KABANATA 34: She's sick

480 36 4
                                    

This chap is UNEDITED.

Chapter 34: She's sick

Jaynien's Point of View

"BAKIT MO BA KASI AKO PINAPUNTA PA DITO?!." Galit kong tanong kay Jayton na katabi ko lamang habang nakapamulsa.

Humarap siya saakin ng masama. "So kasalanan ko pa kung bakit ka napunta dito?." Sarkastikong  aniya.

"Wala akong sinabi na ganiyan, ang punto ko l--" Hindi na natapos ang sasabihin ko ng unahan na niya akong magsalita.

"Eh anong gusto mong palabasin?." Napayuko nalang ako sa sinabi niya. Tinatanong ko lang naman siya pero hindi ko siya sinisisi.

Hindi ko kasi alam ang susunod na gagawin ng mommy niya kapag nag-usap kami muli. Malapit naring mag alas nuebe, baka hanapin nako ni Heina.

"Señiorito, pinapatawag na po ulit kayo ng mga magulang niyo." Nabaling ang tingin namin sa isang matandang babae na nagsalita malapit sa pintuan papasok.

Lumabas kasi kami saglit at nagpahangin pero ako, nag-iisip kung anong susunod na mga mangyayari.

Pumasok kami parehas pero isang ngisi niya ang nagpatayo ng balahibo ko sa buong katawan. Nauna siya saaking pumasok, huminga muna ako ng malalim at agad na pumasok.

Nakita namin ang mga magulang niya na nakaupo sa pangalawang sofa. Naupo kami parehas pero nadako ang paningin ko kay Mrs. Montejo na ngayon ay sinusuri lamang ang buong katawan ko. Kinakabahan na talaga ako.

"Ang tagal naman nito, kanina pa kaya akong naiinip!." Angal ni Jayton habang nakatingin sa sahig at busangot ang mukha.

"Hija." Napatingin ako sa isang boses na tumawag saakin. It's Jayton's mother.

"Before i start, i would like to introduce myself. My name is Jenna Santiago Montejo but you can call me Mrs. Jenna. I'm Jayton's and Jane's mother." Pagpapakilala nito. Ng binanggit niya ang pangalan ni ate Jane ay bigla nalang akong napalunok.

"And alam ko narin namang kilala mo na ang mag-ama ko kaya hindi na nila kailangan pang magpakilala." Saad muli nito. Napatango nalang ako.

"And you?."

"M-My name is Jaynien Jean Guerrero Villanueva po b--" Mabilis niya akong pinangunahan.

"I already know your name hija. All you need to do is explain your personal background." Sabi nito.

"O-Okay po."

"I'm still studying , 18 years old and i'm grade 12 student palang po. Nakatira lang po ako sa isang simpleng bahay kasama ang aking t-tiyahin na... si tita J-Jojina." Nauutal kong saad. Hindi na naman kasi talaga ako nakatira kasama ang tiyahin ko.

"Sakanya na po ako lumaki since nung bata pa po ako, sabi po ng tita ko ay i-iniwan lang ako sakanya ng mga totoo kong mga magulang." Pagpapaliwanag ko.

"So kaya mo nagawang mag rebelde?." Nagulat ako sa isinagot ng mommy ni Jayton, maging sila Mr. Montejo at Jayton ay ganoon rin.

"P-Po?. Rebelde?."

"Yes, you heard it right? dahil hindi ka naman siguro bingi para hindi marinig iyon." Medyo nabastusan ako sa sinabi niya pero mas pinili kong manahimik nalamang.

"Nag rebelde ka because you have no parents, at sa pagrerebelde mong iyon ay idinamay mo pa ang anak ko na si Jane at pinatay." Galit na galit nitong saad. Hindi niya alam ang ibinibintang niya saakin at mas lalong hindi niya alam ang pinagdaanan ko dahil wala akong mga magulang na nakilala.

Para nakong maiiyak, para kasing pinapalabas niya na dahil wala lang akong mga magulang na tinitingala ay kaya ko ng magawang mag rebelde. Ni 'kahit minsan hindi sumagi sa utak ko yan. Kahit ka kailan hinding hindi ko gagawin sa buhay ko yan.

"Wag niyo naman po akong bintangan ng kung ano ano!. Hindi niyo po alam ang pinagdaanan ko ng mawala ako sa puder ng aking mga magulang!." Hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapaiyak dahil sa sobrang galit.

Tumayo siya at nagsalita muli. "We have a evidence and you don't have to deny it!. Hindi ba't ganoon naman ang ginagawa ng mga hampas lupa na mga katulad niyo?!, nag rerebelde dahil sa sobrang kabaliwan kaya hindi malabo na napahamak ang anak namin na si Jane ng dahil sayo!." Sigaw nito saakin. Umiiyak lamang ako dahil hindi ko na mapigilan pa ang pagpatak ng mga ito.

Masyado kasing mapanghusga ang nanay ni Jayton. Below the belt na ang pinagsasasabi niya. Hindi naman ako ganoong klaseng tao. Iba ako.

"Mawalang galang na po pero kung pinapunta niyo lamang ako dito para husgahan, mabuting paalisin niyo nalamang ako kaysa marinig ang mga masasakit na salitang ibinibintang niyo saakin!." Lalabas na sana ako pero muli itong nagsalita.

"1M. I will give you a 1M basta umamin kang ikaw ang salarin sa lahat ng ito." Napatigil ako sa sinabi nito. Tapos ngayon, nagmukha pa akong pera?!.

Humarap ako sakanila na lahat ay nakatayo na. "Hindi ko kailangan ng pera niyo dahil kaya kong makaipon ng ganoon kalaking pera, mas mapapakinabangan ko pa dahil galing sa sarili kong pagod at pawis. Hindi niyo ako maaaring bigyan lamang ng suhol basta basta lalo na't wala naman talaga akong aaminin." Sabi ko at nagpunas ng luha.

Hindi ako isang klase ng tao na kayang pabigayin ng dahil lamang sa pera, hindi ako yung tipo ng tao na isasakripisyo ang sariling dignidad at karapatan ng dahil lamang sa pera. Kahit na wala akong mga magulamg an kinagisnan, lumaki parin akong may mabuting asal.

Tatalikod na sana ako ng bigla itong nagsalita muli na ikinatigil ko.

"Kahit na nasa hospital ang tita mo at kailangang paoperahan dahil sa malalang sakit nito?." Ditetso niyang saad.

Ano?. Si t-tita Jojina?, may sakit?. Pero kailan pa?.

---💜---

03/21/21

His Sweet Revenge || TEMPORARY CESSATION OF PROCESSING!Where stories live. Discover now