KABANATA 1: Pera o Layas?

3K 88 2
                                    

This chap is UNEDITED

Chapter 1: Pera o Layas?

Jaynien's Point of View

"HOY! babaitang mukhang pugita gumising ka na diyan, maghanap ka na ng letcheng papasukan mo!..." Malakas na sigaw na nagmula sa labas ng pintuan ng aking kwarto.

"Opo eto na po babangon na!." Ganting sigaw ko sabay bangon saaking hinihigaan.

Ng makabangon nako ay mabilis kong inayos ang aking kama at agad na nagtungo sa loob ng aking banyo. Mabilis akong nag hilamos, nag sipilyo at diretsong labas, agad akong nagtungong pinto upang tingnan kung sinong sumisigaw sa labas. Nang mabuksan ko ay agad na bumungad saakin ang bisangot na mukha at parang may gustong hingin.

Mangungutang nanaman ata to?!...

"Buti naman at gising kana, kung di pa kita sigawan ehh baka kanina ka pa diyang tulog mantika."- Tita Jojina.

Ako nga pala muna si Jaynien jean Guerrero Villanueva, 18 years old at nakatira sa isang simpleng bahay kasama ang tiyahin kong daig pa termos sa sobrang init lagi ng ulo at siya si tita Jojina. Kaya nga pala ako ginising ng tiyahin kong bugnutin ay para mag enroll sa panibagong grade school, dibale ang grade ko nga pala ngayon is Grade 12, Senior High at titingnan ko pa kung saan ako mapupuntang Section.

"Ahh---ehh sige na tita bababa na ho ako."- Ako.

"Oy, oy, oy at sinong nagsabing lagpasan mo lang ako?!."- Tita jojina.

"Ahh... Bakit po ba?."- Ako.

"T*nga ka ba ehh kanina pa kaya ako nakasahod ng kamay sayo, di mo manlang ba napapansin?!."- Tita jojina.

"Ahh... Kase tita wala pa po kase akong pera ngayon, pwede po bang bukas nalang?".- Ako.

"Ehh paano kung ayaw ko atsaka kung wala kang maibibigay edi lumayas ka nalang dito!."- Tita.

Lagot na!, ⊙﹏⊙...

"Sige na tita bukas nalang, pabayaan niyo maghahanap ho ako ng trabaho?."- Ako.

"Hmmmm... Sige basta makapagbigay ka ngayon dahil baka ilibing ako ng buhay ng kapitbahay nating si ka-choryia."- Tita.

"Huh bakit naman po, anong atraso niyo dun?."- Ako.

--Chismosa ka gherl?--

"Basta wag mo ng tanungin, basta kapag hindi ka nakahanp ngayon ng makukuhanan ng pera..... Edi lumayas ka na dito!."- Tita.

Lagot na talaga ako?!...

Pag-aaral ko pa nga lang ehh mahirap na, paano pa kaya kapag nag t-trabaho nako edi buong araw laging puyat?... Haysss buhay nga naman!...

"Oy akala ko ba bababa ka na?!." Biglang sigaw saakin ng tita kong palengkera at halos mapatalon nako sa gulat.

"Ahh... Si-sige po bababa na."- Ako.

Nang makababa nako ay agad nanan akong nagtungong kusina para kumain, diretso akong ref para magtingin ng malulutong ulam kaso pagkatingin ko ta*gna wala!...

Nung buhay to?!...

"Kung naghahanap ka ng mauulam at wag kang umasa, kaya nga ko nanghihingi ng pera para diyan at sa importanteng dapat bayaran."- Tita jojina.

Nu ba yan gutom pa naman ako!...

"Ahh sige ta ligo nalang ho ako."- Ako.

Mabilis akong nagpuntang kwarto at agad na naghanap na susuotin, simpleng white t-shirts at plain lang siya, and then white fitted jeans at naka white rubber shoes na nike. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na agad ako at kinuha ang sling bag sabay bumababa.

"Ahh... Tita jo aalis na po ako."- Ako.

"Wag mong kalimutan yung sinabi ko sayong kwarta ha?!."- Tita jojina.

Sa halip na pansinin ko pa ehh tumango nalamang ako at agad na lumabas na nakasibangot ang mukha.

"Hay pano ba yan, saan naman ako hahanap ng pag ta-trabahohan?!." Halos mapalundag na ako sa sobrang inis.

Kase naman yang si tita jojina lagi nalang saakin umaasa, di porket kinupkop niya ko ay ta-tratuhin na niya ko ng ganyan?!...

Pinagpatuloy ko ang paglalakad sa kalasada hanggang sa makarating naman ako ng ligtas sa may bandang kanto kung saan ako nag aabang palagi ng masasakyan. At sakto namang may dumaan.

"Para po!." Tawag ko sa tricycle na dumaan at agad din naman itong huminto. Mabilis akong pumasok sa loob at umupo ng maayos.

"Saan po kayo ma'am?." Tanong saakin ng driver.

"Sa 'MONTEJO ACADEMY' School ho."- Ako.

"Ahh... Sige ho."- Driver.

Habang tahimik ang biyahe tahimik lang din akong nakamasid sa kung ano mang madaanan namin. Hanggang sa makarating kami at mabilis akong ibinababa ni manong driver sa tapat ng napakalaking school gate.

"Salamat po." Sabay abot ko ng bayad at mabilis namang umalis ang sinakyan kong tricycle.

~ווווווווווווווו~

('∩。• ᵕ •。∩')

His Sweet Revenge || TEMPORARY CESSATION OF PROCESSING!Where stories live. Discover now