CHAPTER 6: Basketball

2.3K 148 20
                                    

Austin's POV

Nagkausap na kami kahapon ng guidance counselor. Kinabahan pa 'ko kasi akala ko mapaparusahan nanaman ako, pero tungkol pala yun sa anak ng may ari nang school na napagtripan ako. Sabi ni ma'am pagpasensyahan ko na lang daw siya dahil spoiled daw 'yon, sinumbong din pala kasi s'ya ni Crimson kahapon bago kami bumalik sa dorm. Sya pala may pakana nung pagsabog nang slime sa locker ko. Sabi pa nila ganun daw talaga yung Dos na yun, laging napapagtripan ang mga newbie.

Hindi na din namin nasabi kay ma'am ang tungkol sa tunay kong kasarian dahil may biglang nag-away sa may junior department, halos mapuno ang office ni ma'am dahil mukhang isang buong section ata ang nagkagulo.

Siguro next time na lang.

Matapos ang klase ay tinulungan ako ni Crimson na linisin at patuyuin yung mga gamit ko. Mabuti na nga lang at hindi ko pa nailalalgay dun 'yung mga libro at notes ko eh, kundi patay na! Nganga ako nito sa quiz bukas!

Alas singko trenta na nang madaling araw. Natapos na kong maligo at magbihis, naghain na lang ako ng kakainin namin ni Crimson nang lumabas nanaman syang naka topless at saka pa sinuot ang t-shirt n'ya habang naglalakad papalapit sa gawi ko.

Jusmeh, ano ba yan! Makadisplay ng katawan wagas! 'Di ba siya kinakabag kakalantad ng abseste ng tyan niyang 'yan?

"Sanay ka talagang magluto 'no?" bigla niyang tanong habang nilalantakan na 'yong sinangag saka bacon na niluto ko.

Sus palusot ka pa, gumagawa ka lang ng topic para makakain eh!

"Syempre! Alangan naman ikaw asahan ko diba?" sarkastikong sagot ko naman, agad syang napasimangot.

"You know most boys aren't capable of cooking right?" patanong na sagot nya, napataas naman ang isang kilay ko.

"Palusot! Palibhasa anak mayaman. Lahat kayang magluto kung gugustuhin nila 'no." sagot ko naman saka nagsimulang sumubo ng kanin. "Yung kaibigan ko nga, kalalaking tao marunong naman magsaing." kwento ko kahit may laman pa ang bunganga.

"Not all boys are the same. Saka isa pa, anong anak mayaman? Bakit ikaw ba hindi?" tanong niya. Nilunok ko naman muna ang kinakain bago muling sumagot.

"Eh ano naman kung hinde? Bakit may problema ka ba sa mahirap ha?" asik ko. Nabitawan niya ang hawak na kubyertos at sumandal sa sandalan ng upuan. Napacross-arms siya at tinignan ako na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Psh! Imposible. Kung mahirap ka kahit magmukha ka pang lalaki at lahat-lahat, kung hindi mo kayang bayaran ang 80,000 na tuition fee ng school na 'to, hindi ka makakapasok dito." sagot n'ya naman. Umismid ako.

"Ha! Well guess what? Nakapasok ako! kahit babae pa ko at mahirap! Kasi may sponsor ako!" pagmamayabang ko. Nakita kong nangunot ang noo n'ya, hindi ata nagets ang sinabi kong 'sponsor'.

[A/N: sanaol sponsor hahahah!]

"Sponsor? Ano ka charity?" natatawang tanong niya, napanguso naman ako dahil kahit ako ay natatawa din sa kanya.

Boys Dormitory (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon