Sa isang di kalayuang probinsya ay may nakatirang mag asawa na pangarap magka-anak ng lalaki, ang kaso sa kasamaang palad dalawang sunod-sunod na babae na ang naging anak nila, hanggang sa...
"Aaahh!"
Nabulabog ang buong bahay pati ang mga chismosang kapitbahay nang marinig ang sigaw ni Malou, ang nanay nang ating main character.
"Uy ano yun bakit? Bakit?!", kinakabahang tanong ni Agustus, ang tatay ng ating main character.
"Buntis nanaman ako t*ng*na ka! Dalawang sunod-sunod na ang anak natin bumira ka nanaman!", bulyaw ni Malou sa asawa.
"Ayaw mo yun, mas madaling lumaki? At saka isa pa baka lalaki na to, magkaka junior na 'ko!", nagagalak na panguna agad ni Agustus.
"At pano ka naman nakakasiguro aber?", tanong naman ni Malou sa asawa.
"Basta wag kang magpa ultrasound! Lalaki na 'yan, feel na feel ko! Saka kita naman sa batok ni Quin eh, lalaki ang susunod na kapatid nya!" nanlalaki ang mga matang sagot ng dakila nitong asawa.
At ayun na nga! Nang dahil sa kabobohan ng mag-asawang Vermilion, nang malaman na buntis nanaman ang asawa nya ay hindi man lang nagpa ultrasound. 'Famahiin daw kasi'. Kaya ang ating main character na bunga ng katangahan at kakulangan ng vitamins at check up, sa wakas ay naisilang din.
"Waaaaahhh! p*tang*na mo Agustus! hinding hindi na 'ko magpapabuntis sa'yong hayup kaaaa! Ansakeeet!", tili ni Malou habang nakahiga sa gurney na siyang itinutulak ng mga nurse papuntang delivery room.
"Oo na, oo na pasensya na labs. Tutal lalaki naman na 'to kaya okay lang, 'di na 'ko babanat ulit!", sagot naman ni Agustus na namimilipit din sa sakit dahil sa halos hubaran na siya nang asawa sa higpit ng pagkakakapit sa suot nitong T-shirt.
Matapos ang isang oras ay lumabas na ang ating main character. Ang kaso tulog agad ang nanay nya dahil sa pagod sa panganganak, samantalang tulog naman ang tatay dahil nasapak ng nanay nito.
"Hi ma'am, sir, paki fill up-an na lang po ang form para malagyan na po ng name saka magawan na ng birth certificate 'yung anak n'yo," tipid na ngiting paliwanag nung nurse saka iniabot ang papeles kay Agustus.
Habang nag-fi-fill up nang form ay biglang nagkaroon nang emergency sa operating room. At dahil kaunti lang ang mga nurse at mukhang mamamatay na yung pasyente ay iniwan muna nung nurse yung form sa kanila, saka patakbong dumiretso sa operating room.
"Jusko! Ano nanaman bang klaseng ospital 'tong pinagpasukan mo sa'kin, Agustus?! Nung kay Quin ipinasok mo'ko sa mental, tapos kay Debbie dun sa St. Peter! Anakanampucha! Kahit kailan talaga papatayin na kitang g*go ka eh! Ang galing galing mo gumawa ng anak, kung saan saan mo naman pinapalabas!", bulyaw nanaman sa kanya nang asawa.
BINABASA MO ANG
Boys Dormitory (UNDER REVISION)
Novela JuvenilSi Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OKAY TAKE TWO! Si Austin Louis Vermilion, ang main character na mukhang pang side character. Ipinangan...