KABANATA 39: Burying into the Darkness

905 26 63
                                    

This chap is UNEDITED

Chapter 39: Burying into the Darkness

Jaynien's Point of View

"JUST WAIT OKAY?!. KITA MONG NAGBIBIHIS PA YUNG TAO 'E!." Singhal ko habang nagbibihis sa kwarto ni Heina.

Paano ba naman kasi, pinabababa kaagad ako dahil gusto niya daw makita agad ang susuotin ko ngayon sa prom. Ni 'hindi pa nga ako nakakapagsuklay tapos pinalalabas na niya kaagad ako.

"Time is running Nien!, baka mahuli tayo sa occasion." Sigaw niya pabalik at halata na sa boses niya na inip na inip na nga.

Ang aga aga kasing magising tapos di manlang nandamay, tingnan mo tuloy ako pa nahuli't namerwisyo sakanya. Napaka atat magpunta sa prom, may date ata 'to eh.

"Oo na, oo na. Eto na nga oh tapos na." Sabi ko sabay labas ng kwarto niya at bumaba ng hagdan habang nagsusuot ng heels ng paika ika.

"Ang kupad mo alam mo ba yun?." Inismiran niya lang ako ng masamang tingin.

"Tapos na nga diba?. Ano pang pinuputok ng buchi mo diyan?." Taas kilay kong tanong sakanya.

"Wait." Pinatigil niya ko sa paglalakad at pinagkatitigan ng maigi.

"Oo na, ako na panget. Sabi ko naman kasing di na ko sasama pero ikaw 'tong todo pilit kaya yan, see ang sama kong babae--"

"Tigilan mo nga yan kaek ekan mo, di mo ba nakikita?. You look beautiful at your dress Nien." Puri niya na ikinairap ko nalang.

"Ang lakas mo talaga mambola eh noh?." Sabay batok ko sakanya na ikinasama niya saakin ng titig.

"You look perfect and it suits to you, very well." Nauna nalang akong lumabas sakanya. Baka kasi mamaya, duguin nalang ilong ko sakanya at hindi pa matuloy ang lakad namin.

Ang dami kasing alam tapos sarili niya, di niya mapuri puri eh siya 'tong mas maganda saakin.

Nakarating kami sa sinasabi niyang ball at mas lalong naragdagan ang aking kaba dahil sa nakikita ko. Ang daming mga bisita, mga estudyante at mga iba pa. Di mapagkakailang napakagaganda nila kaya nagdadalawang isip rin ako kung tutuloy pa ba ako o hindi na. Baka kasi ipagtabuyan lang ako ng nakararami lalo na't alam kong ang okasyon na ito ay para talaga sa mommy ni Jayton.

Natatakot ako na baka may oras na mapahiya lang ako ng husto at hindi magawang magsaya.

"Hey Nien?. Are you okay?, it looks like there is someone's bugging you. Tell me, what is it?." Kuha niya sa pansin ko kaya napalingon ako kaagad sakanya mula sa pagkakatitig sa labas ng salamin ng kaniyang sasakyan.

"W-Wala. May naisip lang ako, halika na?." Tanong ko sakanya kaya kahit hindi siya sigurado sa sinasabi ko ay pinili nalang niyang bumababa ng sasakyan.

Medyo malayo layo pa naman kami mula sa mga bisita na nagsasaya pero tama lang tanaw na makikita mo mula dito sa kinatatayuan namin kaya hindi pa nila kami napapansin.

"Ayos lang bang ganiyan ang pinili ko sayo Nien?. Para kasing di ka komportable sa suot mo." Tanong saakin ni Heina kaya hinarap ko kaagad siya.

Sa totoo lang ay naiirita ako dahil sobrang ikli ng suot ko, nakapula akong dress at wala pang abot ang haba nito sa tuhod ko. Off shoulder rin kasi ito kaya medyo naiinis ako at hindi mapakali sa isang tabi.

"H-Hindi, it's okay. Nandito na rin naman tayo kaya ito nalang, ayos nako sa suot ko." Pagsisinungaling ko. Ayos na rin 'to, baka kasi mag iba pa ang isip niya at bumalik pa kami sa bahay at pagpalitin niya pa ko ng suot eh halos parang magsisimula na ata ang prom.

His Sweet Revenge || TEMPORARY CESSATION OF PROCESSING!Where stories live. Discover now