CHAPTER 16: Kidnap

2K 133 7
                                    

Austin's POV

Maaga kaming nakarating sa room ni Crimson, at as usual maingay pa rin ang lahat, pero with a twist! Mga nag-aayos sila!

"Pre, pahingi!"

"Ako din!"

"Pre, may salamin ka?"

"Forth, pahiram suklay!"

Lumapit kami ni Crimson kanila Rent na nakiki-osyoso sa mga kaklase naming nakatumpok sa gilid, pero agad na napa-atras nang bigla s'yang lumingon na may kung anong kulay puting paste sa kamay. Nagulat pa s'ya nang makita kami, pero agad ding napangiti.

"Uy! Wassup! Buti maaga kayo ngayon. May oras pa kayo para mag-ayos.", salubong n'ya sa'min habang nilalagay yung puting paste sa buhok.

Napakunot naman ako. "Bakit? Anong meron?"

"T*ng*na n'yong lahat! Wag n'yo ubusin wax ko!", napalingon kami sa mga nagkumpulan naming kaklase sa tabi nang biglang marinig si Forth a sumigaw.

Sa isang iglap ay nagsipag-layuan ang mga kaklase namin sa kanya nang nagsimula s'yang maghabol. Si Klyde na nakatayo ang buhok ang napagdiskitahan n'yang habulin palabas ng room, malamang dahil s'ya ang may pinakamaraming wax na nilagay sa buhok.

"Woaahh!"

Napatingin naman kami sa may entrance nang mapahinto ang mga kaklase namin at manghang napatingin sa bumbay na nakapose sa tabi ng pinto. Tulad ng iba ay mukhang nag-wax din si loko. Nakasuklay papunta sa likod ang kaliwang bahagi ng buhok n'ya habang nakaayos naman ang bangs n'ya sa kabila. Nagmukha s'yang yung mga bida sa telenobela dahil sa ganda ng postura n'ya. Mukha s'yang fresh at mabango dahil sa fit n'yang uniporme at maayos na itsura. Napanguso ako...

Akalain mo yun, kaya din palang magmukhang tao ng unggoy?

Inulan s'ya ng papuri ng mga kaklase namin habang naglalakad papasok ng room. Palakpak tenga naman ang loko na nagkunwari pang walang pakealam sa mga papuri sa kanya ng mga kaklase, pero ang totoo lumalaki na ulo n'yan!

"Dahan-dahan sa tingin, Aus. Baka matunaw ako.", giit n'ya matapos huminto sa harapan ko.

Napangiwi ako."Kapal mo."

"Ah, now I remember." napalingon ako kay Crimson nang bigla s'yang magsalita. "Wala ka nga pala nung in-announce na ngayon daw tayo tayo kukuhaan ng I.D picture."

Agad na nanlaki ang mga mata ko. "Ba't ngayon mo lang sinabi?!"

"Well...does it matter?"

Anong 'does it matter'?! Palibhasa gwapo ka na kahit hindi mag-ayos. Eh pano naman ako? Hindi na nga maganda, di pa gwapo! Mukha akong tae! >.<

Natawa ang bumbay at umakbay sa'kin. "Bakit, ano namang gagawin mo? Mags-skirt ka?"

Inis ko s'yang tinignan kasabay ng tawanan ng mga kaklase naming nakarinig.

Tokneneng! Oo nga pala, hindi ko pa rin nasasabi sa bumbay na hindi pweding malaman ng mga kaklase naming babae ako. Kailangan ko s'yang makausap at patahimikin. Kung meron mang mas nakakakilala sa'kin dito, s'ya 'yon.

"Oo nga pala, magkakilala kayo! Sabi ni Clinton, classmates daw kayo nung junior high.", nakangiting aniya ni Rent habang nagsusuklay. Isa-isang napalingon ang iba naming kaklase sa'min, mukhang biglang nagka-interes sa'min ng bumbay.

Boys Dormitory (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon