CHAPTER 3: First day

2.4K 160 30
                                    

Austin's POV

Tatlong araw ang lumipas at so far nakapagbonding at nakapamasyal naman kami ni tita dito sa maynila, pero hindi rin masyado since laging may tumatawag sa kanya na kesyo emergency daw at kung ano-ano pa.

Kinabukasan ay nagising ako sa nakakarinding tunog ng alarm. Inaantok kong kinuha ang cellphone sa tabi ng kama at agad na nanlaki ang mga mata nang mapansing male-late na pala 'ko sa first day of school ko!

Dali dali akong naligo, nagtoothbrush saka nagbihis nang simpleng oversized light blue na t-shirt saka maong na pantalon. Pagkatapos magbihis ay patakbo akong bumaba ng kusina bitbit pa ang pares ng coverse kong sapatos. Gaya nang dati ay nakahanda na ang pagkain pero 'di tulad ngayon, wala si tita.

Napa-upo sa upuan sa gitna kung saan nakalagay ang plato at mga kubyertos ko. Dali-dali kong sinuot ang sapatos ko.

"Manang, asan na po si tita Agnes?" takang tanong ko sa isa sa mga kasambahay ni tita.

"Ay! Maaga po umalis, nagmamadali pa nga eh. Hindi ko ho natanong kung san pumunta." sagot n'ya napatango na lang ako.

"Oo nga po pala ma'am, naayos na po namin yung mga gamit nyo. Nasa kotse na po lahat." Pahabol pa ni manang Beatrice, sinuklian ko naman sya ng matamis na ngiti.

Matapos kumain ay dali dali akong tumakbo papunta sa kotse, agad namang nagdrive si manong Kiko at hinatid ako sa panibagong school ko.

Nasabi ko na kay tita na may dorm pala ang school na yun, bale dun kami matutulog at titira. Makakauwi lang kami kapag holiday break o tuwing sabado at linggo, at syempre 'pag naka-graduate na kami. Binayaran na din ni tita ng cash ang tuition ko at iba pang gastusin dun. Bibigyan niya din sana ako nung card na ginagamit sa mga ATM, pero tumanggi ako. Bukod kasi sa hindi ako marunong gumamit ay baka mawala ko pa, sayang ang mapera sa loob no'n! Uuwi na lang ako tuwing sabado at linggo para makahingi ng pang-allowance hehe.

Taray noh? Galante nang tita ko. Sayang lang at wala siyang anak at asawa.

Dala-dala ang isang maleta at backpack ay patakbo akong pumasok ng school, saka sumakay ng elevator papuntang 4th floor at dumiretso sa room 0432 kung saan daw ang magiging kwarto ko. Nasabi na din sakin nung babae na may ka room-mate ako since dalawang tao ang nagmamay-ari ng isang room. Nabigyan na din ako ng schedule at babalitaan na lang kung kelan ko makukuha ang uniform ko.

Pagkapasok sa loob ay sinalubong ako nang napakalaking kwarto. May Sala, kusina, at dalawang malalaking kama! Meron ding chandelier at sosyaling book shelf!

Woaaah parang yung mga condominium lang sa mga pelikula ah!

Papunta na sana ako sa kama ko nang magulat na may makitang lalaki na mukhang bagong ligo at tanging twalya lang ang nakatakip sa ibabang parte ng katawan n'ya. Unti-unting tumulo mula sa buhok n'ya ang mga maliliit na butil ng pababa sa dibdib hanggang sa pagitan ng matitigas na abs niya. Hindi ko naiwasang mapatulala sa ganda ng katawan nya-ay anakanampucha! Ano bang nangyayari sayo Austin? Lalaki lang yan. maghunos dili ka!

Pakers naman oh! Ba't naman kasi lalaki p'ang kasama ko sa kwarto? >_<

Agad akong napaiwas ng tingin nang magkasalubong ang tingin namin, pero hindi n'ya 'ko kinibo at dire-diretso lang na pumunta sa isang cabinet katabi ng kama n'ya. Napalunok naman ako bago agad na pumunta sa kama ko.

Boys Dormitory (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon