparin nga ni Jayton ang kaniyang sinabi saakin. Halos karamihan ng mga estudyante sa loob ng school na ito ay nasasaksihan kung paano ako apihin ng mga nakararami. Hindi ko man alam kung sadya ba yun o hindi pero may ideya naman ako kung sino ang salarin dito.

Si Jayton. Siya ang may kagagawan ng mga masasamang nangyayari saakin. Sa tingin ko, bumalik na naman ang trauma ko. Minsan umiiyak nalang ako ng mag isa sa hindi matataong lugar. Nagmumukmok sa isang sulok at hindi na alam ang gagawin sa sarili. Hanggang ngayon ay patuloy parin sila sa pagpapahirap saakin.

Mapa Cafeteria man o sa loob ng room, lahat sila pinagkakaisahan na nila ako. Tinatapunan ng juice, binabato ng mababahong bagay, binubugbog na nagbunga na ng mga palatandaan saaking katawan. Medyo marami rami narin ang aking natatamong mga sugat at pasa. Mapa labi man ay naghihimutok, mga braso na namimilipit sa sakit, mga matang namamaga na ng dahil sa kaiiyak.

Minsan, tinatanong ko nalang sa sarili ko. Paano kaya kung sumuko nalang ako?. Baka sakaling tumigil na ang paghihirap kong ito. Ba't ba palagi ko nalang nararanasan 'to?. Malas ba talaga ako o talagang kapalaran ko na ang buhay na ganito?. Ayoko na, pagod na talaga ako.

"Umiiyak ka na naman." May isang boses ang nakapagpabalik ng ulirat ko. Dahan dahan ko itong nilingon.

"Can i join?." Tanong niya habang nakatitig lamang saakin.

"Ah o-oo naman." Sagot ko. Umupo siya sa tabi ko.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?."

"A-Ah ano, hmm...nagpapahangin lang. Ay o-oo nagpapahangin nga lang." Sabay punas ko saaking mga luha na halos matuyo na saaking pisngi.

"Really?. Eh sa nakikita ko, you're crying alone again." Sabi niya na ikinatigil ko. Paano ba naman kasi, palagi niya nalang ako natsetsempuhan na umiiyak.

"Wala 'to. Titigil rin ito."

"Don't hide it because I've already seen it." Ang alin?.

"Huh?."

"Kahit anong mangyari, tandaan mo. I'm always here for you."

"Ezykiel?."

"Hmm?."

"Thank you."

"For what?." Tanong niya sabay harap saakin.

"Thank you for always being there for me. Di naman kita kaano ano pero dinadamayan mo ako." Sabi ko ng diretso habang nakatitig lamang sakanyang mga mata.

"Di ko na kasi alam pa ang gagawin ko. Pero salamat kasi parati kayong nandyan ni Heina para saakin. Ang swerte ko kasi nagkaroon ako ng kaibigan na tulad niyo." Pagkasabi ko nun ay kita ko kung paano mag iba ang kanyang ekspresyon pero agad rin namang bumalik sa dati.

"Ang panget mo na." Nainis naman ako sa sinabi niya. Sa dinami rami ng sinabi ko tapos yun lang ang erereak niya.

"Ay bwiset ka!.". Sabay hampas ko ng marahan sa balikat niya na ikinatawa niya ng mahina. Hala, ang kyut.

"What?. Namangha ka na naman ba sa kapogian ko?." Mapang asar niyang ani.

"Ay bakit biglang nag iba ang ihip ng hangin. Woo, ang lakas oh!." Sabi ko habang umaakto na parang tinatangay.

"Jean." Tawag niya sa second name ko. Nag request kasi siya na kung yung pangalawang pangalan ko nalang itawag niya para wala siya katulad. Nagtaka pa nga ako nung una pero hinayaan ko nalang, tutal naman wala pa talagang natawag nun saakin kaya siya nalang.

His Sweet Revenge || TEMPORARY CESSATION OF PROCESSING!Where stories live. Discover now